NAKIKITA ko ang mga taong nakaupo sa ere habang minamaneho ang lumulutang na bagay na sa tingin ko'y kotse. Hindi rin nakalampas sa mga mata ko ang iba't ibang kulay na nagmistulang pinto sa kawalan at nagsisipasok ang mga tao rito. Posible ba ang nakikita ko? May portal sa lugar na 'to? Naglakad-lakad pa ako at nagtataka ako dahil wala akong nakikitang dagat o puno man. Wala rin akong nakikitang ulap o araw man lang sa kalawakan. Hindi ko rin alam kung umaga o gabi na. Puro nagtataasang tore, building, at hindi ko maipaliwanag na bagay na nakalutang sa ere ang nakikita ko. Sa tingin ko'y walang nakakapansin sa akin dahil lahat sila ay abala sa kani-kanilang ginagawa. Abala sa paglalakad. Abala sa pagmamaneho. Abala sa pakikipag-usap sa kaharap na hologram at kung anu-ano pang pagkakaabalahan. Lubos akong namamangha sa mga nakikita ko. Lahat ng nadaanan ng mata ko ay puro teknolohiya at agham. May ilan din akong nakasalubong na hologram na tumatagos lang sa katawan ko. Naagaw ang atensyon ko sa nakahanay na naglalakad na mga robot pero hindi agad ito mahahalata dahil hitsurang-hitsurang tao talaga. Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko. Nasaan ba ako? Anong lugar 'to? Masisiraan na ata ako ng bait!
Nagtanong ako sa isang babaeng sa tingin ko'y nasa edad 20. Pulang-pula ang buhok nito at puting-puti ang kaniyang balat. Nakasuot ito ng corporate attire. Nagulat ako dahil halo-halong kulay ang mata niya.
"Uhh. Sandali Miss. Where am I?"
Tumingin ito sa akin, siniyasat niya ang pagkatao ko, mula ulo hanggang paa.
"Scanning."
"100%"
"You're a human. You are in danger. Go find a safe place." Umalis na ito pagkatapos.
Nanlaki ang mata ko sa nangyari. Robot din ba ang isang 'yon?! What the---
WHAT! DAMNED! PLACE! IS! THIS!?
Nagulat na lang ako nang biglang may lalaking humila sa'kin. Matangkad siya at may katamtamang pangangatawan. May kasingkitan ang kaniyang mga mata at may matangos na ilong. Kitang-kita ang jawline niya na lalong nagpatikas sa kaniyang tindig. Putla ang kaniyang kulay pero mapula ang kaniyang labi. Hinayaan ko na siyang hawakan ako at tangayin kung saan. Baka sakaling sa kaniya ko mahanap ang sagot sa mga tanong ko.
Dinala niya ako sa isang bahay na sa tingin ko ay kaniya. Katulad din ito ng mga gusaling nakita ko kanina. Ilang pinto ang binuksan niya at itinapat ang mata sa security access tsaka bumukas ang huling pinto. Nang maisara niya ito ay napalingon ako sa likod. Weird. Anong klaseng pinto ba 'yon? Nang muli akong lumingon sa harap ko ay bumuka ang bibig ko dahil sa ganda ng bahay niya. Napatalon ako sa gulat nang biglang may lumabas na hologram sa tapat namin.
"Welcome home, my friend. Maligayang pagdating!" Nagulat ako dahil nagtagalog siya.
Hindi pinansin ng kasama ko ang hologram at hinila na naman niya ako paakyat at natunton namin ang isang kwarto na sa palagay ko'y kaniya.
Hawak-hawak pa rin niya ang pulso ko kaya tiningnan ko ito. Natauhan naman siya kaya't kaagad niyang binitawan ang pulso ko at tumingin siya sa akin. Kinagat niya ang ibabang parte ng labi niya at umiwas ng tingin. Hindi niya siguro alam ang sasabihin niya kaya ako na ang nagsimulang magtanong.
"First of all, what language are you using? I am only capable of speaking in Tagalog, English, Spanish, a little bit of Hangul and Nihongo."
"Tagalog will do."
"Okay? Unang-una, bakit mo 'ko dinala rito?" Tanong ko pero hindi niya ako sinagot.
"Nasaan ba ako? Anong lugar 'to?" Tanong ko na naman pero buti naman at sumagot na siya.
"This is my room. You're in Philippines." Napataas naman ang kilay ko dahil sa naging sagot niya.
"Sino ka? Ano ka?"
"Hindi ako robot sa kung inaakala mo. I'm 100% human."
Hindi kami uubra nito kung isang tanong, isang sagot lang ang nangyayari. Kailangan ko ng mahabang paliwanag.
"Could you please explain everything to me?" Magalang na tanong ko para sagutin niya ng maayos ang lahat ng kailangan kong malaman. Huminga siya nang malalim at nagsimulang magsalita.
