Nasa isang puntod ngayon si havin at mommy nito. Hinimas ng mommy niya ang pangalang nakaukit Frederick Suariz.
"Nakakalungkot isipin na ganito na ang pagkikita nating muli. Inaamin kong hanggang ngayon dala ko parin ang lahat ng sakit na ginawa mo sa akin... Pero Frederick hindi ako manhid matapos kong mabasa lahat sa notebook mo. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Ramdam kong sisingsisi ka sa lahat nang ginawa mo sa amin ng anak mo. Patawad at hindi man lang kita pinakinggan sa lahat ng paliwanag mo. Nasaktan lang ako dahil sa sobrang mahal lang kita. Patawarin mo rin ako dahil hindi man lang kita binigyan ng pagkakataon para ayusin Sana ang pamilya natin. Pwede pa Sana nating ayusin yon alam ko kaya pa natin yong ayusin. Pero pinairal ko lang ang galit sa puso ko. Patawarin mo rin ako mahal ko..." Humagolhul si agnis habang nakalapat ang dalawang palad sa lapida nito.
Parang nabunutan ng tinik si agnis sa maraming taon na dinadala niya ang galit sa puso niya sa namayapang asawa.
Hinamas ni havin ang balikat ng ina habang humihingos na rin dahil sa nakikitang pighati ng mommy nya. Napaluha na rin siya.
"Hindi ako perpekto pagdating sa pag ibig dad. Pero isa lang ang naiintindihan ko sa lahat ng nangyari sa buhay natin. Hindi makakatulong sa isang relasyun kong poot at galit lang ang pinanghuhugutan. We need to go back to square one. Kung saan pag Ibig ang umiiral kaya dumating tayo sa puntong ito. Love soon will follow forgiveness. If we give it heartily forgiving everything will fixed the broken pieces. I've forgiven you dad with all my heart. Naintindihan ko na ngayon kong bakit nangyari ito sa atin. Its all because of love and forgiving that we should have to strengthen our faith on to god." Habang yakap na rin ang inang kanina pa umiiyak ng husto.
"Hi. How's my love?" Hindi umimik si ace habang nakahiga parin sa kama. Nakauwi na ito sa bahay nila pero hindi parin makalakad dahil sa nakabandage na binti.
"May problema ba?" Tanong ni havin. Inilapag ang bouque basket of flowers and one basket of different fruits. Umiling si ace. Nasasaktan parin ito sa pagkawala ng baby nila.
"Hon, I'm sorry. I'm sorry for our baby's lost." Nang marinig ni ace ang baby ay tuluyan ng bumagsak ang luha niya.
"Hey...I'm sorry." Agad din siyang inalo ni havin.
"My angel..." Hinalikan ni havin ang tuktok ng ulo niya may namuo na ring likido sa mga mata niya.
"Sadyang hindi siya para sa atin." May kinuha ito sa bulsa ni havin isang maliit na kahon iyon.
"Are you still going to marry me and make another angel for us?" Binuksan ang kahon na may lamang singsing. Ang namumugtong Mata ni ace at ilong na naging pula dahil sa pag iyak nito ay napalitan ng kislap ng mga mata niya.
"Magsalita ka naman dyan... Kinakaban na ako." Natawa na lang si ace sa sinabi nito.
"Yes. Yes I'll accept your proposal again. Sana naman siputin mo na ako nito." Bahagyang natawa si ace ng maalala ang nakaraan. Agad isinuot ni havin ang singsing niya dito.
"Ayaw ko ng magkahiwalay tayo ng kwarto during our wedding sabay tayong aalis ng hotel. I'll be the one will drive you through the church."
"You crazy? Wag ka ngang oa dyan. Wala na yong thrill pagkaganon."
"I don't care about the thrill. I care about you. I want you to be mine forever." Agad niyang hinagkan si ace.
"Your lips taste like berry you know. Ang mga labi mo lang ang mayroong flavor walang katulad."
"Tigilan mo nga ako..." Ramdam na ni ace ang pagnanasa sa mga Mata ni havin bawat haplos nito ay nagdadala ng init sa kanyang kaibuturan.
"Hon... Pagbibigyan mo ba ako ngayon..." Pakiusap nito.
"Mahiya ka nga sa fractured ko..." Natawa nalang si havin.
"Oh nga pala nakalimutan ko..." natawa ito.
"Tse!" Tampong wika nito. Hala siya! Gusto talagang masaktan.
"Uy ha...ano yan? Nagtatampo ka dahil hindi ko pweding ituloy?" Napahalakhak nalng si havin.
"Mukha mo!" Binato niya ito ng unan. Tumawa lang si havin na sinalo ang unan.
"Gwapo."
"Kapal! Saan banda?" Naiinis na siya sa panunudyo nito.
"All angle of coarse. Na bihag nga kita sa mukhang to di ba!" Sabay himas sa cliff chin nito.
"Pangit!"
"Weeeh? Joke ba yan. Matagal ko ng alam na gwapo ako noh. Wag ka ngang ano dyan... aminin mo nalang kasi na gwapo ako!" Humalakhak pa ito ng bongga.
"Wow sige...ikaw na. Ikaw na talaga ang pinagpala havin!" Maslalo itong napatawa dahil sa pamimilosopo nito. Tska mabilis siyang inakap nito at inakupa ang mga labi niya.
"Hello tay pio! Musta kana dyan sa bukid?" Bago kasi ito umalis humingi siya ng number sa matandang lalaki na tumulong sa kanya that it happens ace father.
"Uy iho havin ikaw ba ito anak?" Nacks naman! Anak talaga tay.
"Oh ho tay si havin ho ito. Musta na ho kayo tay"
"Okay lang ako dito. Okay pa sa alright! Ikaw dyan? Okay kana ba?"
"Oh naman. Okay pa rin ho sa alright!"
"Ay mabuti kong ganon iho."
"Tay?"
"Bakit iho?"
"Gusto ko ho sanang hingin ang kamay ng anak ninyung si ace...."
"Nakooo ano ka ba naman. Hindi muna ako kailangan tanungin dyan. Dahil okay ako sa lahat ng mapapangasawa ng mga anak ko nasa kanila ang supporta ko. Bastat mahalin mo lang ng lubos at totoo. Wag mo lang sasaktan dahil mahal ko yan. Para mo na rin akong sinaktan pag sinaktan mo sya."
"Wag ho kayong mag alala tay. Makakaasa ho kayo."
"Salamat iho..."
"Gusto ko rin ho sanang maka attend kayo ng kasal namin tay. Gusto ko hong magkaayos na kayo ng pamilya mo."
"Iho. Salamat. Pero malabo na yang iniisip mo." Mapapansin sa tinig nito ang pagkalungkot.
"Tay hanggat nabubuhay tayo may pag asa. Kailangan lang natin ng lakas ng loob at harapin ang bagay na iyon. Maaayos nyu rin ang lahat tay alam kong kaya niyong ayusin ang pamilya niyo maniwala kayo."
"Sana nga iho. Sana nga."
"Tutulongan ko ho kayo."
"Salamat."
To be continued....
A/N: oh ryt! Go tatay!
Please vote and follow my account.
Thank you!
Enjoy reading :)
BINABASA MO ANG
HOOKED ON YOU - BOOK II People change. But memories dont.
RomanceITS HARD TO FORGET SOMEONE WHO GAVE YOU SO MUCH TO REMEMBER...