After one week na pagsasama naming mag trotropa hindi ko man lang napansin na nakitawa at nakipag kwentuhan sa amin si Tim.
Lagi na lang siyang tahimik at parang wala sa sarili .Kapag tinatanong siya, oo lang at hindi ang sinasagot niya.
Minsan dinadaan niya na lang sa ewan ang lahat para hindi na humaba pa ang kanyang sasabihin.
At kapag tumawa siya'y parang bumulong lang sa hangin dahil sa sobrang hina.
Pansin ko lahat yun dahil sa tuwing magkakasama kami ay sa kanya lang lagi nakatuon ang buong atensyon ko.
Nang maatapos ang recess ay agad akong tumakbo papunta kay Josh at nagtanong...
" Diba close kayo ni Tim noon pa?"
tanong ko."Ah,oo mula pagkabata kami na ang magkasama dahil ang mga parents namin ay mag partner pagdating sa negosyo"sagot niya.
"Ahhh okay.
Pero ganon ba talaga siya? tahimik tapos parang wala sa sarili?"
muli kong pagtatanong."Hahaha! si Tim tahimik?! Hindi noh! Ganon lang siguro yun dahil nandon ka sa tabi niya pero kapag wala kana para na siyang nasaniban ng limang kaluluwa!"sagot niya ulit.
"Huh?!, eh bakit naman ganon ayaw niya ba akong kasama?" Ika ko.
"Hindi ahh...
Syempre crush ka niya simula pa nung elem... kaya ka nga namin nakilala kasi panay ang kwento niya tungkol sayo" pagpapaliwanag niya na may halong kilig."Ka...ka...crush?!...
Totoo ba yan?"
Gulat kong pagtatanong."Oo!,Pero sigurado akong kapag nagtagal mawawala narin ang hiya niya at makikita mo kung gaano siya kabaliw!
Sige una na ako, baka malate ako eh
Bye!"pagpapaalam niya habang nakangiti.*tumango nalang ako pagkatapos nagpaalam na si Josh akala ko talaga na joke lang yon na crush niya ako... nakapagtataka naman... na gusto niya ako kahit na alam niyang play girl ako dati.
Ngayon alam ko na kung bakit ganon na lamang siya kung gumalaw kapag magkasama kami
Now I know!*Habang naglalakad papuntang classroom nakasalubong ko si Tim.
Kasama niya ang mga kaklase niya.
Maya maya ay umupo sila dun sa may kubo malapit sa classroom namin.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa may tumawag sa akin sa buo kong pangalan
"Rhea Zhan" , sigaw niya at parang pamilyar sa akin ang boses na iyon, parang si?!... Bryan.
Lumingon ako at totoo ngang siya ang tumawag sa akin.
Lumapit ako sa kanila at nagtanong."Bakit anong kailangan mo?"tanong ko.
"Wala mangangamusta lang" sambit niya.
"I am okay!"pasigaw kong sabi sa kanya.
"Nabalitaan kong nagbago ka na daw dahil sa mga barkada mo, Diba Tim?..."
turan niya."Wala kana don!...
Ngayon ko lang nalaman na may pake ka pala!"sabi ko."Hindi naman ako katulad mo Ms. Rhea.
Mapaglaro,matapang,masungit, walang pake sa kapwa at higit sa lahat walang konsensya""Bro tama na nagbago na si Rhea ok"pagtutol ni Tim.
"Yan Tim... sinasaniban kana naman ng pagiging konsentidor mo.
Hindi porket crush mo tong babae na'to magiging ganyan kana!"sabi ni Bryan"Sinasabi ko lang naman ang totoo"sumbat ni Tim.
"Tama na
Past is past Bryan!
Problema mo na kung hindi ka pa nakakalimot!" sumbat ko.*Umalis nalang ako at iniwan sila habang humahabol mg tingin sa akin.
Dahil sa pangyataring iyon ay mas napatunayan pa ang mga salitang sinabi sa akin ni Josh.
Pero parang may nararamdaman akong kakaiba ng magsalita si Tim.
Alam kong galit siya sa mga oras na'yon pero hindi man lang niya pinagtaasan ng boses si Bryan.Bumilib ako sa taglay na kabaitan ni Tim at isa yong katangian na hinahanap ko sa isang lalaki.
*Matapos lahat ng yon ay parang mas ginanahan pa akong makilala ang mga tropa ko lalo na si Tim dahil gusto ko pang malaman kung sino ba talaga si Mr. Timothy Santiago.