Chapter 1

27 4 0
                                    


CHAPTER 1: The Libero

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




CHAPTER 1: The Libero

Nakita ko kung paano tumama ang bola sa kaniyang palad at sa isang kurap ay ilang metro na lang ang layo sa'kin. Pucha, ba't ang bilis?! Tumakbo ako papalapit sa harapan pero parang hindi sumang-ayon ang mga binti ko.

Nakatuon ang atensyon ko sa bola galing sa kabilang dako ng net at pinilit na saluhin. Parang bumagal ang paligid ko nang dahan-dahan tumalbog ang bola sa sahig, at hindi sa braso ko! Yari na! Nanguna ang kirot sa pagsayad ng katawan ko sa sahig.

Binalot ng matinis na tunog ng pito ang buong court. Medyo nahirapan akong tumayo dahil sa tuhod kong namumula. Isang kamay ang tumambad sa harap ko, ang kamay na pumalo sa bola.

"Ayos ka lang, 'tol?" Tanong niya habang naka-ngisi at tumatawa pa.

Kahit naiinis ako ay tinanggap ko pa rin ang kamay niya at nagpahatak sa kaniya. Pinagpagan ko ang sarili ko para maalis ang mga dumikit na buhangin sa balat ko.

"Yabang mo, ah? Ikaw may kasalanan nito, gago!"

Tumawa lang siya at sabay kaming lumapit sa bleachers para makapagpahinga. Halos hingal lang ang narinig ko sa mga pagod na players gaya ko. Kahit araw-arawin namin ang training, nakakapagod pa rin.

Nang pahirin ko sa maliit na twalya ang aking pawis ay napatitig ako sa aking mestizong balat. Umiitim na ata ako ah? Dahil 'to sa kadya-jogging sa ilalim ng araw, eh.

"Talo kayo, lagot ka kay coach." Pang-aasar niya at uminom ng tubig.  Naramdaman ko rin ang pagka-uhaw kaya uminom din ako bago sumagot.

"Pareho lang. Kung mananalo kami, kayo naman ang malalagot. Gano'n talaga si kalbo, 'di ka pa ba sanay? Ilang taon na tayong pinapagilitan niyan, eh!"

Ilang segundo lang ay tinawag na kami ni coach para sa daily sermon niya. Siguro nga ay nasanay na ako sa pagbubunganga niya kaya hindi na ako natatakot sa kaniya.

Habang papalapit kami sa teammates namin na nakakumpol sa gitna ng court ay bumulong siya, "Pero dahil kayo ang natalo, ikaw lang ang papagalitan niyan."

Sa gitna nila ay ang hindi gano'n katangkaran na nakasuot ng tracksuit na may logo ng university. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit takot na takot ang teammates ko sa kaniya, eh, kayang kaya namin 'tong i-ambush.

Umabot ng halos tatlong minuto ang pagbibigay niya ng paalala sa kakainin namin at pag-iingat sa pag-uwi gamit ang magaspang niyang boses. Nang dumapo sa'kin ang paningin niya ay alam kong ako na ang puntirya niya. Ngumiti ako nang tawagin niya ang pangalan ko. 

"Tatlong buwan na tayong nagte-training pero hindi ka nag-iimprove. Ano? Nganga na lang tayo, Atom? Eh, parang wala kang balak sumali ng private meet at Union Games?! Kung ipagmalaki mo pa naman na varsity ka, eh, halos ipagsigawan mo sa buong university!" Hindi naman napigilan ng mga kasamahan ko ang paghagikgik.

Atom's Match Point (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon