Sa pagmamahal ni lola walang kawala,
Sa lambing niyang di nakasasawa.
Kahit kapiranggot, binabahaging biyaya,
Sa paboritong apong kinakawawa.O siya sige isigaw mo pa!
Tanurin ang karayom, di niya na makita.
Naniningkit na mata, dahan dahang idikta.
Sa mahina na niyang tenga at malabong mata.Pinaghabing retasong tasa tasa,
Kinumpuni, kahit daliri magkanda tusok na.
Sige hala, pagtarong day a!
Mapunit yari na naman iyong saya.Sa alo at alog ng bisig niya,
Naghihimutok ma'y patatahanin ka.
Tatago sa kanyang maansong saya!
Maiwasan lang ang hagupit na palo ni mama.