TWO

1.3K 67 0
                                    

When I arrived back at home ay bumungad sa aking harapan ang sasakyan nina mama't papa na naka-park sa garahe. Nakabalik na pala sila. Papagalitan na naman ako ng mga 'yon pag nalamang hindi pa ako kumakain.

"San ka galing? Kumain ka na ba?" tanong ni papa nang mapansin ako.

"Opo. Kakatapos lang" I answered kahit hindi pa naman talaga. I just don't feel like eating right now.

"Lumabas ka? Pagdating namin dito wala ka na" si mama naman ang nag-tanong.

"Gusto kasing maglakad-lakad ni Coco kaya pinag-bigyan ko na"

"Upo ka muna. Samahan mo kami ng papa mo"

Tinanggal ko ang tali na nakakabit kay Coco at pinakawalan siya. Umupo ako kaharap nila.

"So, what do you think of this place?" papa asked.

"Ayos naman, as always. Tsaka kahit saan naman ay okay lang sakin. Basta't ang importante ay kasama ko kayo ni mama"

Tiningnan ako ni mama bago ito magsalita. "Pag-pasyensyahan mo na kami ng papa mo, anak. Alam naming napapagod ka na rin dahil sa palipat-lipat tayo ng tirahan. Pero isipin mo lang palagi na ginagawa din naman namin to para sayo. Para sa magiging future mo"

"Naiintindihan ko po. Nagpapasalamat din ako sa inyo dahil hindi niyo ako pinapabayaan"

Bigla kong naisip 'yong kinuwento ni Felix kanina. Ang hirap siguro sa parte niyang hindi na siya sinusuportahan ng mga magulang niya. I felt really bad. If only I could do anything to make him feel better. Nginitian nalang nila ako bilang sagot sa aking pasasalamat.

"Siya nga pala, magpa-pasukan na sa makalawa. What's your plan now? Do you need anything?" si papa.

Oo nga, malapit na pala pasukan. First year college na ako sa susunod na araw. Kailangan ko ng ihanda ang sarili ko sa panibagong laban.

"Hindi na po kailangan. I still have extra things at 'yon nalang siguro gagamitin ko" sagot ko.

"Okay. If you say so"

"And yeah, before we forgot, we already enrolled you sa papasukan mong university. All you need to do is to ready yourself, okay?" sabi sakin ni mama.

"Sige po, thank you. Akyat lang ako sa kwarto" tumayo ako at tinahak ang hagdan papuntang kwarto.

As I entered my room, agad kong ibinagsak ang aking katawan sa malambot kong kama at ipinikit ang aking mga mata. Nilalanghap ko ang sariwang hangin na pumapasok sa loob ng kwarto ko galing sa bintanang nakabukas. As soon as I opened my eyes, nagulat ako ng nakapatong na si Felix sa ibabaw ko. Nakangiti ito na tila nang-aakit.

Unti-unti niyang nilalapit ang kanyang mukha. Ilang pagitan nalang at magdi-dikit na ang aming mga labi.

Hindi ako makagalaw.

Para akong binabangungot.

Kinakabahan.

Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa.

Shit.

Bangungot ba 'to?

"Miguel" napamulat ako at napabalikwas ng bangon nang marinig si mama.

Napahinga ako ng malalim. "I've been calling you how many times. Di mo ba ako naririnig?"

"Sorry po. Nakatulog lang"

"Are you okay? Bat pinagpa-pawisan ka ata?"

Fuck.

Naliligo na pala ako sa sarili kong pawis. Tang inang panaginip 'yun.

FALLINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon