I'm hanging out with my friends right now. Dahil itong kaibigan ko nag-aya ng inuman, nabobored na daw sya sa bahay nila kaya ngayon ay dinala kami sa isang bar.Kasama ko din ang ilan pa naming mga kaibigan. Siguro ay nasa walo kaming magkakasama ngayon.
"Hoy inom lang kayo, minsan lang ang buhay mga bonak. Libre ko naman lahat kaya 'wag na kayong mahiya." Sigaw sa amin ni Allyson dahil malakas ang tugtog dito sa bar ay paniguradong hindi na narinig ng iba kong kasama. Kanina pa rin kami nainom kaya sigurado ako na itong si Allyson ay lasing na.
She's now dancing with a stranger.
Haynako Allyson sobrang harot mo talaga! Pasalamat ka't ikaw ang pinaka-close ko sa lahat. Partida may jowa 'yan.
Hinayaan ko na ang aking kaibigan at tinitigan ko ang inumin sa aking harapan at bigla ko itong nilagok.
I'm already tipsy. Nahihilo na ako. Hindi ko na makita ang iba kong mga kasama, siguro ay nakahanap na ng mga bagong kasama.
I should enjoy tonight. Tumayo na ako sumayaw na sa gitna. Pagewang-gewang na ang lakad ko dahil nga siguro sa hilo.
I am dancing and I closed my eyes para mas lalo kong ma-feel 'tong ginagawa ko. I feel like i'm super hyper now that I'm dancing. I don't care kung mag-mukha akong tanga dito sa gitna ng mga tao. I really want to dance pake nyo ba!
While dancing, I felt someone hand holding my waist. Mayroong sumasayaw sa likod ko. Sa gulat ko ay napadilat ako at agad na humarap sa lalaking nasa likod ko.
Nang tuluyan ko ng makita ang lalaki ay tila humanga ako sa itsura nito.
Napaka-gwapo nya naman shemay! His brown eyes are so attractive. Kahit medyo madilim ay kapansin-pansin pa rin ang mga mata nya. His lips is pinky and it looks kissable.
He smiled at me. Fuck! He just smiled! He has dimples. Omg ba't ganito ang nafi-feel ko? Madami naman na akong nakita gwapo na may dimple pero 'di naman ako humahanga nang ganito.
Lumapit sya sa akin. "Hi miss, what's your name?" he said with a husky voice.
His voice is also attractive! Ano ba 'yan puro puri na ako dito sa lalaking 'to sa aking isipan.
Since he is attractive, I smiled sweetly to him. "Louisse, how 'bout you?" Dumikit pa ako sakanya para lang marinig niya ako.
"Ethan" he simply said and smile again but this time he's staring at my lips na.
"I want to kiss you." paos kong sabi, huli na nang matanto ko kung ano ang aking sinabi, laking gulat ko nang may maramdaman akong labi. Bigla nya akong hinalikan.
Fuck! Ang sarap! He's kissing me passionate! Omg ang sarap humalik mga sis!!
At nang ilang segundo lang ay bumitaw na din sya agad sa halik. Hindi ko din alam kung bakit nakangiti ako matapos nya akong halikan. Kinilig ako sa nangyari. Dahan-dahan ko nang binuksan ang mga mata ko...
"Gumising kana dyan Louisse at tanghali na aba ngingiti-ngiti ka pa dyan. Bumangon kana't papasok ka pa. Nako anong oras na! Puyat ka nang puyat kaya ang taba taba mo tas 'yang eyebags mo ang taba na din, susko marimar mahiya ka naman sa sarili mo."
Nagising ako sa sigaw ni mama na may kasamang kurot sa aking tagiliran. Kay aga-aga bunganga agad ni mama maririnig ko.
"Ano ba' yan minsan lang ako managinip ng maganda wrong timing pa" bulong ko sa aking sarili habang nakamot sa ulo.
Nag-unat na ako at agad din tumayo. Aasarin ko pa sana si mama kaso nakalabas na sya.
Muli kong naisip yung panaginip ko. Ang ganda ng panaginip ko.
Crush na crush ko si Ethan matagal na since back when I was in seventh grade. Grade eleven na ako ngayon kaya medyo matagal na din nga.
Hindi ko pa nakikita si Ethan, napapansin ko lang sya sa ibang palabas. Sobrang gwapo nya at ang astig umarte, seryosong-seryoso. Model din sya. Lagi ko kasi syang ini-stalk sa social media kaya lalo akong nahuhulog sakanya. Ewan ko ba unang kita ko palang sakanya sa facebook nahulog na ako. Humanga ako sa mapupungay nyang mata at mapupulang labi.
Sa palagay ko ang height nya ay almost 6 footer. He's twenty two years old now, ang alam ko ay tapos na sya sa pag-aaral. Ano kaya ang pinag-kakaabalahan no'n ngayon? Sana hindi babae.
He's too old na daw sabi ng mga friends ko. Age is just a number. Besides, I'm turning eighteen naman na... So not bad na rin for him.
I sighed. Naglakad na ako palabas ng kwarto. Naririnig ko ang tawanan sa baba, nagsisimula na ata silang kumain.
Nang makababa ako ay napatingin ang lahat sa akin.
"Nakangiti ka daw habang tulog sabi ni mama? Ano 'yon kinikilig ka?' di ka magiging crush ng crush mo ang taba mo kaya." pang-aasar ni kuya Logan saken, tumawa naman sila papa at mama. Bumusangot ako at dinedma na lamang ang sila. As if your crush likes you back? Huh?
Pagtapos kong kumain ay agad din akong kumilos para mag-asikaso.
May pasok pa pala ako. Hays nakakatamad na. Wala naman masyadong ganap sa buhay ko. 'Di naman ako nakakainom dahil ayaw pa nila mama. Wala pa daw ako sa legal age.
Sana nga totoo nalang 'yung panaginip ko na... nag-iinom ako with friends.
Nang matapos ako sa pag-aasikaso ay hinatid na ako ng aking kuya patungo sa eskwelahan. Inaasar pa ako ni kuya sa byahe, nagbigay din ng tips para sa pagda-diet. As if gagawin ko'yun?? Chubby lang naman ako 'no, makaasar parang sobrang taba ko. Tsaka ang cute ko kaya!
Papasok na ako sa gate sa school namin nang bigla nanaman sumagi sa isipan ko si Ethan.
Kaya habang naglalakad ako patungo sa classroom ay kinuha ko ang aking cellphone at ini-stalk si Ethan sa Instagram.
"Mayroong story si Ethan ah, napapadalas na ang pag lalagay ng story sa ig, siguro napapansin nya na lagi ko vini-view yung stories niya hehe." bulong ko sa'king sarili at kinikilig-kilig pa.
Nang makita ko ang story ni Ethan ay bigla ako nakaramdam ng kirot nang makita ko kung sino ang nasa stories nya.
Yung ka-fling nya ata na model na si Jeserine. Nakilala ko 'yung babae dahil sa mga replies nila doon sa twitter. Base doon sa replies ay naghaharutan sila. Hindi naman din nagkakaroon ng girlfriend si Ethan so... I think he's just flirting with that girl. Or... maybe i just didn't know if he has a girlfriend? Ano nga ba namang alam ko. Stalker lang naman ako sa kanyang social media. Malay ko bang kasinungalingan ang iba doon?
Pero kahit na nagseselos pa rin ako. Kung sana lamang ako 'yung hinaharot nya edi ayos pa... kaso hindi. Malabo ngang mapansin ako no'n. Hindi rin naman kasi ako nagcha-chat sakanya dahil alam kong malabong mapansin ako nito. He's famous, and also... I know his type. Malayo sa katulad ko.
I always imagine myself kissing Ethan. I always imagine him as my boyfriend. And also I'm hoping that I will be his girlfriend soon, but I know it won't happen. I know it is impossible.
Nababaliw ako sakanya nang ganito na para bang nakita ko na siya, kahit na hindi pa naman.
YOU ARE READING
If I Believe You
Tiểu Thuyết ChungIt's really hard to believe when you already knew the person is lying, you already knew the truth, you just can't believe.