Prologue

7 2 0
                                    

Plagiarism is crime.

No part of this book may be reproduced or transmitted without the author's permission!

This story is a work of fiction.

Pwede na yan. Hahaha. Basta don't plagiarize and galing lang sa utak at puso ko ang lahat.

Tagalog & English

****

"Why would I introduce you to my parents? E Nakakahiya ka!"

Nang sabihin niya iyon, isang malakas na sampal ang binigay ko sa kaniya na nagpatahimik sa kaniya. Ang ibang tao rito sa sidewalk ay nagtitinginan na rin sa amin ni Jay.

"Ulitin mo nga 'yong sinabi mo." Mahinahon kong sabi kahit gustong-gusto ko nang sumigaw at saktan siya ulit.

"I'm sorry, Jea. I didn't mean it." hahawakan niya sana ang kamay ko pero mabilis ko itong iniwas.

"Sorry? You didn't mean it? Ano yun, ha? Aksidenteng lumabas sa bibig mo 'yong sinabi mo? G*go ka ba?"

"Come on, Jea!"

"Anong come on, Jay?! Bakit parang kasalanan ko pang pasmado 'yang bibig mo?"

Tinignan ko lang siya ng masama habang nagyoyosi at nagpabuga ng usok sa mukha niya. I don't care kung ubuhin siya.

"I just want the best for you, Jea. I mean look at yourself. Gusto ko pag hinarap kita kay Mommy maayos ka na."

"T*ngina mo? Sinasabi mo bang hindi ako maayos? I don't care! Hindi ako magbabago para sa kag*guhan mo!"

"Ano ba'ng ipagmamalaki mo? Your messy bun? black lipstick? and the small heart-shaped tattoo near your eyes showing how you stan Harley Quinn, the psychopath? Pati yung pagyoyosi mo maipagmamalaki ba 'yan? Damn, Jea! Gusto lang kita maging maayos para maipagmalaki naman kita."

Tinapon ko ang sigarilyo ko sa lupa at tinapakan ito. Lumapit ako sa kaniya at sinabing, "Gusto mo malaman kung anong maipagmamalaki ko?"

Kumuha muna ako ng bagong sigarilyo sa pantalon ko at nilagay ito sa labi ko bago nagpatuloy,

"I'm virgin. Di'ba 'yon ang gusto ng mommy mo? 'Yung ikaw makaka-first blood sa magiging asawa mo kahit marami ka nang na-first blood? WOW!" sabi ko habang kagat-kagat ang sigarilyo ko upang di mahulog kahit nagsasalita ako.

Kinuha ko ang lighter sa bulsa niya at sinindihan ang sigarilyo na nasa labi ko. Humigop ako rito at tinanggal gamit ang dalawa kong daliri. Nagbuga ulit ako ng usok sa mukha niya.

"In addition, I'm a scholar student of a prestigious school. I'm an architect student at uno lahat ng grado ko. I'm Jea Claude Delevingne, the independent and strongest smoker yet taking a good care of my career. At hindi kita kailangan sa buhay ko." mas inilapit ko ang mukha ko sa kaniya at tinitigan siya mula ulo hanggang na para bang hinuhusagahan ko ang buong pagkatao niya. "Ikaw, Jay? Ano bang gusto mong ipagmalaki sa akin? Your big dick? E wala namang ambag 'yan sa buhay ko at sa Pilipinas."

Kalmadong kong sabi kahit gustong-gusto ko nang umiyak sa harap niya.

"Why are you like that, Jea? Look at yourself, I just want you to change for the better. If you really love me, you will change for me."

"Change for the better? And for whom? For you? Paalala ko lang ha, you courted me for more than a year at magulo na ang buhok ko no'n, mahilig na ako sa dark lipstick no'n, may tattoo na ako no'n at higit sa lahat, nagyoyosi na'ko noon pa. Sinagot ba kita para magbago ako para sa'yo? No, ilusyon mo lang 'yon! Sinagot kita kasi akala ko tanggap mo'ko at mamahalin mo yung bad sides ko na inaayawan ng iba." malakas kong sabi habang dinuduro siya.

Sa mga oras na ito ay may isang luha nang pumatak sa mata ko. Tumingala ako at tinignan ang buwan para mapigilan ang tuloy-tuloy na pagtulo ng mga luha ko.

"One thing's for sure, you don't love me because if you do, you won't please me for a change but rather love me for who I am."

"Jea..."

"I'm breaking up with you, Jay. Maybe we're not meant to be and we're better off alone." sabi ko nang hindi lumilingon sa kaniya.

Ilang minuto kaming binalot ng katahimikan bago siya tumalikod at naglakad palayo sa akin.

I watched him as he walks slowly away from me. Of course, tears are present. Sino ba naman ang hindi iiyak do'n? He's the second boyfriend I got. I really thought that he loves me. He exerted so much effort when he was just courting me.

He even told me na iba siya sa first boyfriend ko na iniwan lang ako sa ere dahil nakahanap ng babaeng mas maganda at may class. Pero halos wala rin siyang pinagkaiba. Gusto niya akong magbago para sa kaniya. Para rin siyang naghahanap ng ibang babae pero sa akin niya lang hinahanap. He never loved and accepted me the way I am. Maybe he loved me with the idea that I can change for him basta 'wag lang maulit ang nangyari sa akin no'n. But he's wrong. Sa una lang pala siya magaling.

I won't change for him or for anyone. I won't please anyone just for acceptance. Accepting and loving myself is enough. I won't waste time for their bullsh*ts.

I know there's someone out there who will love me for being me.

I know there's someone out there who will love me with my messy bun, dark lipstick, small heart-shaped tattoo on my face at hindi hahanapin ang kulang sa akin.

I know there's someone out there who will love me and my habit, smoking.

i smoke, PERIOD.Where stories live. Discover now