Kabanata 9

106 23 3
                                    

"I'm sorry about Ynoe." wika ko nang makaupo ako sa visitor's chair ng opisina ni Engineer Lopez.

Mabilis siyang umiling-iling kaya naman ngumiti ako. Inabot ko sa kanya yung folder na dala-dala ko at kinuha niya iyon para matingnan.

"Ynoe is the perfect example of a real life headache." Sabi ko pa kaya naman tumawa siya.

"Yes. Nakakainis nga 'yon at lagi akong ginugulo." Tumawa ako sa sinabi niya at agad nai-imagine si Ynoe habang ginugulo si Engineer Lopez.

Paano kaya sila nagkakilalang dalawa?

Sayang ang ganda nitong si Engineer kapag pinatulan niya yung kalandian ni Ynoe!

Sinuri ko ang kanyang mukha. Tumikhim siya kaya palakaibigan akong ngumiti.

Sobrang pamilyar talaga ng mukha niya sa akin! Hindi ko lang matandaan kung saan ko siya nakita noon.

"I know this is so random, but have we met before?" Tanong ko at nakita kong medyo namula ang pisngi niya.

Nagkamot siya ng ulo at saka tumango.

"Saan?" Kuryoso kong tanong. Nakita kong may kaunting kaba sa kanyang mga mata kaya naman ngumiti ulit ako.

"Sa La Castellana." Sagot niya.

Agad na nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig.

Sa La Castellana?!

Nakita niya ata na nagulat ako kaya naman umayos siya ng upo at kinwento ang lahat ng detalye.

"Bakit hindi ka nagpakilala sa akin kahapon?" Tanong ko sa kanya pagkatapos niyang magkwento. Nahihiya siyang ngumiti kaya naman ngumuso ako.

Gulat na gulat ako nang malaman na sa La Castellana siya lumaki, pero mas nagulat ako nang malaman na apo pala siya ni Manang Flor! Wala man lang akong kaalam-alam at hindi man lang na-ikwento o nabanggit sa akin ni Manang kapag umuuwi ako sa La Castellana na may apo na pala siyang engineer!

Minsan na din pala siyang pumasok sa mansyon at tumulong noong araw na dumating ang pamilya Zorilla sa La Castellana upang magbakasyon limang taon na ang nakararaan.

Kaya pala sobrang pamilyar ng mukha niya sa akin!

Sabay kaming napatingin nang tumunog ang cellphone ko, hudyat na may mensaheng dumating. Binasa ko 'yon at nalaman na hinahanap ako ng team ko at may kailangan daw akong permahan. Ibinalik ko ang tingin kay Engineer Lopez.

"We should set a date para makapag-kwentuhan pa tayong dalawa." Wika ko kaya agad siyang tumango.

Sinabi ko din na bukas ko nalang kukunin yung folder para malagyan niya ng explanation yung mga content na hindi ko masyadong naintindihan. Ngumiti ako bago nagpaalam sa kanya.

Malawak ang ngiti ko paglabas ng opisina ni Engineer Lopez nang biglang lumitaw si Ynoe sa harap ko. Agad akong sumimangot.

"Anong pinag-usapan niyong dalawa?"

"At tsismoso ka narin pala ngayon?" Tanong ko pabalik.

"Akala ko pokpok ka lang e." Dagdag ko pa.

Ngumuso si Ynoe at agad akong inakbayan. Nakita ko ang ibang empleyado na napatingin sa direksyon naming dalawa kaya naman pilit kong tinanggal ang braso niya, kaya lang ay mas lalo niyang diniinan ang pagkaka-akbay niya.

"Ano ba? Ysma!" Malakas kong wika, akala ko ay tatanggalin niya na dahil sa first name niya ang binanggit ko pero dahil isa't kalahating gunggong si Ynoe, mabilis na inilapit niya ang mukha sa akin at agad na hinalikan ang pisngi ko.

Remembering Sunshine (La Castellana Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon