Limang araw narin akong nakatira sa condo ko.
Ayaw ko pa sanang bumalik sa bahay ngunit hindi pwede baka mas lalo silang magtaka.
Pagpasok ko sa loob ay nabugaran ko siya agad.
Nabuhay na naman ang emosyong gusto kong itago.
"Anak! Mabuti at narito ka na."
Agad kong niyakap si nanay.
"Kamusta ang pananatili mo doon anak, nagustuhan mo ba?"
"Opo nay."
Nagkwentuhan pa kami hanggang sa pinanood namin ulit ang pagsabog ng firework sa langit.
Masaya kaming kumain.
Nang biglang basagin ito ni Russel.
"Dad, gusto ko na rin pong bumukod."
Napalingon ako sa kanya.
Kumakabog ang puso ko dahil sa sinabi nito.
"Wala naman 'yong problema anak, pwede ka naman lumipat sa condo mo na katabi lang sa kapatid mo."
Mas lalong lumaki ang mata ko. Bakit hindi ko iyon naisip.
"Daddy pumapayag na po akong maging Miller si Daisy."
Parang bumalot ang kaba sa buo kong katawan, napahigpit ko ang paghawak sa tela ng damit ko.
Kaya ba hindi ako inampon ni Tito dahil sa kahilingan nito.Nakita ko ang saya ni nanay at tito pero nawala ang ngiting iyong ng dinugtong ang sinabi nito.
"Anong sabi mo anak!!!"
Tumulo ang luha ko.
"Gusto ko pong pakasalan si Daisy."
Napatayo si Tito. "HINDI PWEDE JHON! KAPATID MO SI DAISY HINDI KAYO PWEDE!!" Halos kita ang ugat ng leeg nito sa lakas ng sigaw.
"DAD! HINDI KO SIYA KADUGO PARA HINDI KAMI PWEDE!!!"
"HINDI AKO PAPAYAG JHON!!!
" MAY NANGYARI NA SA AMIN NI DAISY KAYA WALA KAYONG MAGAGAWA! MAGPAPAKASAL KAMI!!"
Nanginginig ang buo kong katawan ng sinabi niya ito.
Napasigaw si nanay ng sinuntok ni tito si Russel.
"ANAK!!" sigaw nito ng wala man akong ginawa.
Hindi ako makagalaw dahil sa gulat.
Napatakbo ako ng makitang dumudugo na ang labi nito.
"TITO, TAMA NA PO!"
Pinaggitnaan ko sila upang hindi na masuntok pa ito.
"Hija! Sabihin mo sa aming nagsisinungaling lang ang anak ko.!"
Mas lalong tumulo ang luha ko.
Napatingin ako sa kanya' "Opo" nakita ko ang sakit sa mata nito. Bumaling ako kay Tito "Opo, totoong may nangyari sa amin."
"DAISY!!"
Nalipat ang tingin ko sa nanay ko ko ng bigla itong humagolgol.
"Nay." Nilapitan ko ito at niyakap.
Masakit man para sa akin na aminin ito pero mas lalo lang lalala kung pilit ko siyang tinakasan.
Humagolgol ako ng makaakyat na sila sa kwarto.
"Daisy."
Nilingon ko siya.
Kinasusuklaman ko siya.
BINABASA MO ANG
YOU BELONG TO ME
De Todo"Run! Run as you can! Pero kahit anong takbo mo ! sa akin ka parin mababagsak, akin ka lang! Walang pweding magmamay-ari sayo kundi ako lang! YOU BELONG TO ME!! Remember that." ----Russel Jhon Miller