Lawrance
"Kamusta pa la ang unang araw niyo?" pagtatanong sakin ni Papa.
"Okay lang naman Pa, nilibot namin ang Boracay gamit lang ang single bike. Nakakatawa nga dahil marunong pa akong gumamit nito."
Nasa labas kami ngayon si Papa nagkwe-kwentohan lang kami habang hinihintay na dumating sila Mama at Gracella. May binili kasi sila, sasama nga sana ako kaso ayaw akong payagan ni Mama. Baka daw gumawa lang ako ng kalokohan doon.
"Anak tapatin mo nga ako? Mahal mo na ba si Gracella?"
Para akong nan lamig sa sinabi ni Papa. Para akong na nigas at hindi ko man lang ma igalaw ang mga paa ko. Paano naman kaya niya na laman na mahal ko si Gracella. Kainis naman to paano ko ngayon to sasabihin sa kanya. Nahihiya kasi ako, hindi naman kasi ako sanay na ikwento sa kanya ang love life ko.
Simula kasi nong magkaisip ako. Madalang na lang ako nagkwe-kwento sa kanila. Hindi naman sa ayaw kong sabihin sa kanila pero parang ang badoy lang kasi. Iniiwasan ko lang ang mga sasabihin nila sakin. Iba kasi ang magiging tugon nila sa kwento mo unlike sa mga kaibigan mo. Hindi ka agad nila pagsasabihan ng kong ano ano.
Sadyang nahihiya lang talaga ako sa kanila. Alam kong maiintindihan rin nila ako at isa pa gusto naman talaga ikwento sa kanila pero hindi pa ito ang tamang panahon at pagkakataon.
"Lawrance, kong amo man ang nararamdaman mo para sa kanya hindi ka naman namin pipigilan ng Mama mo. Dahil may tiwala naman kami sayo."
"Pa, paano mo lalaman na mahal mo na talaga ang isang tao?"
"Anak malalaman mo agad yan. Unang una palagi mo siyang iniiisp. Sa bawat ginagawa mo bigla bigla na lang siya susulpot sa utak mo na para bang ka buti. Pangalawa gusto mo siyang makita araw araw at gustong gusto mo siyang kausapi. Panggatlo sa tuwing kasama mo siya bumibilis ang tibok ng puso mo."
Sa bawat binibitawan salita ni Papa ang tangin pumapasok lang sa isip ko ay si Gracella. Tangin siya lang ang taong laging laman ng utak ko. Siya lang yong taong gusto kong makasama at kausapin. Kahit na ma ubosan kami ng topic. Tama nga ang mga sinasabi ni Papa dahil sa tuwing kasama ko siya hindi normal ang pag tibok ng puso ko.
Inakbayan na ako ni Mama bago ito nagsalita.
"Alam mo may ibat ibang uri ng pagmamahal. Una mahal mo kang siya dahil palagi kayong magkikita. Pangalawa mahal mo lang siya dahil gusto mo lang siyang asarin. Pangatlo mahal mo lang siya dahil gusto mo lang parati nasa tabi niya."
"Paano kong mahal mo na talaga siya ng walang rason. Bigla bigla na lang tumibok ang puso mo, pwedi ba yon?"
"Hindi mo masasabi na mahal mo na ang isang tao kong wala kang rason. Lahat ng bagay ay may dahilan. Katulad ng Mama mo. Minahal ko siya dahil mabait siya at iniintindi niya ako. Kahit na ayaw sakin ng mga magulang niya noon ipinaglaban ko siya dahil mahal ko siya."
Tumango lang ako kay Papa. Ngayon para akong nalilito sa mga sinabi niya. Mahal ko naman talaga si Gracella, gusto ko siya na ang huling babae na mamahalin ko at mapapangasawa. Mahal ko siya hindi dahil magkasama kami palagi, mahal ko siya hindi dahil palagi ko siyang inaasar, mahal ko siya hindi dahil maganda siya. Sadyang mahal ko siya at hindi ko alam kong paano ko mapapaliwanag ang pagmamahal ko sa kanya.
"Lawrance, alamin mo mo na kong bakit mo mahal ang isang tao bago mo siya ligawan. Baka kasi pagnaging kayo na at naging boring na ang relasyon niyo baka hahatong lang ito sa paghihiwalay."
"Salamat talaga Dad, may nasabi karin sa akin na tama."
"Anak nan dito lang naman ako pagkailangan mo ng kausap."
"Sige Dad, pagiisipan ko ng mabuti ang mga sinasabi mo. Pero sure na talaga ako sa nararamdamam ko."
"Basta wag kang sumugal kong alam mong matatalo ko. Mas masakit pagnasugatan ang puso. Mahirap itong bigyan ng paunang lunas. Hindi ka tulad ng sugat sa katawan mo isang araw lang mawawala na agad."
"Ang dami mo talagang alam Dad. Sige na itigil na natin ito nan dyan na kasi sila Mama."
Tumayo na ako at naglakad pa tungo sa kinaroroonan nila. Kinuha ko na agad ang dalang plastik ni Gracella. Kong ano man tong nararamdaman ko sisigurodahin ko mo na may nararamdaman rin siya para sakin. Tama nga ang sinabi sakin ni Papa, mahirap ang sumogal kong alam mong wala kang mapapala sa huli.
Ayoko lang saktan ang sarili ko. Pero mahal ko talaga siya at bahala na kong ano man ang mangyari.
"Bakit pala kayo nan dito sa labas?" pagtatanong ni Mama kay Dad.
"May pinagusapan lang kami mag ama. Tara na at may gagawin pa tayong dalawa."
"Ikaw talaga, anak dalhin mo na yan ang plastik na dala mo sa kwarto niyo. Sa inyo yan."
"Sige ma, mauna na kami."
Nakasunod lang sakin si Gracella, hindi man lang ito kumikibo. Ano kaya ang pinagusapan nila ni Mama habang namimili sila. Sana lang walang sinabi si Mama sa kanya laban sakin.
"Lawrance?" pagtawag niya sa pangalan ko ng makapasok kami sa kwarto.
Nilagay ko mo na ang plastik bag sa lamisa at pinontahan siya sa balcony. Ano kaya ang sasabihin nito sakin. Sana lang maganda ang sasabihin niya para naman kiligin ako.
"Bakit?"
"Kasi ano..... Ano kasi......."
"Gracella kong ano man ang sasabihin mo. Sabihin mo na pinapatagal mo lang."
"Kasi feeling ko nahuhulog na ang loob ko sayo. Kaso hindi ko alam kong ano batong nararamdaman ko para sayo."
Huminga lang muna ako ng malalim at hinawakan ang kamay niya. Hindi mo na ako nagsalita para makapagisip siya ng maayo. Gusto kong pagisipan niya mo na ng mabuti ang mga sasabihin niya. Hindi naman kasi ako nagmamadali. Alam kong it takes time para mahalin niya ako.
Tama nga ang sabi ni Dad na alamin mo mo na kong bakit mo mahal ang isang tao. Kong ano ang nakita mo sa kanya at bakit mahal na mahal mo siya. Siguro nan doon palang sa stage si Gracella at ayokong pilitin siya na mahalin agad ako. Dahil makakapaghintay naman ako.
"Lawrance, alam mo sa tuwing kasama kita bumibilis ang tibok ng puso ko. Akala ko kinakabahan lang ako baka kasi pagtripan mo lang ako. Pero mali ang inaakala ko. Dahil tuwing titibok ng napakabilis ang puso may dala itong kiliti at kilig na ikaw lang ang nakakagawa."
Tama nga yan Gracella sabihin mo lang ang gusto mong sabihin sakin, handa akong makinig sayo. Nakatingin lang ako sa dagat habang pinapanood ang mga tao na nagsasayaw. Hindi ko na mona tignan si Gracella baka ma distract ko lang siya. Mas mabuti ng hawakan ang mga kamay niya para bigyan siya ng lakas ng loob na sabihin sa kasin lahat ng nararamdaman niya.
"Lawrance, kong ano man ang ginawa mo sakin at bakit ako nagkakaganito ngayon. Sana panindigan mo. Dahil simula sapol never pa akong na inlove at ayokong maranasan ang break up na tinatawag nila. Minsan na akong nasaktan dahil yun sa pagkawala ng mga magulang ko. Sana sa muling pagbubukas ng puso ko para sayo. Sana hindi ikaw ang maging dahilan ng pagkawasak nito."
Tumagos lahat sa puso ang bawat salita na binitawan ni Gracella. Hiniharap ko siya sakin at niyapak ng mahigpit. Alam kong natatakot siya na pumasok sa isang relasyon na wala siyang ka alam alam. Pero ipapangako sa kanya na hindi niya mararanasan na masaktan, magalit at umiyak.
"Gracella, iingatan at aalagaan kita katulad ng pagaala sayo ng mga magulang mo noon. Salamat dahil nagtitiwala ka sakin."
"Mahal na mahal kita Lawrance."
"Mahal na mahal rin kita."
Mas lalo ko lang hinigpitan ang pagkakayapak sa kanya. Handa na akong harapin ang bagong bukas na kasama ka.
----
BINABASA MO ANG
The Way I love You - COMPLETE
RomansYou make me smile in a special kind of way. I love you without knowing how, or when, or from where. l just love you.