Chapter 12: Unknown
KINABUKASAN ay nagulat akong nasa labas na ng Leehinton 'yong mga pictures namin ni Dave.
May mga poster sa labasan ng school at mga human size pictures na nakatayo sa bawat gilid ng eskwelahan.
Napaawang ang labi ko sa nakikita. Para akong artista! Seryoso? Ako ba talaga 'to?
Kinuha ko ang phone at nag-picture sa isang life size na litrato ko.
Ipapakita ko ito kay nanay, tiyak na matutuwa 'yon. Nakalimutan ko kasing banggitin sa kaniya kagabi dahil agad akong nakatulog. Saka nawala sa isip ko ang sabihin iyon sa kaniya dahil kakaisip kay—basta!
"Hi Diane!" Napalingon ako sa lalaking tumawag sa akin at hindi ko ito kilala pero base na rin sa suot nito ay sa Leehinton ito nag-aaral. "You're Diane, right?" paninigurado nito habang nakangiti.
Nang huminto ako ay doon na rin siya nakarating sa kinaroroonan ko. Halos malula ako sa taas nito at hanggang kili-kili lang ang taas ko. Napatingala tuloy ako at napatango.
"Wow! Mas maganda ka pa pala sa malapitan," anito.
Pilit akong napangiti. Alam kong maganda ako, inborn na 'yan, e. Gusto kong sabihin iyon sa kaniya pero siyempre, pabebe muna tayo.
"Naku, nakahihiya naman. Hindi nman ako maganda," maang-maangan ko pa at nilagay sa likod ng tainga ang buhok.
Narinig ko ang pagtawa nito kaya napatitig akong muli sa kaniya. Katamtaman lang naman ang mukha niya, p'wede na maging tao. Maputi rin pero mas maputi si William sa kaniya, iyon yata iyong nakalunok ng isang galong glutathione. Gusto kong matawa sa naisip dahil baka madapa na si Liam sa mga pinag-iisip ko sa kaniya. Medyo kaboses niya si Xavier pero mas maganda pakinggang 'yong kaniya—pangit ng boses si Xav, e. Parang 'galing sa ilalim ng lupa ang tunog.
"Can we be friends? I like humble people like you." Kinindatan niya ako at inangat ang kamay para makipag-shake hands.
Lihim kong kinurot ang sarili. Kung noon pa man sana ay nag-audition na ako bilang school model, baka siguro marami na akong naging boyfriend!
Ene be nemen eyen. Gende ke nemen.
Tinanggap ko 'yong kamay nito at nginitian ito. "Oo naman, friends na tayo!"
Pansin ko ang paghigpit nang hawak nito sa maganda kong kamay at pinatong pa nito ang isa pang kamay para mas lalong mahawakan ang kamay ko.
Asus, chansing din 'to, e.
"I'm Vincent," ngiting pagpapakilala niya.
"Diane." Sinuklian ko rin ng matamis na ngiti ito.
Pero laking gulat ko nang may dumaan sa gitna naming dalawa kaya muntik na akong matumba, mabuti na lang at mabilis akong inalalayan ni Vincent.
"Salamat." Napatingin ako sa taong iyon, nakatalikod na ito kaya hindi ko na nakikita ang mukha. "Hoy! Hindi ka man lang nag-sorry?!" inis kong sigaw pero patuloy pa rin iyon sa paglakad na para bang hindi narinig ang malakas kong sigaw.
Hindi niya ba narinig 'yon o nagbibingibingihan lang? Gago 'yon, ah?!
Ang hindi pamilyar na bag niya na lang ang nakita hanggang sa mawala siya sa paningin ko nang dumami ang mga estudyanteng naglalakad.
"Hayaan mo na," nagulat ako nang may magsalita sa tabi ko.
Oo nga pala, may kasama ako. Bakit ba nakalimutan ko? Bwisit kasi 'yong lalaking iyon, kung sino man siya. Matae sana sa school!
BINABASA MO ANG
Girlfriend of the Campus King (Leehinton Boys #1)
Genç Kurgu(COMPLETED) Leehinton Boys #1 "Hindi ko naman siya kilala noong una, akala ko santo pa, iyon pala anak ni satanas! Letseng hari 'yon!" #1 in filipino teen fiction #1 in campus king