Jelie
Okay, hindi ko alam ang nangyayari. Una, nagising akong nasa isang bahay na hindi ako pamilyar. Nang tingnan ko ang labas ay puro dilim lang naman ang nakikita ko. Pangalawa, naghahanap ako ng CR at nang buksan ko ang pintuan sa kwarto ay bigla kong nakita ang mga nangingisay na kaibigan ni Sidapa— putaragis, hindi ako sanay, Dodong na lang. Pangatlo, mukhang nabadtrip si Dodong at may mahiwagang usok na lumalabas sa kanya. Pang-apat, bakit bigla ay nagpupunta kami sa kung saan na parang wallpaper lang na nawawala ang paligid. Gaya ngayon, bumalik kami sa bundok kung saan naroon ang mga kaibigan niya.
"Sid—" Nahinto sa pagsasalita si Bunao nang makita niya ako. "Dodong," pagtatama niya. Natawa ako.
"Kilala ko na siya. Okay na na tawagin ninyo siyang Sidapa."
"At hindi ka natatakot?" alanganing tanong ni Rose.
"Hindi. Harmless iyan. 'Di ba, Dodong?"
Nagpalitan ng tingin si Rose at Carol bago sila ngumiti sa akin.
"Bagay sa iyo iyang hood," saad ni Carol na ikinangiti ko kahit papaano.
"Thanks. Hiniram ko lang sa may-ari." Tinuro ko si Dodong na nakatayo lamang sa tabi ko. Nakapamulsa ito at nakatayo na parang naghahamon ng away. "Maginaw kasi dito. Bakit ba nandito kayo sa bundok?"
"Hinahanap namin ang lambana na sinasabi mo," sagot ni Bunao. "Gusto ninyong maupo sa may apoy?" yaya niya.
"Hindi na," mabilis na sagot ni Dodong.
"Tara na. Maginaw eh." Hinila ko si Dodong ngunit hindi ako nagtagumpay. I tried pushing him pero hindi ito natinag. "Ano ba? Gawa ka ba sa marmol? Napudpod na ang sapatos ko, hindi ka pa natinag. Balakajan."
Nauna na akong naupo kay Dodong. Nakatingin ito ng masama sa apat. Hindi na siya pinansin ng iba, at ako na ang hinarap.
"Condolences nga pala, Jelie," wika ni Rose. Carol put her hand on mine at nalungkot ako bigla. Nagluha ang mga mata ko at hindi ko napigilang ngumawa... as in ngawa.
"Ayan na nga ba!" angil ni Dodong.
"Okay ako," humihikbi kong sagot. Hinawakan ko ang manggas ng hood ni Dodong nang magulat ako at nagsalita siya sa tabi ko.
"Huwag mong sisingahan iyan."
"Ay grabe ka." At dahil wala akong pamunas na dala, pinahid ko ang buong mukha ko sa likod ni Dodong. Ginawa ko siyang malaking panyo. Pagtingin ko kay Dodong, para niya akong sasakalin sa inis.
"Sorry," natatawang wika ko. "Okay na ako."
Huminga ako ng malalim at thankful dahil kahit papaano ay may kausap ako ngayon. Hindi masyadong malungkot.
"Hindi ninyo nakita si Alyana?"
"Sino?" sabay-sabay na tanong ng tatlo, maliban kay Dodong at Zandro.
"'Yong lambana. Alyana ang pangalan niya."
"Hindi siya nagpakita," sagot ni Rose.
"Subukan kong tawagin. Nararamdaman ko siya eh."
"Huwag na," mabilis na awat ni Dodong at saka tumayo bitbit ang braso ko.
"Dodong, 'uy. Teka nga bakit ba badtrip ito?" tanong ko sa apat. Mukha akong batang nahuling nangungimit kung bitbitin sa braso.
"Misunderstanding," sagot ni Carol.
Parang kabayo si Dodong na humahalinghing.
"Umupo ka muna nga. Nangangawit na ako." Hinila ko ang braso ko mula sa pagkakataas ni Dodong. "Talk to me. What's eating you?"
BINABASA MO ANG
The Book of Death
FantasySIDAPA- isang diyos na limot ng mga tao ngunit naglalakad pa rin sa ibabaw ng mundo. Taga-sundo- iyan ang madalas na itawag sa kanya. Tagahatid sa kabilang mundo. Taga-kuha ng espirito. Taga-habol sa mga dapat ng tumawid na nananatili sa mundo. Mi...