Nakapikit lang ito pero patuloy ang pag-agos ng luha nito sa dalawang mata nito.
Pinagmasdan ko ito at namumutla ang mga labi nito. "Alexis? Okay ka lang ba?" tanong ko pa. Nasapo ko naman ang noo ko sa naisip.
Malamang di 'yan okay, nakita mo ngang namumutla at umiiyak 'diba?
Dahan dahan kong sinapo ang noo nito at bahagyang nagulat pa ng makapang sobrang init nito.
Mabilis akong tumakbo sa labas para kunin ang thermometer. Pagbalik ko ay nakita ko pa rin siyang lumuluha ng nakapikit, nagsasalita.
"M-mamaaa." halos kumirot naman ang puso ko sa sinabi niya. Hinahanap niya ang Mama niya, paulit-ulit niya itong binibigkas kahit sobrang bagal nito at hirap na hirap. "G-gusto ko p-po ng J-jollib-bee." dugtong pa nito.
Ano daw? Jollibee?
Muli itong umiyak habang nakapikit pa rin. Marahan ko itong ginising. "Alexis? Alexis?" mahinahon ko ng tawag.
"O-oh?" itinigil nito ang pag-iyak at mataray pa rin itong nagtanong.
"Ilagay mo 'to sa armpit mo para makita ko kung anong temperature mo." marahan naman nitong minulat ang mata niya at saka tinignan ako bago tinignan ang thermometer na hawak ko.
Hinayaan ako nito na tumayo sa harap niya at mangalay sa hawak na thermometer dahil pumikit ito ulit, walang pakealam.
"Wala akong s-sakit." laban pa nito kahit obvious naman na. "U-umalis ka sa h-harap ko at a-ayaw kitang m-makita." namilog ang bibig ko sa sinabi niya saka napasinghal.
"Ha!" singhal ko pa, nagtitimpi. Pumikit ako at huminga ng malalim saka nagsalitang muli. "Ikaw ang maglalagay nyan sa kili-kili mo o ako ang maglalagay nito dyan?" nauubusan ng pasensyang saad ko.
Marahan naman itong nagmulat at inangat ang kanang kamay, pinagmasdan ko lang ito habang nakaangat ito. "Ilagay mo na." namilog ang mata ko sa narinig. Nang-aasar ba siya?
Umandar din ang kalokohan ko dahil sa nang-aasar din siya. Umupo ako sa gilid ng kama nya at saka hinawakan ang kamay niya.
Akma ko ng ilalagay kunwari ang thermometer sa armpit niya pero nagmulat ito ng mata. "O-oy! Joke l-lang!" halos sigaw nitong sambit saka kinuha ang thermometer sa kamay ko. Tumalikod naman ako at marahang natawa.
Lumingon ako ulit dito ng tumunog ang thermometer. Kinuha niya ito at saka inabot ito sa akin, pumikit naman ito ulit.
38.6 celcius...
Pag kakita ko ng temperature nya akma akong lalabas ng kwarto niya pero pinigilan niya ako.
"S-san ka p-pupunta?"
Huminga ako ng malalim bago magsalita. "Pupunta tayo ng ospital." may diin kong sambit.
Idinilat nito ang mata nya at dali-daling nagtalukbong ng kumot. Lumapit naman ako dito at takang tinignan ito.
"Medyo mataas lagnat mo, kailangan mong magpatingin sa ospital." dagdag ko pa pero lalo lang itong nagtalukbong sa kumot niya.
"Ayaw!" arte pa nito. Napahinga ako ng malalim. "Hayaan mo nalang ako d-dito."
"Tapos pag may mangyari sayo? Sinong masisisi? Ako?" may irita ngunit pinilit kong maging mahinahon.
"A-ayokong umasa sayo dahil pagkatapos nito ay isusumbat mo naman sa akin lahat ng ginawa mo at ginastos mo." nanahimik ako bigla sa sinabi nito. Inisip niya pa na baka isumbat ko sa kanya 'to lahat? Biro lang naman lahat ng yun e, siniseryoso niya na pala lahat.
BINABASA MO ANG
Still You
Teen FictionAlexis Reign Montenegro, a girl who fights just for her dreams, kaya naman pumayag siya at nangako sa pakiusap ng kanyang nanay na paaralin siya ng kaibigan ng nanay nito sa Japan. Nakarating ito ng Japan at tumira sa bahay ng kaibigan ng nanay niya...