>>Nagkamali pa nga ng chapter number! Hahaha. 54 na pala! >__<
Fast forward tayo.
There were many things that happened during their retreat. But that doesn't mean na things will change eventually. That feelings will change. That things will be the way they want it to be.
Sabine's POV
This is it.
Bakit naman kailangan naka-formal attire pa ako? At bakit kasama pa ang parents ko? Mas kinakabahan ako kapag kasama sila! Paano na lang kapag may sinabi kaming magkasalungat? ODK!
Tumawag din sa akin si Kuya Wes kanina. Araw-araw na nga yung tumatawag since nung araw na yun. Si Ate Wendy naman nakikisabat at excited na raw siya for Christmas break. Maghanda na raw kami ni Cyrus. Talagang maghahanda ako sa pagdating niya. Bawat galaw namin bibigyan ng meaning nun. Bweset.
"Sab, baby? Are you ready?" tanong sa akin ni Ma. Gusto ko sanang mainis at tinawag na naman akong baby! Siyet. Pero bakit hindi na lang ako masanay? Cute naman kapag sa ibang tao pero bakit kapag sa akin nakakainis na?
Pumasok na kami sa isang sosyaling restaurant. First time kong pumasok sa ganito! Pang-Andoks lang ang peg namin nina Daddy! Siguro sila Daddy medyo sanay na sa ganito dahil may business sila hindi lang halata. So alam na nilang makipag-sosyalan sa mga clients nila. Eh wala naman akong client!? Hanggang tokneneng lang kami ni Jasmine!
"Mr. & Mrs. Marquez. It's so nice to meet you." bati nung TATAY NI RED! JUSMIYO! "So, I guess this is Sabine." tapos niyakap ako! Wow! Ang bango ng pabango ng Tatay ni Red! Tatay talaga? LOL At talagang inamoy ko? "Please have a seat."
Pumunta na kami sa table tapos nagulat naman ako kay Red bigla na lang tumayo! Akala ko aalis na at hindi kinayanan ang kaba. Subukan niya lang! Susundan ko siya. Kapal ng face na iwanan ako rito! Ang ginawa talaga ni Red ay tinulungan akong umupo. Yung parang sa mga movies? Ganun yung ginawa niya. Natuwa naman ako. Hehe. First time.
Yung Papa lang ni Red yung nandito. May business meeting daw yung Mama ni Red kaya di makakapunta. Okay lang naman daw yun kasi nag-meet na kami. Huhuhu. Buti naman kasi nakalimutan ko na yung nangyari nung mag-lunch ako sa kanila. Mamaya may masabi akong iba tapos matalas pala memorya nung Mama ni Red! Lagot!
"So hija, how did you two met?" tanong nung Papa ni Red
"Uhm..." Kailangan ba english? Kapag nag-tagalog ba ako madidismaya yung Papa ni Red at sasabihing hindi ako nararapat sa anak niya! English lang hindi pa alam! "Uhm... Ano po... Uhhh. We met po sa mall. Natapunan niyo pa ako ng shake. That was how we first met." Eeeehhhh. Kinakabahan ako.
"Hahahaha!" Biglang tumawa yung Papa ni Red. "That's a very unexpected meeting."
"Oo nga po eh. Pero ang totoo po niyan nagkausap po kami sa college reunion po ng parents ko. Nagmamadali po kasi siya nung una kaming magkita. Tapos lumipat po siya sa school namin. Doon na po nagsimula." Tumango-tano naman yung Papa ni Red habang nagkukwento ako.
Kumain na kami. Ang nag-usap naman ay sina Daddy saka yung Papa ni Red. Nagulat kaming lahat nung inalok ni Tito (Ang haba ng Papa ni Red! LOL) si Daddy na maging business partner! ODK! Tanggihan mo Dad! Huwag kang magpapatukso sa dagdag yaman na yan!
"I don't know, Sir. I mean our business is doing well and we're not planning on expanding our business or diversify it. You know very well how hard it is to handle a business. Ours is just medium-sized but we're already occupied by it. Having another one will really be difficult for us."
Uhaw na uhaw na ako sa pangyayari kaya uminom muna ako.
"Oh please! Just call me kumpare. Our children are lovers any--"
BINABASA MO ANG
You Belong With Me
Teen FictionNakasulat na sa palad natin na tayo ay nakatakda para sa isa't-isa. Teka. Sa palad ko lang ata?