REMEMBER ME, ALY (The Beginning)
><><><><
'Di ako perfect. Nagkukwento lang.
Kaya kung may mali, edi wow.
><><><><In five days of procrastination because of lacking some inspiration, here I am, forcing myself to think new ideas for my manuscript. Malapit na ang deadline for submission ng gagawin kong story. Hindi pa ako nangangalahati. Wala pa akong maisip na plot. Sabaw, puro hugot, parang puro introduction lang.
Kung hindi ko lang sana sinayang ang five days ko, malamang tapos na siguro ako ngayon. Pero ang pangit naman kung sa five days na ‘yon pipilitin ko ang sarili kong gumawa nang wala ‘man lang naiisip.
Adrenaline rush is the key. Kung wala akong maisip o tinatamad akong mag-isip, may mga bagong ideas or better na papasok sa aking isip. Sapat para hindi maging sabaw ang kwento ko. I only have one week to finish my manuscript. For now, I’m preparing my clothes and anything will be needed for my One Week vacation to my grandfather’s house. Baka sakali sa lugar na ‘yon ay may mailagay ako na perfect setting para sa mga characters ko.
I’m done preparing and it’s time to go. I look on my wrist watch and the time is set on exactly 4:00 AM. Maganda bumiyahe kapag ganitong oras, madaling araw. Mabilis ang biyahe at walang traffic.
I decided to ride on a bus than riding on my car and driving. Gusto kong magbawi ng tulog dahil ilang araw na rin akong walang tulog. Kung sa bus, uupo lang ako and doing nothing.
Pagtungtong ko pa lang sa entrance ng bus ay bumungad sa akin ang mga bakanteng upuan. Ako, ang driver at konduktor lang ang nandito sa loob. Seems like hindi yata trip ng ibang pasahero ang bumiyahe ng madaling araw dahil sa kasarapan ng kanilang mga tulog sa kanilang mga kama.
Pumwesto ako sa bandang gitna at sa tabi ng bintana. ‘Yong pangtatluhang seat ang napili ko para maluwang kaysa sa pandalawahang seat lang. Ipinatong ko ang dalawa kong bag sa tabi ko sa gitnang parte nitong pangtatluhang seat. Nagpatugtog ako sa phone ko using my earphones to not create a disturbing sound to others. Baka kasi hindi nila trip ‘yong mga favorite songs ko.
Sa biyahe, masarap patugtugin at bumabagay sa mood ko ang pagpapatugtog ng Passenger’s Seat ni Stephen Speaks. I close my eyes, absorbing every words and messages in the lyrics.
In my imagination to this song, there was a lady on the passenger’s seat. The window on her side is open. That’s why in the song, the lyrics says “Her hair blowing in the open window of my car and…” While in the driver’s seat, a man sitting, driving, and looking at her in every second. Kahit gusto niyang titigan na lang ang babae ay hindi maaari dahil nagda-drive siya. This scenario tells the line of this song lyrics “and I can’t keep my eyes on the road knowing that she’s inches from me”
Imbis na ako ‘yong um-absorb sa kanta, ang kanta ang uma-absorb sa akin. I open my eyes and I didn’t notice that there’s a man sitting inches from me. Nananadya ba ‘yong kanta? I remove my earphones and I also noticed that no other passengers except from the two of us. I roam my eyes around. Puro bakante ang mga upuan. Then I turn my gaze to this man. Ang daming bakanteng upuan, bakit dito pa malapit sa akin?
Napansin niya siguro na pinagmamasdan ko siya kaya napalingon siya sa akin at umiwas ako ng tingin.
“Problem?” said his manly voice.
Gwapo siya.‘Yong mga mata niya na may kasingkitan, matangos na ilong, manipis at kulay rosas na labi, makisig na pangangatawan at maputi ang kulay ng kanyang balat. Perfect! Para siyang isang fictional character. Lahat ay perfect when it comes to physical appearance. Pwede siyang maging character basis ko.
Masyado na yata akong nakatunganga sa kanya. Wala sa sariling napapunas ako sa aking bibig. Baka kasi may laway at nakakahiya.
“Pft hahahahaha” narinig ko siya na tumawa at halatang nagpipigil siya sa lagay na ‘yon. Dahil doon ay nakuha niya ang atensyon ko. Mas may igugwapo pa siya kapag tumatawa. May dimples pa.
I composed myself from the usual me, wearing a poker face. “What’s funny?” mataray kong sabi.
“Nakakatawa lang kasi hanggang dito ba naman may nagpapantasya sa akin”
Napanganga ako sa sinabi niya. Ang yabang niya. “Ang kapal” naiinis kong sabi.
Wala akong nagawa kundi ang irapan siya. May part na may katotohanan ang sinabi niya. Kung makikipagtalo pa ako sa lalaking ito, lalabas lang na defensive ako at ako lang ang talo.
May mga pasaherong nagsisidatingan na at inookupa ang mga bakanteng upuan. May isang ale na mukhang naghahanap ng mauupuan at papunta sa gawi naming dalawa.
“Ah hijo, may nakaupo ba diyan sa gitna niyo?” tanong ng ale.
“Wala po. Mga bag lang ng babaeng ‘yan ang nakaupo”
“Ganon ba? hija, maaari ba akong makaupo diyan?”
“Opo walang problema” saka ko inalis ang mga bag ko sa upuan at inilagay ito sa ibaba.
“Dito na lang po kayo pumwesto sa inuupuan ko at dito na lang ako sa gitna para hindi po kayo mahirapan sa pagbaba”
“Salamat hijo”
Umusog ang lalaking ito malapit sa akin. Hindi ko alam kung bakit ako nagpipigil sa paghinga. May nararamdaman akong kakaiba nang magkadikit ang mga balat namin. Hindi ko matukoy maski sa sarili ko kung ano itong nararamdaman ko.
“We can now talk to each other intimately because there’s no inches between our body. Skin to skin. If you want to remove the inches between our lips, I’m willing to move closer to kiss you”
“Mga kabataan ngayon, hindi na makapaghintay para gawin ang bagay na ‘yan sa kwarto”
Nahihiyang nanahimik na lang ako. Baka lumabas lang na mukha akong defensive lalo na’t hindi ko kilala ang humuhusga sa amin.
Hindi pa rin nawawala ang inis na nararamdaman ko sa lalaking ito na akala niya ay palalagpasin ko lang. Kinurot ko na lang ang lalaking ito sa braso ng pagkalakas lakas. Ang yabang at bastos eh.
“What was that for?” sabi niya habang hinahaplos haplos niya ang braso niyang kinurot ko.
“Nakakaainis ka kasi!” ipinasak ko ang earphones sa tenga ko at tinodo ko ang volume para kung may mga nakakainis ‘man siyang sabihin, wala akong maririnig at magmimistulan lang siyang parang hangin.
Umaandar na ang bus. Para akong hinihele ng kantang pinakikinggan ko. Inaantok na ako.