Nagising si Amora ng maaga at nagulat ng makitang nakayakap sa kanya ang lalaking katabi.Para silang cocoon na pinagsama sa iisang lalagyan.
Masama ang tinging ipinukol niya sa lalaki ngunit ang ikinabigla niya'y gayun din ito sa kanya."Huwag mo akong titingnan ng ganyan!Ikaw itong sumiksik sa akin.Pinauusog kita dahil siniko mo pa ako kagabi.Pilit kitang pinalalayo pero kapit tuko ka!"
Biglang napahiya si Amora sa narinig sa lalaki.
Kaya pala parang may bumubulong sa kanya kagabi!Kala niya'y kung ano lang."P-Pasensiya kana."
Sabi niya ritong nahihiya."Kahit ganito ako,hindi ako para mamilit kapag nararamdaman kong ayaw sa akin.At AYOKO RIN SAYO"
Doon lalong napahiya ang dalaga sa huling sinabi ng lalaki.
Bakit kasi napaka arte niya!Ayan tuloy napahiya ka no?!
Sisi sa sarili ni Amora.Nauna muna siyang naligo sa lalaki dahil napuna niyang abala muna ang lalaki sa pagtingin sa larawang naroon.
Tumingin muna si Amora sa salamin sa loob ng banyo at nakita niyang mukhang maayos naman pala ang mukha.Mabuti nalang at wala siyang muta ngayon.
Ayaw din daw sa kanya ng lalaki.
Tinignan niyang maige ang mukha sa salamin.
Mabuti narin ang ganoon...Paglabas niya'y napaurong siya ng makitang nakasandal ang lalaki sa hamba ng pintuan at nakahubad baro itong nakapantalon.
"Akala ko'y nakatulog kana uli sa loob."
Masungit at naroroon na naman ang mga matang mapupungay at may talim."Pasensiya kana."
Iyon nalang ang nasabi niya.Tama ang sabi ng lalaki.Napakaganda ng hubog ng katawan nito at napakabango pa kahit na parang amoy natuyo na ang lotion at pinaghalong pabango nito sa katawan.Gusto na sana niyang magulat sa hitsura nito kanina.Bilang dalaga at hindi sana'y sa ganoon ay natural lamang ang maging reaksiyon na pagkagulat at pagkailang subalit alam niya at nararamdaman niyang pilit siya nitong sinasanay.
Maya maya pa'y lumabas na ito ng banyo at hindi niya iyon tinitingnan.Sadyang inabala niya muna ang sarili sa pag se-cellphone.
Habang kumukuha ito ng damit ay biglang tumunog ang cellphone niya at sinagot niya iyon.Kamusta ka naman diyan?Mag iingat ka lagi ha,Oo miss narin kita.
Sabi niya sa kaibigang tumawag nangangamusta kasi iyon.Nagulat si Amora ng mula sa likuran niya ay may nalaglag eksaktong natapos na ang tawag.
"Damit ko iyan,iyan muna ang suotin mo.Hindi ko kasi inaasahang dito tayo magpapalipas ng gabi."
Sabi ng lalakiNapatango naman siya at pumunta sa banyo upang magpalit.
Nakita yata nito na suot niya parin ang isinuot kagabi.Napanganga siya ng makitang tshirt iyon na kulay puti at may maliit na disenyo sa bandang itaas at isang boxer short.
Ito ang susuotin niya pauwi?
Wala siyang pagpipilian kahit ayaw pa niya.Maiksi kasi para sa kanya ang boxer short na hanggang ibabaw ng hita.Ngayon lang uli siya magpapakita ng ganoon sa matagal na panahon.Paglabas niya galing banyo upang magpalit ay wala na ang lalaki.
Saan kaya nagpunta?
Upang hindi mainip at ayaw naman niyang lumabas ay nag open muna siya ng kanyang internet sa cellphone at doon naglibang.Maya maya pa'y may pumasok na at awtomatikong napatingin siya sa may pintuan.
Ang lalaki ay may dala dala ng tray at alam na niya kung ano iyon.
Saglit itong napatingin sa kanya at lumapit narin.
"Kumain kana muna bago tayo umalis."
Sabi nito at tumango nalang siya.
BINABASA MO ANG
Tres Bastardos
RomanceThe three prodigal sons: This Story is about the Cordova Brother's,Graham,Drako and Zebh.The three Eligitimate Child of Cordova's.Came from the same seed but not in the same womb.Different personalities but they have one thing in common.A hit and...