"Okay class, quiet! May bago kayong kaklase. Pakilala ka anak" sabi ni Ma'am pagkapasok niya sa room. Gustong gusto ko talaga sa mga teacher yung pagtawag nila ng 'anak' sa mga estudyante nila pati na din yung mas matanda sa akin. Feel ko kase pag ganon napalapit na kami sa puso nila. Some small things like that makes me so happy.
"Good Morning everyone. My name is Liam James Avila" maikli niyang pagpapakilala. Nahihiya pa siguro 'to kaya wala na masyadong sinabi. Pero in fairness ha, gwapo siya at mukhang may ibang lahi. May accent din ang pagsasalita niya bongga! Galing 'to panigurado sa ibang bansa.
"You may sit to the vacant sit beside Miss Fuentes" sabi ni Ma'am sabay turo sa tabi ko. Binulungan ako bigla nung nasa likod ko na ang swerte. May katabi lang na gwapo swerte agad? Swerte ba tong katabi ko para masabi nilang swerte ako at nakatabi ko siya? Kung namimigay 'to ng pagkain that's when I will consider that I'm lucky to be sitting right next to him, charot!
Bakit ba naman puro pagkain nasa isip ko? Parang lagi akong gutom kahit hindi naman. Pagkain na lang talaga ang iniisip ko sa araw-araw, nakakaloka ang buhay.
"Amber samahan mo muna si Liam mamaya libutin yung school. Para naman maging familiar siya sa mga lugar dito sa school" sabi ni Ma'am na ikina-ingay ng mga kaklase ko. Ang o-oa talaga nila. May sumigaw pa ng sana all, mga abnuy. Bahala sila diyan mainggit hanggang matapos ang school year.
"Sige po" sabi ko at tumango tango na lang kay Ma'am dahil nakakahiya din naman humindi.
"Panibagong ship na naman ba itey?! Bagay kayo bhie!" may sumigaw dun sa likod. Mga adik na yung mga kaklase ko sa ship-ship thingy na iyan kaya pati ako nadadamay. Tiningnan ko yung katabi ko pero parang wala lang naman sa kaniya or hindi siya nakakaintindi ng tagalog? Siguro nga hindi.
"QUIET! Mga batang 'to magaling lang sa pag-iingay pag naman oral recitation na mga di naman makasagot" nagsitahimikan naman silang lahat nang sumigaw si Ma'am.
Muntikan pa akong matawa dahil sa mga itsura ng mga kaklase ko. Mukhang mga matatae eh. Habang yung iba ay masama yung tingin sa akin at yung iba naman ay tingin ng nagseselos at naiinggit . Mga inggiterang frog! Nakatabi ko lang yung gwapong transfer parang ready na nila akong sugudin eh.
Ngayon pa nga lang nila nakita selos na agad nararamdaman nila dahil hindi sa kanila nakatabi. For sure gagawa na naman sila ng issue. Nakakasawa na yung ugali nila. Nasanay na lang talaga siguro ako sa kanila kaya natiis ko sila ng matagal.
Pagkatapos ng klase ay nagsi-ingayan na ulit ang mga kaklase ko, as always. Nagpaalam na ako kila Scarlet na hindi ako makakasabay. Alam na naman nila kung rason ko. Inaya ko na palabas si Liam. Medyo nakalayo siya sakin kaya hinigit ko siya palapit.
"Lapit ka dito sakin para maintindihan mo mga sasabihin ko habang naglilibot tayo. Tyaka huwag ka na mahiya sakin di naman ako nangangagat" tinawanan niya lang ang sinabi ko. Mababaw lang pala ang kaligayahan ng isang 'to. Sa kaniya ko na kaya sabihin mga jokes ko para bentang-benta.
Pero teka, naiintindihan niya yung sinab ko? Akala ko ba hindi siya nakakaintindi ng tagalog?! I have been fooled. But he also didn't say na hindi siya nakakaintindi ng tagalog. Nag-assume naman ako kaagad, ano ba naman yan?
"Funny na ba ako non? Well, kung oo, edi good. Para naman hindi laging waley ang aking mga jokes." sabi ko sa kaniya at tumawa na lang. Ayoko naman na maging awkward ang school tour namin.
"Yes, you're funny Miss...and i like it" sabi niya at ngumiti kaya nasilayan ko ang pantay pantay at mapuputi niyang ngipin. Pwedeng pwede na siyang maging model ng toothpaste. At may pagkaharot pala ng konti ang lalaking ito, nako.
YOU ARE READING
Notice me Crush
Teen FictionAmber Fuentes is just a normal teenager in 10th grade. At kagaya ng ibang ka-edad nya ay nagkakagusto din siya sa isang tao or crush kung tawagin. But since it has been a long time nung last na nagka-crush siya she's been wondering whether she like...