"It all happened because of me. I was doing my experiment until I messed it up. Posible na ang time travel sa panahon ngayon pero marami pa ring complications, malaki ang tsansang magfail, and worst ay mamatay habang nagtatime travel. Pinag-aaralan pa rin ito ng mga experts kaya binabawal itong gawin. Noong araw na ginamit ko ang device para makapagtime travel ay hindi ko akalaing ikaw ang mapapapunta rito sa halip na ako ang mapapunta sa past." Nakinig lang ako sa sinabi niya pero hindi ko pa rin maintindihan.
"P-pero wala akong matandaang nanggaling ako sa past. Hindi ko alam kung sino ako. Hindi ko maalala ang nangyari sa'kin. Basta ang alam ko lang, nakatayo na ako sa gitna ng nakalutang na mga sasakyan."
"Y-you d-don't remember? Kahit isang alaala?" Pinanliitan niya ako ng mata na para bang may kasalanan akong ginawa sa kaniya. Sa tanong niyang iyon ay napatingin ako sa suot ko. Isa akong doctor. Puno bahid ng dugo ang suot ko. Saan ba ako nanggaling? Tiningnan ko ang nakapin na pangalan sa hospital gown ko at binasa ko ang nakasulat dito.
"Nimfa Fuertes. General surgeon?" Ipinikit ko ang mga mata ko at pilit na inaalala ang nangyari sa akin pero sumakit lang ang ulo ko sa kaiisip.
"Wait. Let me search that name. Jarvis, please run a check on all of our databases on the name Nimfa Fuertes."
"Roger that."
Nagulat ako nang bigla na lang sumulpot yung bumati sa amin kanina. Napansin nya ang gulat ko at nagpaumanhin.
"Pasensya ka na Miss... Fuertes. Hindi lang talaga sanay na may bisita itong aking kaibigan. Ako nga pala si Jarvis, isang Artificial Intelligence na ginawa ng aking minamahal na kaibigan na si---"
"Jarvis, ang results please." Inip na nasambit ng lalaki. Nginitian ako ng hologram na para bang sinasabi na pagpasensyahan na lang ang lalaki, saka ito tumugon sa kanya ng "Ito na nga, initiating search."
Sandaling umilaw ang mga mata ni Jarvis, at umiikot-ikot sa paligid nito ang milyon-milyong maliliit na ilaw, paunti nang paunti hanggang sa wala nang natitira. Napakunot ng noo si Jarvis sa pagtataka, at nang matapos siya'y umiling siya sa lalaki.
"Weirdly enough, no matches were found. Napakarami kong nahanap na mga tao with the same name, but no one corresponds to this Ms. Nimfa Fuertes right here."
Nagulat ang lalaki sa kanyang narinig. "Paanong mangyayari yon? All persons past or future are accounted for sa database natin, made possible by our retroactive information transfer technology. You mean to say wala sya sa records?"
"Yun nga ang ipinagtataka ko. It's as if never sya nag-exist," sabi ni Jarvis. Tinititigan nila ako na para bagang may ginawa akong mali. Maging ako'y nagugulumihanan sa mga naririnig ko. Anong ibig sabihin nya na hindi ako nag-exist? Sino ako? Bakit wala akong maalala? Anong gagawin ko, nagsusumamo ako sa isipan ko, nang bigla na lang akong nagulat sa halakhak ng lalaki.
"HAHAHA. This is most interesting. Thank you Ms. Nimfa Fuertes for providing me another mystery to solve."
"I think I haven't yet introduced myself. Ako nga pala si Chris Han. Don't worry Ms. Fuertes, we'll get to the bottom of all this." Sabi niya at hindi ko napansin na inabot pala niya ang kamay sa akin.
Hindi ko pa man naipa-process sa utak ko ang mga sinabi niya sa akin pati ang sinabi ni Jarvis ay tinanggap ko ang kamay ni Chris.
"Si Jarvis na muna ang bahala sa'yo. I have to go somewhere." Paalam ni Chris sa'kin bago siya lumisan sa kwarto.
Inikot ng paningin ko ang kwarto kung saan ako dinala ni Chris. Malawak ito at malinis. Napaupo ako sa sofa nang makaramdam ako ng pagkahilo. Napahawak ako sa sentido ko dahil biglang sumakit ito. Wala na akong naririnig kundi ang malakas na ugong sa tainga ko dahilan para masabunutan ko na ang sarili ko para maibsan ang sakit na nararamdaman ko. Hindi ko namalayang nahulog na ako sa kinauupuan ko at bumagsak ang ulo ko sa sahig. Lumalabo na ang aking paningin. Ang huli ko na lang natatandaan ay may papalapit sa aking hologram hanggang sa mawalan na ako ng malay.
A/N: Thank you for reading my story! Vote, comment and share! Thank you!
BINABASA MO ANG
Time Waits For No One
FantasiMeet Nimfa Fuertes. Isang dalubhasang duktor na nadestino sa isang exclusive cruise ship na siya ring magiging daan para muling magtagpo si Nimfa at ang kaniyang dating sinisinta na si Alfonso Rosales. Nais niyang makalimot sa nangyari sa kanila ni...