"Congratulations! You've passed the exam for the scholarship in any University. You have a chance to choose any University you want to go. Please come over to our office immediately if you made your decision. Again, Congratulations!" basa ko galing sa aming munisipyo."Mamaaaa!! Maaaa!!!!" sigaw ko.
"Alexa Marie, bakit ka ba nasigaw?" tanong sakin ni Mama pagkarating niya sa kuwarto ko.
Agad ko sakanya ipinakita ang sulat mula sa munisipyo na nagsasabing nakapasa ako sa scholarship.
"Congratulations! You've passed the exam for the scholarship in any University---- hala anakkk!! Nakapasa ka?! Ibig sabihin ba non ay---"
"Opo mama, makakapag aral po ako ng libre kahit sa mamahaling unibersidad." putol ko sa sinabi ni mama ng nakangiti.
"At dahil dyan kakain tayo sa labas, maghanda kana. Sasabihan ko si Kuya Mario mo na kitain tayo sa SM." habilin sakin ni mama.
Pagkalabas ni mama ay kumilos na agad ako para maligo at magbihis. Namili ako ng aking susuotin sa mga ukay kong damit. Napili kong suotin na lamang ay ang crop top at cargo short ko. Pinarisan ko na lang rin ng boots dahil malapit lang naman ang pupuntahan namin.
Pagkarating namin ni mama sa SM ay nakita na agad namin si Kuya Mario na nakapila sa Mang Inasal.
"Yes! Chibugan na naman, makakailang ulit kaya ako ng kanin?" bulong ko sa sarili ko.
"Balita ko nakapasa pasa ka sa scholarship? Nuxx! Ang galing talaga ng kapatid ko! Congrats!" sabi sakin ni kuya.
"Kanino ba naman ako magmamana? Edi kay mama nating maganda." buwelo ko habang nakatingin kay mama.
"Ikaw talaga Alexa, umayos ka sa papasukan mo ha? Huwag mo sasayangin ang chance na binigay sayo." pangaral sakin ni mama.
"Syempre naman mama, diba nga pangako ko po sainyo na magtatapos ako with highhh honors!" sabi ko kay mama.
"Teka nga, may naisip kana bang University na papasukan mo?" tanong saakin ni Kuya Mario.
"Bradford University ang gusto ko kuya simula pa noon. Kaya naisip ko na doon na lang kahit medyo malayo. May dorm naman daw sa loob ng University, libre rin gastusin ko. Kaya happy happy naaa!" tuwang tuwa kong sabi kay Kuya.
"Mama ayos lang po ba sayo na sa Bradford ako papasok? Matagal tagal po tayo hindi magkakasama." tanong ko kay Mama.
"Syempre naman anak, ayos lang sakin. Kung saan mo gusto, deserve mo 'yan. nakangiting sambit sakin ni Mama.
"Tara kain na po tayo! Gutom na ako ih hehe." aya ko sakanila.
-
Pagkauwi namin sa bahay ay nag research ulit ako tungkol sa Bradford University. At nalaman ko na mayayaman pala talaga ang nakakapasok doon unless scholar ka tulad ko. Pinag isipan kong mabuti kung ayun ba talaga ang gusto kong pasukan. Hanggang sa nakatulog na ako.
Kinaumagahan ay dumeretso na ako sa munisipyo upang kausapin sila tungkol sa napili 'kong Unibersidad.
"Magandang Umaga po, nandito po ako para sabihin na nakapili na ako ng Unibersidad. Bradford University po ang napili ko." bigkas ko sakanila.
"Aware ka naman na scholar ka diba? Ibig sabihin non ay kailangan maintain ang grades mo dahil libre na ang stay mo sa dorm as well the uniforms and books ng school. But, yung pocket money mo ay once a month lang ang bigay. 5,000.00 ang pocket money mo from us for the whole month. It's up to you kung paano mo pagkakasyahin. Naiintindihan mo ba?" habilin sakin.
YOU ARE READING
Bradford University [ON-GOING]
RomanceAlexa, a goal catcher who told herself to not fall inlove not until she reaches her goal meets Avex, a soccer player, a man that no one can resist.