DIANNE'S POV
Naipadala ko na ang perang kinita ko kila Lolo sa Tarlac. Ang kaso may problema, kahapon pagkapadala ko ng pera may nabalitaan akong hindi maganda mula kay Ate Bea. Mayroong naniningil sa kanila sa lupa, maski nga kapitbahay namin sinisingil. May nagpakilala raw kasing may ari ng lupa roon may dala iyong legit na documents at nakapangalan sa kanya ang lupa. Ngayon sapilitan silang pinapabayad, or mapapalayas sila sa lupang kinatitirikan nila.Tsssk! Walang document sila Lolo, tanging pinanghahawakan lang nila na matagal na silang naninirahan dun at wala namana nakapangsabi na mayroon na palang may ari ang lupa. Ngayonnlang daw iyon sumulpot.
Yung perang pinadala ko, ginawang pang hulog sa may ari.
Napahawak ako sa ulo habang nakaupo sa mesa. Inaalala ko ngayon sila Lolo, mahina pa naman ang lagay nun baka anong mangyare. Sinubukan kong kontakin si AJ para sana humingi ng tulong. Ang kaso hindi ko ito macontact, minsan ring lang ng ring, madalas nakaoff ang phone.
Pano na ng gagawin ko ngayon? Gusto kong umuwi sa Tarlac. Kaso baka ihagis lang ako pabalik dito ni Ate Bea. Malaki laki naman din yung perang natanggap ko sa trabaho, buti talaga tinggap ko yung trabahong iyon. Madiinnakong napakamot sa ulo, ipinatong ko na ang ulo aa ibabaw ng mesa. Namimiss ko na si AJ. Kailan ba iyon magpapakita. Boryong boryo na ako sa bahay, hindi naman ako makalabas. Dinudumog ako ng mga tao, dahil sa dalas ko ng makita sa magazines, sinundan pa ang nababalitaan nilang lalabasan kong commercial.
PIIIIIIIIT~
PIIIIT~Napatindig ako dahil sa busina ng kotse galing sa labas ng bahay. Tumayo ako at dali daling sumilip sa bintana. May pulang kotse ang nakaparada sa tapat namin, napatingin ako sa paligid bahay. Maski mga kapitbahay namin nagsilabasan ng marinig ang busina nito.
PIIIIT~
PIIIIIIIT~Taena! ano ba yan alarm clock? Napatingin ako sa orasan alas-sais pa lang ng gabi at maliwanag pa sa labas. Si AJ na kaya yan? Hindi nito ibinaba ang bintana nya. Isang pulang kotse na tinted kaya hindi ko makita kung sino ang nasa loob ang alam ko lang na kotse nya black eh. Lumabas ako ng bahay at dahan dahang lumapit sa bintana ng kotse, kinatok ko iyon.
"AJ? labas!" utos ko rito. Dahan dahang bumukas ang pinto. Ibang mukha ang nakita ko. Nakasuot ito na itim na hood at naka sunglasses pa ang lalaki. Punyeta! Kilala ko to.
"Let's go" utos nito. Napalingon ako sa paligid, jindi naman kita ng kapitbahay namin ang itsura nito sa angle kung san nakabukas ang bintana ng kotse nya.
"Takte! Ba't nandito ka!?" pagtataka ko rito. Unti unti ko na namang nararamdaman ang init ng mukha ko dahil sa inis. Ngumiti lang ito at hinihintay akong pumasok sa loob. Napahawak ako sa noo dahil sa kaweirduhan ng mokong na to. Ano bang pumapasok sa utak ni Jared? Demonyo? "Ipinanganak ka lang ba na may isang mission? yun ay bwisitin ako. Sa tingin mo sasama ako sayo? Naiintindihan mo ba yung ginawa mo sa akin?"
Tumango ito. Ay puta! naintindihan daw nya. Hininaan ko lang ang boses ko para hindi marinig ng mga kapitbahay na pinagtiginginan ang kotseng pula.
"That's why I'm here, alam kong hindi ka sisipot sa lugar na sinabi ko sayo kaya eto ako sinundo na kita sa bahay nyo" pacool nitong sagot. Napakamot ako sa batok. Para akong ginagapangan ngayon ng sampung mga surot sa katawan. Huminga ako ng malalim bago nagsalita, dapat hindi ako makakapatay ng tao ngayon. Pigil lang!
"Jared, wala akong oras sa mga ganito. Marami akong pinoproblema ngayon. Gusto ko na lang matulog ng maaga basta gusto ko mapagisa muna kaya please? hwag mo na lang akong lapitan dumadagdag ka pa eh" inis kong sagot. Seryosong seryoso na ako nun pero nakuha pa nyang magcellohone at sinasadya pa atang hindi ako pakinggan. Dyus ko lord! ilang beses po ba to ipinanganak. Kulang pa ata sa buwan.
BINABASA MO ANG
Kiss me and I'll be yours (COMPLETED)
RomanceSi Ash Jan Evans na kilala sa screen name na AJ Evans ang dumating sa buhay ni Dianne na isang pangkaraniwan lang na tao. Nang dahil sa ka pilyohan ni AJ hindi lang career ang nagulo nya kundi pati na rin ang buhay ni Dianne. Ano kaya ang nagpa spec...