DORMITORYO

7 1 0
                                    

Hindi ko maitatago ang nararamdaman sa kanya, sino ba naman ang di mabibighani sa angkin niyang tikas, simula nang dumating siya sa dormitoryo ay lagi akong nakakaramdam ng saya, kinukumpleto niya ang aking araw. Alam kong malabo na maging kami ni Carl, isang HRM student sa aming Pamantasan, kaya minabuti kong ilihim na lang ang lahat. Huling taon ko na rin iyon sa kolehiyo kaya tinanggap ko na lang ang mga bagay na alam kong imposibleng mangyari.

Tatlong taon ang nakalipas at muli kaming nagkita. Halos wala siyang pinagbago, ganoon pa rin. Sa aming pagkikita'y nagkapalitan kami ng mga ngiti at nagkatitigan nang matagal, makahulugan ang mga titig na iyon, halos walang bumibitaw. Naputol na lang ito nang tinawag siya ng kanyang kaibigan. Nagpaalam siya sa akin. Sa aking paglisan naman ay biglang tumunog ang aking cell phone, may nag-text, tiningnan ko ..

"Kita tayo mamaya, hintayin mo ako sa dormitoryo,"

-CARL

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 14, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DORMITORYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon