Alas nuwebe kinse na ng umaga pero wala padin si Luiz. Kaya napag desisyonan ko ng u aliw at pumunta sa farm.Hindi ko Alam kung anong ng yari kay Luiz tanghali na wala pa sya.. May ng yari kaya kay myla kaya wala pa sya ngayon? Makakapunta kaya sya?
Nakangiti akong pumasok ng farm at binati ang mga nakakasalubong ko.. Agad nag salubong ang kilay ko ng makita ko si Luiz malayo saakin hindi sya nakatingin saakin at busyng busy sa pag kakarga ng mga basket na may lamang mga mangga.
Kanina paba sya dito? Bakit dito sya dumeritso? Hindi nya ako sinundo?
"Jasiana!! Halika dito tikman mo itong suman na gawa ko" masayang sabi ni nena at hinila ako papunta sa gazebo.
Muli pa akong sumulyap kay Luiz umaasa ng titingin ito saakin pero hindi nya ginawa..ganon parin ang ginagawa nya sure ako narinig nyang tinawag ako ni nena dahil malakas ang pag kaka tawag nito saakin kaya nakakapag taka na hindi man lang nya ako nilingon. Anong problema nya!
"Specialty ni nanay yan, matagal na nya itinuturo saakin ang pag gawa nito pero ngayon ko lang na perfect"
Tinignan ko ang suman na gawa nya, nalanghap ko ang bango nito kumalam ata ang sikmura ko..
"amoy palang nakakatakap na!" maanghang sabi ko
"tikman mo.. Bili!" excited na sabi nito at akmang susubuuan ako ng nilayo ko ang ulo ko at kinuha ang suman.
Mainit pa yun at kung hindi ko pinigilan baka napaso nako dahil sa pag ka subsub nya sa bunganga ko.
Hinipan ko yun ay ng akmang kakagatin ng may pumigil sa braso ko isang malaking kamay at mauugat ang naka hawak sa braso ko ng sundan ko ng tingin iyon napaatras ako ng makita ang walang emosyon mukha ji Luiz.
Hinila nya ng marahan ang kamay Kong may hawak na suman at itinapat iyon sa bunganga nya at kinagatan.
"ey! Akin to bakit mo kinagatan" gulat na sabi ko.
Hindi ko inaasahan yun kaya late na ng makapag react ako.. Ngumisi lang ito saakin at saka tumingin kay nena.
"Masarap nga hindi na lasang sunog!" mapag asar nasabi nito.
"talaga! Pwedi nako sumali sa pasarapan ng suman sa fiesta?" masayang tanong ni nena
Tumango nman si Luiz at ginulo ang buhok ni nena dahilan kung bakit mag mukang kamatis ang mukha nya sa sobrang pagkamula nya.
Inis akong bumaling kay Luiz at napigtag pako ng pag baling ko sobrang lapit ng mukha namin ramdam na ramdam ko yung init ng hininga nya.
"ano ba!" ani ko at mahina syang tinulak
Kumalabog yung puso ko ng hapitin nya ang bewang ko.
Shet! Ano bang ginagawa nya may ibang tao andito si nena at Nakita ko din yung ibang trabahador na natitigilan ng mapadaan ang tingin nito saamin.. Sinubukan Kong umalis sa pag kakalapit sakanya pero masyado ng ma higpit ang hawak nya sa bewang ko kaya hindi ko magawa.
Kanina inaantay ko sya pero anong oras na hindi pa sya dumating tas makikita ko sya nandito na at nag tratrabaho pero dumating nakong lahat hindi man lang nya ako noli hot kanina tapos ngayon kung maka yakap at makakagat sa suman ko parang walang kasalanan.
"bitawan mo nga ako! Ano ba" Inis na sabi ko at tinulak sya.
"ayoko nga... Na miss kita yakapin" mahina ng sabi nya.
"ayieeeee ang sweet nyo bagay na bagay kayo"
Masama Kong Tinignan si nena ng asarin nya kami ni Luiz pero tinawanan lang ako nito at sumenyas na babalik na sa trabaho.
Ngayon kami nalang na Iwan ni Luiz dito sa gazebo.
"Pwedi pengeng kiss?" nan Lalaking mata akong tumingin sakanya at tinulak sya ng malakas ng nabigla ako sa lapit ng mukha namin.
