Ang Mundong Likha ng Gabi

7 0 0
                                    

Ang talukbong ng mahiwagang gabi, sa tuwi'y naibabalot sa daigdig ay nagbibigay buhay sa isang kakaibang mundo. Isang mundong tila nakalubog sa kailaliman ng karagatan. Ang nakakayamot na ugong ng bentilador ay tila nasukluban. Ang liwanag ng buwan at ang dilim ng gabi'y niyakap ang isa't isa't nagkasundo.

" Ang lahat ay magiging maayos din." bulong ng malamig na ihip ng gabi sa akin. At sa kaniyang mga haplos ako'y nahehele.

Habang ako ngayo'y sumusulat ay nababatid ko na ang unti-unting pagbigat ng aking mga mata. Ang nakakapawing mundong aking natagpuan ay dahan-dahang natutunaw sa kawalan, sa kadiliman. Ang dasal ko na lama'y ako'y muling maligaw sa mahiwagang paraisong ito.

Sa paraisong napapawi ang lahat ng sakit katumbas rin ang pagkakabura ng kahit anumang bakas ng ligaya.

◓◓◓

【Nobyembre 02, 2019】


SilakboWhere stories live. Discover now