"Papasok kaba talaga?" Naninugurado na tanong ni Yukiro sa akin. Napabuga naman ako ng hininga.
"Oo naman, bihis na nga ako eh" sagot ko naman sa kanya. Saka napasulyap sa saklay na naka sandal sa cabinet ko.
'Papasok nga ba talaga ako at gagamitin ko ang saklay na iyon'
"You sure?" Muling tanong ni Yukiro. Bakas ang pag-aalangan sa mukha nito, napangiti na lang ako. Again a fake smile of course!
"Oo nga" sabi ko at naglakad na patungo sa cabinet ko upang kahunin ang saklay na gagamitin ko. Sa totoo lang medyo nakakalakad na ako, paika-ika nga lang. Kaya kailangan kung gamitin ang saklay na ito para hindi ako gaanong mahirapan. "Siguro kung nasa girls school ako, mahihiya akong gamitin ito" sambit ko ng mahawakan na ang saklay ko saka ako humarap kay Yukiro "kasi hindi ako sanay na makikita ako ng mga classmates and schoolmates ko na mahina ako" dugtong ko pa saka bahagyang ngumiti "at least sa new school natin, walang nakakaalam sa pagiging malakas ko noon" pagtatapos ko at nag-umpisa ng maglakad palabas ng kwarto ko. Nandito kasi ako sa kwarto tapos sinundo ako ni Yukiro, syempre sabay kaming papasok.
"Mom, papasok na po kami" paalam ko ng tuluyan ng makababa ng hagdan.
"Mag-iingat kayo" sambit naman ni Mommy at hinalikan ako sa noo. "Yukiro, ikaw ng bahala sa kakambal mo ah" sambit ni Mom kay Yukiro na nasa likuran ko. Habang buhat-buhat nito ang bag ko.
Ayoko man sa nangyayare, wala akong choice kung hindi hayaan na lang. Pero hindi ko pa rin matanggap sa sarili ko na unti-unti akong nagiging mahina.
Sabay na kaming lumabas ni Yukiro sa bahay at tinungo ang sasakyan namin na kanina pa naghahantay sa amin.
*school*
Grabe ang kaba ko habang tinutungo ko ang room ko. Ako lang mag-isa, hindi ko kasi classmate si Yukiro. Buti nga napapayag ko sya na hayaan na akong pumunta sa room ko eh! Pero ngayon parang pinagsisihan ko na. Kakaiba ang tingin ng mga studyante sa akin. Bakit dahil ba nakasaklay ako? I can't take their eyes any longer. Kaya pinilit ko na pabilisin pa ang lakad ko.
Nakarating naman agad ako sa room ko. Nasilip ko na marami ng studyante roon kaya kumatok ako upang makuha ang atensyon ng teacher na nasa harapan.
~
"Good Morning Ma'am" Bati ng mga tao sa paligid ni Lorenz. Napatingin na lamang ako sa labas ng bintana, tss. Wala akong planong makinig sa kanila. Mas okay pang titigan ang mga ulap at mga ibong lumilipad sa langit, kaysa pansinin ko ang mga tao sa paligid ko. Wala naman akong mapapala sa kanila."Good Morning Class, By the way. We have new students" sambit ng teacher na nasa harap. kanya-kanyang bulungan ang narinig ko pero hindi ko na inintindi kung ano ang mga iyon! Aish! Ang ingay nila. Lagi na lang ganito sa school na ito.
BINABASA MO ANG
I'll Swallow The Poison
Teen FictionSometimes because of the pain, We're afraid to accept the truth. But how long will you avoid the truth, When everyone show you the things you don't want to see or to feel. Are you willing to Swallow the poison?