I

6 0 0
                                    

"Antagal mo naman Alexis" excited na excited ako tapos antagal pa netong babaeng to alam ko mamaya pang gabi ang concert eh baket ba dadaanan pa namin yung dalawa naming kaibigan.


"Oh eto na excited ka naman be" pagmamadali niya.


"Aba syempre dadaanan pa naten ang dalawa ang tamad rin kasi magdala nang kotse pareparehas kayo" inirapa  naman ako nang gaga.


"Mommy alis na po kami, si Denise na bahala saken maghatid" paalam naman nya sa mommy nya.

"Okay sweetie text your dad narin para alam niya na nakaalis ka na, oh Denise iha ikaw na bahala rito ah"


"Opo syempre tita, as always. Sige po salamat." Simula nung naging kaibigan ko si Alexis noong elementary ako naging close narin ako sa mommy niya kasi nung highschool lagi ko to sinusundo sakanila para sabay kami pumasok.


Una naming pinuntahan si Bella dahil malayo layo sya sa Arena kung saan ang concert at huli naming pinuntahan si Sheila dahil malapit sakanila yoon sa Bulacan kasi nakatira ang isang to pero lakwatsera.

"Oh ano na te pasok na" sigaw ni Bella kay Sheila.


"Paaaa, aalis na po ako" sigaw naman ni Sheila sa tatay niya. Ngumiti at tumango eto sakanya.


"Oh Denise ikaw na bahala dyan ah"

"Opo tito, makakaasa ka" sagot ko naman.


"Tara na tara na excited na ako" at agad na sinarado ang pinto nang kotse ko.


"Oh parang nakabusangot ka dyan ate girl" tanong ni Alexis kay Sheila.


"Pano kasi si mama muntik pa ako hindi payagan eh dyaan lang naman sa Arena, nag away kasi kami kagabi buti nalang malakas ako kay papa." Yung nanay ni Sheila ay isang Doctor at ang tatay niya naman ay nasa bahay lang kaya mas close sila pero meron silang clinic yun ay pagmamay ari nang ate nya, paanakan.


"E pasaway ka kasi san ka nanaman ba galing kagabi?" Tanong ko naman.


"Sa tagaytay inaya kasi ako nung mga kaklase ko nung highschool 11pm nako nakauwi kaya ayun, sya nga minsan alas dose di ako nagalit eh" aba malamang.


"Kulet mo She" sabi ni Bella "malamang doctor nanay mo.


Nagdrive na ako papunta sa Arena. Tawanan nalang kami nang tawanan sa loob nang kotse. Masaya talaga to sila kasama dahil hindi mo maitatanggi ang pagkakaparehas namin nang mga vibes.


"Oh pila na tayo buti nalang mejo maaga tayo" sabi ko sakanila.

"Talagang maaga, mamaya dadagsa na ang tao rito kaya bibili muna kami ni Bella nang maiinom at makakain habang nasa pila" sabi ni Alexis


"Ooppss, ready ako" nagdala talaga ako nang mga makakain namin kasi alam kong matagal kaming pipila.

"Wala talagang gutom pag ikaw kasama Denise" tawa naman ni Sheila at agad binuksan ang compartment nang kotse ko.


Habang nasa pila kami iniisip namin ang mga mangyayari sa loob kung paano kami tatalon sa tuwa, iiyak sa kanta at kung paano namin eenjoyin ang buong gabi. VIP standing ang kinuha namin pare pareho hindi sya sa pinakaunahan pero malapit na malapit sa aming papanuorin. Lumipas ang ilang oras at nagpapasok na ang mga staffs.


Hahakbang palang ako nang di ko namalayan ay nasabit pala sa bakal ang bag ko kaya napahinto ako at nabangga naman ako nang isang lalake.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 20, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Memories of YouWhere stories live. Discover now