"kiss ka Jan! Mukha mo ni hindi mo nga ako sinundo kanina!" may paet sa boses na ani ko.
Natigilan namn ito at bahagyang ngumisi at akmang lalapit ng umatras ako at itinutok sakanya ang hawak Kong suman na animo isa iyong patalim na kaya syang patayin kung lalapit sya saakin.
" tigilan moko ah hindi ako natutuwa sayo!" mariing sabi ko. Pero halos man lambot ako ng mabilis lang nyang naiangat ang kamay Kong may hawak na suman at mapusok na hinila ang bewang ko binaon nya ako sa dibdib nya habang nag kaka titigan kami.
"I'm sorry baby, nahiya kasi ako sayo kaya hindi kita na sundo" masuyong sabi nya.
"bakit ka naman nahiya?" taas kilay nasabi ko.
"uhm nahiya ako kasi yung babaeng crush ko sinabi yung salitang kahit kailan hindi ko naisip na masasabi nya"
Halos mag taasan ang balahibo ko ng maalala yung sinabi nya. Damn it pina alala pa.
"Alam mo ba nag pa ulit ulit yun sa isip ko kagabi ni hindi nga ako nakatulog kakaisip don. Totoo bayun?"
Hindi ko Alam isa sagot ko! Nag baba ako ng tingin ng makaramdam ng hiya pero sadyang mapag laro sya I angat nya ang baba ko at sinalubong ang labi ko ng labi nya..
Nanlaking mata akong napatitig sa mata nyang nakapikit na waring dinadama ang mga labi naming naka lapat..
Yung puso ko!! Parang na takbo.. Normal paba to???
"ayyy live"
"Porn!"
Naitulak ko ng malakas si Luiz ng marinig ang familiar na boses. Tumingin ako sa likod at Nakita ko sila basty at gino na natatawang tumakbo pa layo saamin nag peace sign pa ito.
"Aray!" napabaling ako kay Luiz at gusto ko na agad matawa sa position nya.
Siguro dahil sa lakas ng tulak ko na paupo sya at shoot ang pwet nya sa bunganga ng basket. Para tuloy syang batang nag lalaro hahaha ang cute..
"pfttt sorry" sabi ko at dunaluhan sya para maka tayo. Pero ang mga mata nya ay galit na nakatingin sa dinaanan nila basty.
"okay kalang? Sorry talaga nagulat kasi ako"
"ang lakas mong timulak! Nawalan ako ng balance!"
"eh sorry na ikaw naman may kasalanan eh" ngising sabi ko.
"hindi puweding sorry kiss dapat!"
Seryoso? Kinakabahan akong tumingin sakanya pero ang loko ngumisi lang at lumapit saakin. Akmang susungap ng halik ng inangat ko ang kamay ko na hanggang ngayon ay hawak ang suman ay nginudngod ko sa mukha nya.
"oh ayan halikan mo" sabi ko
Natawa nako ng Inis nyang kinuha yun saakin at nila pag sa lamesa at pag kaka taon ko nayun para tumakbo dahil sa kakaibang tingin nya ay Alam ko ng may balak sya..
"cge takbo pag na huli kita.. Hindi ka pa pakawalan ng labi ko" malandi ng sabi nya na nag pa tawa talaga saakin.
Tumakbo nalang ako at hindi inabala lang pansinin ang mga taong nakatingin saakin.. Napatili ako ng muntik nakong mahuli ni Luiz buti nalang at nailagan ko at mabilis na umikot kay kiko para maka balik sa pinag takbuhan ko kanina.
Pero natigil ako ng walang Luiz ang humahabol saakin. Ng igala ko ang paningin ko wala ng Luiz na humahabol saakin.
Tinigan ko na nag tatanong si kiko.. Tumango lang ito at nakatingin sa likod.. Bago ko pa malingon yun nakulong nako sa bisig ni Luiz dahilan ng pagtili at pag tawa naming dalawa.
Tama nga ako mas sasaya ako dito... Sana hindi na matapos ang sayang to.
***********To be continue***********
YOU ARE READING
Ruthless Nights
RomanceWarning:R18 Ruthless nights is a New Adult/High school series with hot scenes and drama, a touch of angst. If you're looking for a safe, sweet romance, this series is NOT for you. At all! Please don't say you weren't warned _________________________...