Prologue

23 7 3
                                    

00

Halos maubusan kami ng hininga ni Poli kakasiksik sa may lagayan ng mga mop.

"My goodness! I can't believe we're really doing this! Really? Boy's comfort room?" inarte niya habang pilit na pinagkakasya ang katawan.

"Oh shut up, sige ka pag nahuli tayo dito mas lalo tayong mapapahamak!" mariin at pabulong kong singhal sa kanya.

Siwang lamang ang nagbibigay liwanag dito sa loob ng locker, kaya naman hirap ako sa pagsilip kung dumating naba si Cairo.

"Pota, don't tell me you're obsessing over Cairo?" bulong ulit niya. I am not! I just can't accept the fact na hindi niya ako tinetext o tinatawagan lamang. Not that he's obliged to pero kasi...

"Not obsessing. I will soon be his Girlfriend! Nafefeel ko na talaga." I emphasized the word girlfriend. Umirap ako kahit pa alam kong hindi niya ito makikita.

Narinig namin ang mga grupo ng lalaking papasok sa cr. Sumilip ulit ako at halos maitulak ko na ang pinto ng locker nang makita si Cairo.

Lalabas na ba ako? No. I'll wait for the right moment bago lumabas. I just can't goof off without a plan. Ano bang magandang ibungad?

"Bro, I heard that someone on your building is obsessing over you." sabay halakhak ng kasama ni Cairo.

Someone on his building? We're in the same building!

Nakinig pa ako sa pinaguusapan nila, kuryoso sa tinutukoy nila.

"She's loud. You know I hate those kind of girls." habang hinuhubad ang jersey. Am I really seeing this? Omg!

Halos tumulo ang laway ko kung hindi lang ako kinalbit ni Poli. Oh right, may kasama pala ako.

"Ikaw ata yung pinag uusapan." bulong niya

Wait, am I loud? Hindi ko alam! But I'm pretty sure I'm sweet and sexy! At isa pa, hindi naman niya sinasabing maingay ako. Right, bakit nga ba niya sasabihin sa akin ng harap harapan 'yon? And I thought we're cool!

Nagdadalawang isip na lumabas, nang tumunog ang cellphone ko. Lagot.

Tumatawag si mama. Wag ngayon jusko. Pindot ako ng pindot sa red button para patayin ang tawag.

"Who's there?" si Cairo, ngayon ay hinahanap kung saan ang tumutunog.

"Patay." wala sa sarili kong usal.

"Dead? What dead? Sino ka?" medyo naiinip ng tanong ni Cairo.

Hindi parin kami sumasagot ni Poli. Panay patay ko sa tawag ni mama kahit pa pa ulit ulit itong tumatawag. Sorry ma wag ngayon.

Lord baka naman, ayoko pang mamatay! Bumukas ang pinto sa gitna ng pagdadasal ko.

"Ay amen!" napasigaw ako at nakita ang galit na galit na mga mata ni Cairo. He still look hot tho. Topless pa ang loko.

Halos tumulo ang laway ko kakatitig sa 6 packs niya kahit pa salubong na ang kanyang kilay.

"What. Are. You. Doing here?!" mariin at nagpipigil.

Fuck, I'm so dead. I knew this was a bad idea, baka pa iparating na naninilip kami! Siguro oo e kasi naman...sarap, chos.

Napalingon ako sa kanyang mga mata, kita ko ang nagbabagang apoy dito. I saw satan.

"Well, uh I'd like to talk to you...alone." sabay tingin sa mga lalaking nasa silid, topless rin at nakikiusyoso.

Aalis na sana ang kanyang mga kaibigan kung hindi niya lamang ito pinigilan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 27, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chasing ButterflyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon