1

108 8 3
                                    

"Lancie! There you are!"

Kyla's sitting sa waiting area, both arms are folded in front of her chest at naka de quatro pa. She stood up at lumapit sa akin.

"How's the operation?" Tanong niya.

"It was successful, Ky." Sagot ko at nag simula nang mag lakad papunta ng locker room

"A bit unfortunate, 'no. He has no parents or relative man lang to pay visit sa kanya." Kyla commented regarding sa situation ng patient ko.

"We have no rights to meddle with our patients' business, Kyla."

"Yeah, sorry. My bad."

Napatingin naman ako sa digital clock na nadaanan namin and my shift is almost done.

"By the way, Lancie. Let's hanggg, my treat!"

"Wrong timing pa-libre mo, Ky. May lakad ako." Sagot at napatingin sa kanya. Kita naman sa mukha niya ang biglaang lungkot.

"Si Ven busy, ikaw may lakad. Ayaw niyo na ba akong kasama?" Pagdrama niya. Natawa lang ako.

"Sa susunod nalang, may lakad kasi talaga ako, eh."

"Lakad, sus, baka may jowa kana, ah." Umirap lang ako.

"Alam mo naman na hindi ako marunong lumandi." Sagot ko.

"Ay, oo nga pala." Tumawa naman siya ng malakas. Napa-ngiwi nalang ako.

"Una na ako, sa susunod nalang." Paalam ko sabay tapik sa balikat niya.

"Sige na! Alis na, shoo!" Pag-taboy niya. Tumakbo naman agad ako papuntang staff wing para magbihis, naka-scrubs pa kasi ako.

Patay ako kay Aneise kapag late na naman ako!

---

"Dr. Gomez!" Bati ni Nate mula sa malayo, kumaway lang ako bago pumasok sa elevator. Napatingin naman agad ako sa sarili kong phone nang bigla itong tumunog. Si Aneise!

"Hello?" Sagot ko.

"Hoy babaita! Bilisan mo, ikaw nalang hinihintay namin!" Medyo napalayo ko ng konti ang phone sa tenga ko. Sigaw ba naman agad ang bungad sa akin.

"Namin? Akala ko ba tayong dalawa lang?" Tanong ko, akala ko kami-kami lang?

"Inimbitahan ko din sila Lex, saktong day off nila eh. The more, the merrier." Sagot niya.

"Otw na."

"Otw? On the way or oo tangina wait? Bilisan mo nalang diyan!" Sabi niya at binaba ang tawag. Bumukas naman ang elevator at nakasalubong ko si Ven.

"Naks. May ka-date ka, Lancie?" Tanong niya.

"Wala nga, eh." Simangot kong sagot.

"Baka forever single ka na niyan." Sabi niya at tumawa ng malakas, babatukan ko na sana nang agad siyang pumasok sa elevator.

Minsan iniisip ko kung paano naging doctor 'yun?

Pumunta na ako sa parking lot at pumasok sa kotse. Nag-drive naman ako agad dahil alam kong late na 'ko at sasalubungin ako ng kuda ni Aneise.

---

"Uy! Si Dr. Gomez!" Bati agad ni Eurika pag-pasok ko sa resto. Siguro ni-rentahan nila 'to, walang tao, eh.

Ngumiti lang ako at lumapit sa pwesto nila. Sa tabi ako ni Eurika umupo.

"Lancie! Long-time no see." Bati ni Lex, nakipag-apir naman ako sa kanya.

"Naks! Long-time no see, Cpt. Arevalo." Sabi ko, ngumiti naman siya.

"Ang tagal mo, pa-special ka." Singit ni Aneise na nasa tabi ko, umirap lang ako.

Be with You Again (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon