Rose's POV
"And ganda talaga sana ng story ng Titanic, pero mas maganda pa talaga sana yun kung happy ending" sabi ng kaibigan kong si Tallah dahil kakatapos lang naming panoorin muli ang pelikula.
"Oo nga, konti na nga lang ang gwapo sa mundo, namatay pa si Jack" dagdag ko.
"G*ga ka talaga, nandyan naman si Jack na kapitbahay niyo eh, kapangalan mo pa nga yung bidang babae, uy kayo ha alam kong palagi kayong nagbabangayan pero may sparks" tukso niya sa akin habang sinusundot-sundot yung tagiliran ko.
"Oo inaamin kong medyo pogi siya, biniyayaan din naman ng gwapong pangalan pero yun lang ang bantot kaya ng ugali nun!" Naiinis kong sabi
Biglang bumukas ang pintuan ng bahay namin at pumasok si kuya August at may kasama siya!
"Narinig ko pangalan ko ha! Sabi ko na nga ba, may gusto kadin sakin eh!? Hahahaha" sabay pasok ni Jack.
"Alam mo kung gusto mong maging tayo, okay lang naman eh, pasasayahin kita" walang tigil niyang pagsasalita.
"Mas sasaya ako kapag wala ka rito, kaya tsupe alis, shoo shoo, halika ka na Tallah dun tayo sa kwarto ko" hinila ko siya papunta sa kwarto ko.
Pero ang ang bruha hindi nagpatinag at hindi umalis dun sa sofa.
"Dito lang tayo Rose, palagi mo nalang iniiwasan si Jack ang ganda pagsamahin ng pangalan niyo kaya"
"Wow, Mother of Justice ikaw ba yan? Ang righteous mo naman bigla"
"Seryoso ako, at ship ko kayong dalawa kaya pwede ba magbati na kayo, magkakatuluyan din naman kayo sa huli eh, I think he's the guy for you" walang utal niyang sabi habang nakatingin sa akin.
The guy for me my ass. Tss
"Ehem. Medyo agree ako kay Tallah dahil nakakasakit sa eardrums yung pagbabangayan niyo, pero dahil kuya mo ako pag-iisipan ko yung part na maging boyfriend mo tong si Jack" singit ni kuya.
"Eto na lang maglaro tayo ng game kapag natalo ako bahala na kayong dalawa, pero kapag ako ang mananalo you both will be friends or more than that" may nalalaman pang wink at english ang bruha
"Ayaw" "Ok" sabay naming sabi ni Jack.
"Sige na simulan na natin, bato bato pick nalang para pure luck" sabi agad ni Tallah
"Ang sabi ko ayaw" sagot ko naman sa kanya
"Huwag kang KJ Rose, lika Jack ikaw nalang makipag bato bato pick, pero yun yung magdedecide ha, wala ng atrasan"
Lumapit si Jack kay Tallah habang nakangisi ang loko.
"Bato, Bato, Pick"
Paper si Jack
Bato naman si Tallah
Napangiti nalang ako sa resulta, napanganga si Tallah, napailing nalang at umalis si Kuya August habang seryoso naman ang mukha ni Jack.
Bgla niya akong nilingon at lumapit sa akin, and when I said na malapit, sobrang lapit naman ata.
"Ano ba yan panalo ka" sabi ko
"Pero hindi naman ibig sabihin non tapos na tayo" sagot niya sa akin.
"Ano bang pinagsasabi mo?" I aksed confused.
"Hindi mo ba narinig yung instructions? Kapag nanalo si Tallah magbati na tayo pero kapag nanalo ako tayo na daw ang bahala" pag-explain niya
"So?" Naguguluhan kong sabi.
"Tayo na ang bahala, o kaya ako na nalang" sabi niya at napangisi.
Napatulala ako sa sinabi niya habang kitang-kita ko yung kaibigan ko sa likod niya parang uod na inasinan.
Napatango nalang ako at ngumiti nalang pabalik sa kanya.
Baliw talaga tong lalaking to.