My life is a mess(One-shot)(true story)

69 0 0
                                    

My life is a mess (one-shot)

(based on a true story)

Ako si Kimberly, isang simpleng teenager. Ang akala ng ibang tao sakin, malakas ako and lahat kayang harapin ng nakangiti. Minsan nga nasabi ko sana hindi nalang ako marunong mag pretend. Yes pretender is my middle name. I pretend to be strong even if I am not. I pretend to be happy to hide all the pain.

Umuupa kami sa isang simpleng bahay, kasama ko ang mommy ko and ang guardian ko. Pero kadalasan  kasama namin yung alaga naming bata, si Priscilla, anak sya ng dati naming kapitbahay na kaibigan ng mommy ko pero nawili na din dito sa bahay.

Madaming nangyayari sakin sa loob ng isang araw kahit pa nasa loob lang ako ng bahay. Una na dun yung pakikipag usap ko sa boyfriend ko.

A few years ago…

4th year high school ako ng makaramdam ako ng kakaibang selos kay Priscilla. Para nya kong inagawan ng laruan. Parang may kung ano sa kanya na hindi ko maipaliwanag. Ang mommy ko and si mama (tawag ko sa guardian ko) laging sya ang kinakampihan. Mali man yung bata sya pa din ang lumalabas na tama. Mas lalo pa kong nag init dahil nung minsang lasing si mommy tumawag sya ng anak, so malamang lumapit ako para tanungin kung bakit, but then she said, hindi ikaw si Priscilla. Ang sakit pala ng ganun, yung sarili mong nanay parang itinakwil ka. Hindi ko napigilan ang sarili ko kundi ang magwala, nagkulong ako sa kwarto ko and ang tanging gusto ko nalang nun ay ang mamatay. I felt so alone that time. But then nilapitan ako ng pinsan kong lalaki to explain things to me, hindi naman ako nakinig pero inayos ko ang sarili ko.

My mom told me that she’s always trying to be the best mother and telling me every once and a while that pasalamat ka ako naging nanay mo kasi hindi kita pinabayaan. That was the time na nasabi ko sa sarili ko na oo she supports me financially but I don’t think its enough dahil nagkulang sya emotionally and mentally.

Nagkaroon ako ng boyfriend nun naging kami for 2 years and half I think. Dun ako nakakita ng tunay na pagmamahal pero masasabi ko sa sarili ko na kulang pa din. Dahil sa tuwing napupuno ako ng problema nagiging suicidal ako. May dalawang suicidal scar ako sa kamay. Hindi kasi ako yung tipong naglalabas ng nasa loob.

Nov 2010

Nagsimula na naman akong magkaproblema, inayawan ako ng pamilya ng ex-boyfriend ko. Napakadown ng buhay ko and ang natakbuhan ko yung kababata ko na ngayon ay boyfriend ko.

Nakaramdam na naman ako ng pagseselos kay Priscilla, dahil sa tuwing nagtatalo kami laging si Priscilla ang kinakampihan nila.

Oo teenager na ko and alam kong malaki na ko pero masama ba na hilingin mong maging nanay pa din sya sayo kahit na malaki ka na.

Isa pa yung si Mama, tuwing pagagalitan ko yung bata laging sakin galit.

Kahapon nangyari na naman yung ganun, actually every now and then naman. Hindi na nga ata natatapos ang linggo ng hindi kami nagtatalo talo dito sa bahay.

Ngayon ganun na naman.

Oo alam ko bata yun pero mali na yung ginagawa hindi mo pa itatama.

Sobrang sakit pero wala akong magawa. Kaya sana I comment nyo yung advice nyo.

I want to confront them pero ganun din ang nangyayari dahil after the conversation ako ang mali sila ang tama. Hindi nila ko pinapakinggan.

__________________

One shot na based on real life.

A piece of lesson,

Even if your life is a mess always find something na mapaglilibangan mo na makakalimot ka sa prob. And ask GOD.

Comment and vote. Advice and share. Make it possible for her to find the reason to live.

I share this story not to gain readers but I want to help her because as she was saying she’s starting to feel suicidal again.

My life is a mess(One-shot)(true story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon