Kabanata 24
Cookies
Halos isang buwan na ang lumipas simula nung nagkasakit ako at laking pasasalamat ko na hindi na naulit pa 'yon.
"Luto na?" tanong bigla ni Azriel.
Napalingon naman ako kaagad sa kaniya at bahagya akong natauhan.
"Kanina pa. Gusto mong tikman?" I replied before getting one of my baked cookies.
Wala kasing pasok kaya ito ang napagdiskitahan kong gawin.
Lumapit naman siya sa akin at napansin kong medyo magulo ang kaniyang buhok.
"Ang gulo ng buhok mo," puna ko bago ko marahang inayos ito samantalang napanguso lamang siya.
"Anong problema?" tanong ko tuloy kaagad at nginuso niya lang hawak ng kanang kamay ko.
Yung cookie pala, akala ko kung ano.
"What a baby," sambit ko naman bago ko itinapat sa bibig niya.
Kumagat naman siya kaagad at hinintay ko ang magiging opinyon niya sa lasa.
"How is it? Masarap o hindi?" I asked.
"It taste good. Pwede ka na yatang mag-asawa," sambit niya at kinuha niya na sa kamay ko ang cookie para makain niya na ng buo.
"Sige, pakasal na tayo," sagot ko naman na siyang ikinaubo niya.
Tatawa na sana ako kaso'y mukhang nabulunan nga talaga siya kaya't nagmadali akong kumuha ng tubig.
"Here," sambit ko at kaagad niya namang tinanggap ang baso ng tubig.
Nang makainom na siya ay sinamaan niya na ako ng tingin.
"O, inaano kita?" tanong ko.
"Huwag kang magbibiro ng ganoon. Baka pakasalan talaga kita ora-mismo," sambit niya.
"Sino ba kasing nagsabing nagbibiro ako?" matapang kong sagot na ikinaigting na ng kaniyang panga.
"Hindi ka talaga nagbibiro?" pangungumpirma pa niya bago ko naramdaman ang pag-angkin ng kaniyang mga braso sa aking bewang.
"Hindi nga," tugon ko at nang tumingin na ako sa seryoso niyang mga mata ay parang ginapang na ako ng kaba.
"Hmm, really?" he replied huskily before licking his damn lips.