"Wag kang lilingon"
Isang karanasan na di ko malilimutan ay noong ako'y nasa kolehiyo pa, 30 years na ang nakalilipas. Nagkaroon kami ng group report kung kaya nag usap usap kami ng aking mga ka-grupo kung saan kami gagawa ng report,kung anong oras at kailan? Nag mungkahi ang isa naming kaklase doon sa bahay ng kanyang namayapang lolo't lola kami gumawa ng report dahil tahimik daw doon at wala ng nakatira. Ala-7 ng gabi ay naroon na ang lahat. Sinimulan na namin ang mga kailangan namin gawin may mga dala rin kaming pagkain at inumin. Nag uumpisa pa lang ang aming ginagawa ay may naririnig akong tinig na sinasabi tumingin ka dito.. tinignan ko lahat ng aking mga kasamahan, lahat ay abala at seryoso sa mga ginagawa. Kung kaya di ko na lamang pinansin ang tinig. Maya maya pa'y narinig ko ulit ang tinig tumingin ka dito... Boses ito ng isang babae na parang bumubulong lamang subalit rinig rinig ang tinig at malinaw ang katagang sinasabi nya. Di ko iyon pinansin, tumigil ang tinig. Subalit maya maya pa'y muli syang nagsalita, tumingin ka dito.. Di ko na natiis at ako'y lumingin saaking likuran kung saan mayroong bintana. Nakita ko ang isang babae na nakaputi at mahaba ang kanyang buhok, nasa tapat sya sa labas ng bintana at nakatayo roon. Nang makita ko ang babae ay nag sawalang kibo na lamang ako dahil ayaw kong magkatakutan pa kami doon. At kahit napapansin kong naroroon lamang sya habang lahat ay abala wala ni isa sa kanila ang nakakarinig ng tinig at nakakapansin sa babaeng nakatayo sa bintana. Nag pahinga ang lahat at nag meryenda kami at nagkape. Sa ikalawang palapag ng bahay ay may napansin akong nakaupo, nasa unang baitang sya, kita ko ang laylayan ng kanyang puting damit di kita ang kanyang paa sa haba ng suot nya. Lumingon ako sa bintana kung saan may nakita akong babaeng nakatayo. Subalit wala na sya roon at sa palagay ko ay sya ang babaeng naroroon sa hagdan. Di ko pa rin pinansin at pilit kong mag focus sa aming ginagawang report. At muli ay narinig ko ang tinig, tumingin ka dito.. paulit ulit kong naririnig iyon. Napansin ko na sumisilip sya saamin na parang pilit nyang inaagaw ang aking pansin. Makalipas pa ang ilang sandali at tumayo sya at naglakad ng dahan dahan pababa sa gitna ng hagdan at muli syang umupo sa hagdan. Pilit kong tinatagan ang aking loob. Nanlalamig na ang mga kamay! Muli ko na naman narinig ang tinig tumingin ka dito.. Kahit di ko sya tinitingnan ay kita ko sa kaliwang bahagi kung saan sya nakaupo sa hagdan na sinisilip nya kami at minamasdan lahat ng naroroon. Alas-3 na ng umaga ng matapos namin ang report. Kanya kanyang kwentuhan hanggang sa makatulog na ang lahat. Di ko na rin namalayan na nakatulog na rin ako. Nagising na lamang ako na parang mayroong tumapik saakin na parang ako ay sinadyang gisingin. Pumasok agad sa aking isip ang babaeng naka puti. Nakita kong unti unti syang bumaba sa hagdan. Pumikit ako at nag kunwaring natutulog abot abot ang aking dasal. Minulat ko ng kaunti ang aking isang mata para sya ay silipin nakita kong papalapit na sya sa kinaroroonan namin sa sala kung saan ang lahat ay natutulog sa kanya kanyang pwesto. Habang ako ay nakahiga at nakapikit ay mayroong sumakal saakin. Halos di na ako makahinga hanggang sa makarinig ako ng malakas na tinig Layuan mo sya sa Ngalan ni Hesus! Inuutusan kita kampon ni satanas lumayas ka at bumalik kung saan ka nanggaling! Lahat ng tuhod ay luluhod sa Pangalan ni Hesus! At naramdaman ko na lamang na nawala ang pagkaka sakal saakin. Nang imulat ko ang aking mga mata ay mga nakapalibot na saakin ang aking mga ka grupo na alalang alala saakin. Nilapitan ako ni John na syang ginamit ng Dios para palayasin ang kampon ng kadiliman, ikinuwento ko sa kanya ang mga nangyari at pagkatapos ay nag share saaking ng salita ng Dios at ako'y ipinag dasal nya. Simula noon ay di na ako muling ginambala pa ng babaeng iyon at iyon rin ang umpisa ng pagiging malapit namin ni John at makalipas pa ang ilang taon ay nagkaroon na kami ng magandang karera at bumuo ng masayang pamilya.
![](https://img.wattpad.com/cover/225019261-288-k520130.jpg)
BINABASA MO ANG
KATATAKUTAN STORIES COMPILATION
HorrorAng mga kwentong nakapaloob dito ay mula sa totoong karanasan ng bawat indibidwal na binahagi lamang ng mga aming masusugid na mambabasa sa aming Facebook Page. Hinihiling ko lamang ang malawak na pang unawa at respeto sa paniniwala ng bawat isa. H...