*DEMAR*
Kanina pa ako kating-kati na kalabitin ang gatilyo ng AWM Sniper rifle ko. Muli ay pumatak na naman ang pawis ko. Hindi pa rin kasi lumalabas ang target.
Nasa isang abandonadong building ako at may layong 275 meters ang target ko.
Ako yung gumagawa ng trabaho ngayon dahil may personal na atraso sakin ang target.
Simple na lang sakin ang trabahong ito dahil dito ako nabuhay. Ipinanganak ako para gawin ito. Ang wakasan ang buhay ng mga taong nanlalamang sa kapwa nila. Ano bang makukuha ko dito? Syempre pera, pero bukod dun may iba pang dahilan. Isa na dun ang paghihiganti.
Tinignan ko nang bahagya ang suot kong relo.
20 minutes na pala ang nakakalipas pero wala pa rin ang target. Hindi kaya nakatunog sila? Bahagya ko munang tinanggal ang pagsilip sa baril ko at pinunasan ang lens ng scope nito.
<"Boss papalabas na ang target,"> sabi ni Dos sa kabilang linya.
Naka-earphone ako. Si Dos naman ay nagpapanggap na civillian sa area ng target.
<"Copy!"> I answered as my eyes burned with an urge to kill that man.
Muli akong sumilip sa scope ng AWM ko at sa pagkakataong ito ay lumabas ang lalakeng nakashades na nakasuot ng tuxedo na may malaking tiyan at katamtaman lamang ang tangkad. Nakangiti ito at kumakaway sa mga tao. Nakapalibot sa kanya ang mga bodyguards niya na para bang pinapangsalag ang katawan nila sa amo nila.
Psh. It's useless I said in my mind.
"Smile while you can." My jaw clenched.
Kakalabitin ko na ang gatilyo ko upang matapos na ang buhay ng target ko pero biglang may kumatok sa pinto.
Nailang ako na dahilan para lumihis ang pag-asinta ko sa sniper rifle ko. Saktong pag-katok nang kung sinuman yung nilalang na baka 'di niya na mahal ang buhay niya ay ang pagkalabit ko rin sa gatilyo. Nagmintis ako. Yes! For the very first time of my entire life as assasin, I've missed a shot. Pagsilip ko ulit sa scope ko ay nagkakagulo na sa area ng target. Napatiimbagang ako sa kinalalagyan ko at inayos ang sarili.
<"Boss ano pong nagyari?"> nagtatakang tanong ni Dos.
<"May bubwit na nanggulo sa akin."> I greeted my teeth as I've said that.
<"Bubwit?"> Dos.
<"All Darcs dismissed."> I instruct with authority.
<"Copy!"> Sagot niya.
Tinignan ko ang orasan ko. Meron pa akong 5 minutes para mag-ayos.
Tatlong katok na naman ang nagmula sa pinto.
Tss. Di pa rin pala umaalis yung bubwit na sumira ng misyon ko. Hindi ko na sana tatapusin ang buhay niya kaso 'di pa pala siya umaalis. Siguro gusto niya siya yung maging kapalit ng buhay ng lalakeng target ko kanina.
Nang makalas ko na ang sniper ko ay nilagay ko na ito sa bag ko. Naglakad palapit sa pinto. Kinasa ang dessert eagle na hawak ko.
BINABASA MO ANG
DARC Society
ActionIsang grupo ng mamatay tao. Ito ang grupong kinasadlakan ko. Paano nga ba ako napunta sa lugar na 'to? -Selena Andrade Isang grupong binuo ko. Ito ang pamilyang naging sandalan ko. Bakit nga ba siya napunta sa lugar ko? -Demar ARtis Claverio Kung h...