Talikuran
Nanginginig pa rin ang kamay ko habang sinusubukang paandarin ang sariling kotse. Nang maramdaman ang tila hindi pagkalma ay tinapon ko ang susi ng kotse sa front seat.
Marahas akong napamura at inuntog ang sarili sa manibela. Ang kapal ng mukha niyang makipag-usap na parang walang kasalanan!
Tanggap ko na. Akala ko handa na ako. Akala ko lang pala lahat ng 'yon kasi hulog na hulog pa rin ako sa gagong 'yon!
I felt the tightness of my grip on the steering wheel loosen a bit, sinusubukang pakalmahin ang sarili habang humihinga ng malalim. And then I started the engine when I feel like I can drive already.
Ngunit agad akong nagsisi na tumagal pa ako ng ilang minuto sa loob dahil nakita ko ang paglabas ni Cain mula sa building. Nakabihis na siya, isang dark blue V-neck tee-shirt and formal dark pants.
Parang may hinahanap siya habang sinusuyod ang tingin sa buong parking lot. At nang magawi ang tingin sa aking kotse ay agad na nilapitan.
Napapikit ako. I mentally cursed myswlf over and over again. Hindi tinted ang sasakyan na ginagamit ko kaya alam kong nakita niya ako mula sa labas.
I quickly gathered my courage to maneuver my BMW but failed to do so when he stood in front of my car, unflinching!
Napasinghap ako, sinamaan ng tingin ang lalaking nakaharang. He was just staring right through me, like he's searching for the deepest part of my very soul. Agad akong lumabas ng kotse at marahas na sinara ang pinto, gulat pa dahil hindi man lang nabasag ang windshield.
"What is your problem, Cain?!"
Tinaas niya ang dalawang kamay, tila sumusuko.
"Relax. I just want to invite you over dinner. You just came from a twenty-four hour duty---"
"Like you care! Ano ba? Kung gusto mong magpasagasa, huwag mo akong damayin kasi ayaw ko pang makulong. I still have so many things in mind that I wanted to do kaya kung pwede? Umalis ka na riyan!"
"One dinner. Titigilan na kita."
"Spare me with your bullshits, Cain! Tama na ang anim na taong paghihintay ko na humingi ka ng tawad! If not for my broken wings, I won't achieve this much. Pero hindi ibig sabihin, hanggang dito nalang ako---"
"Isang dinner lang naman," sumamo nito. Seryoso ang mukha.
I laughed without humour. It was the most iconic line I've ever heard from him! Hindi ako makapaniwalang sa lahat ng sinabi ko'y ipagpipilitan niyang makipag-dinner. Nakakatawa, ha. Sobrang nakakatawa.
Though, I looked very strong from the outside. I sure am broken on the inside. Ni hindi ko alam kung kaya pa'ng ayusin ang sarili. O kung maaayos pa nga ba...
"Are you being serious right now?"
He shrugged then walked toward my direction. Mas nagulat pa ako dahil nilampasan niya ako at sumakay sa driver's seat.
"Ano ba'ng nangyayari sa'yo, Cain? Are you losing your mind? Pwede bang asikasuhin mo ang sarili mong problema bago ka dumagdag sa iba?!"
"Hop in, Mara," he demanded without exerting much effort on sounding authoritative. With one strong and long arm, he reached for the other side of the door and opened it.
Napapikit ako. I silently prayed this day would finally come to an end.
Hindi na ako nagsalita pa at sumakay na nga sa front seat. Ayaw kong makipagtalo. At mas lalong ayaw kong ma-stress nang dahil lang sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Thorns In The Flesh (WHIPPED SERIES #2) (Completed)
RomantikMaria Asuncion Limpoco is best friends with Cain Rodriguez. Both silent and smart, they decided to pursue Medical School together, though, becoming a Doctor is not really Mara's passion but her father's request. Mara believed she can achieve everyth...