PANATAG 1 ( Puting Panyo )

98 4 0
                                    

PUTING PANYO


"Kapag pipili na kayo ng mamahalin niyo. Piliin niyo iyong hindi ka pagkakaitan ng tulong oras na kailanganin mo ito. Piliin niyo iyong hindi hahayaang kamay mo ang ipagpupunas mo sa mga luha mo kundi iyong handang iabot sa iyo ang kaniyang panyo at siya mismo ang pupunas nito"


Enna Chariya Bañez POV

Agosto 16,2010

Maaliwalas ang kalangitan at nakakabinging katahimikan. Nakaupo kami ngayon sa harap ng kapilya kasama ang aking Ka-Maytungkulin na si Emarie. Dadalo kami ngayon sa ensayo at mukhang napaaga yata kami dahil napag-alaman ko sa kapatid na nagbabantay kanina na 8:00pm pa pala ang ensayo at 6:30pm palang sa relo ko.

Bagong transfer kami kung kaya't ito ang kauna-unahang makikipag-ensayo kami dito sa Distrito. Dito na kasi kami mag-aaral ni Emz(Emarie).

Unang taon ko na sa Kolehiyo at si Emz ay nasa Ika-11 Baitang na sa Sekondarya. Magkasama rin kami sa isang kwarto na inuupahan namin malapit sa aming Paaralan.

Sobrang excited at sobrang saya naming dalawa kasi sa wakas ay mararanasan na din naming tumupad at makaawit sa Koro ng Distrito upang bigyang Kapurihan ang Ama. Isa iyon sa mga pangarap ko noon pa man, na sana kapag tumuntong na ako sa Kolehiyo ay makakatupad ako sa Distrito. At eto na nga at malapit ko na iyong makamit dahil transferred na ako dito at makikipagsanay na.

Nagkukwentuhan kami ngayon tungkol sa mga kapwa naming mang-aawit na naiwan sa dati naming Lokal. Ramdam ko ang lungkot nila noong araw na huling tupad na namin doon. Minsan tinatanong ko rin kung paano na kaya sila? Nabawasan sila ng tatlong Maytungkulin sapagkat lumipat na din si Gray ng Lokal at sa ibang Distrito pa. Ngunit dahil naturuan kami, batid kong hindi papayag ang Ama na maging aba ang kanilang pagsamba dahil sa kakaunti nalang ang mang-aawit doon. Sabi nga nila... 'Kapag may aalis, may darating'.
Siguro ganoon din dito sa Distrito na may umalis na din at kami naman ni Emarie ang darating dito upang pumalit sa kanila. Nakakalungkot nga lang kung bakit pa kasi kailangang umalis pa sa kinasanayan mong lokal pero alam  ko na para sa amin din ito, para sa aming kinabukasan sa hinaharap kung kaya't titiisin naming malayo sa aming unang lokal at lalong lalo na titiisin naming malayo sa aming mga magulang at mahal sa buhay para sa aming pangarap.

Nagbabadya ang luha sa aking mga mata at hindi ko na mapigilan kung kaya't nagpaalam muna ako kay Emz na papasok muna sa loob ng kapilya upang mag-ukol ng sariling panalangin. Wala pa namang tao at matagal pa bago mag alas-otso.

"Sige ate susunod nalang ako maya-maya" saad niya.

Pumasok na ako sa loob. May ilaw na din naman dahil nakita ko na may nagbukas na kanina ngunit hindi ko naaninag ang kanyang mukha dahil medyo malabo na ang aking mata.

PanataG❤Where stories live. Discover now