Chapter II

30 0 0
                                    


"Elora, are you ready?"



Napatingin ako kay Daddy ng magsalita sya, nandito kami ngayon sa isang gubat. Hindi pa lumilitaw ang araw ay ginising na ako nila Mommy at Daddy para mag ayos, kailangan daw namin gawin ito ng mas maaga para masiguradong wala pang mga tao ang maaaring makakita sa amin... di ko man maintindihan pero sumunod nalang ako. Yun lang naman ang kaya kong gawin sa ngayon, ang sumunod.


Tumango lamang ako kay Daddy. Nasa likod nila akong dalawa ni Mommy, sumulyap si Mommy at ngumiti bago sila magsabi ng mga salitang di ko maintindihan.

Habang papunta kami rito ay pinaliwanag nila sakin na tanging sa portal lamang nakakadaan patungo sa Alfea, isa lamang ang portal na pupuntahan namin ngayon sa nagkalat na portal sa ibat ibang lugar. Hindi nakikita, ngunit hindi din nawawala. Yan ang sabi nila mommy kanina sa akin.

".....aperta portal." Matapos nilang sambitin ang huling mga kataga ay medyo napaatras ako ng may lumitaw na isang maliit na liwanag, unti unti itong lumalaki hanggang sa maging isang malaking bilog na kayang sakupin ang tatlong tao, tinanggal ko ang mga kamay ko sa harap ng mukha ko upang makita ng maayos ang portal... wala akong ibang makita kundi puting ilaw.

Di ako makapaniwala, na ang mga ganitong bagay ay may kinalalagyan sa mundong ito. Mahirap paniwalaan ang bagay na hindi nakikita ng sarili mong mata. Really, nothing is impossible.

"You can go now, Elora."

"Hindi nyo ako sasamahan?" Umiling naman si Daddy.

"Hindi kami pwedeng mawala nalang basta dito anak, madami pa kaming dapat asikasuhin ng Daddy mo sa lugar na ito. Sa ngayon kailangan mong matutong tumayo sa sarili mong mga paa, Anak. We will always be here for you, no matter what. Huwag kang mag alala at paminsan minsan ay dadalaw kami sayo ng Daddy mo." Ngiting may halong lungkot ang ipinaabot sakin ni Mommy.

"You will live the life that you deserve, Anak. Find yourself, find those answers you have been looking for. Learn, and lead. We got your back!" Napangiti ako sa mga sinabi ni Daddy. Oo, may galit... galit sa puso ko dahil nagawa nilang itago sakin ang lahat ng ito, but I know there's something good about it. Now, I'll start this adventure with my own.

Lumapit ako sakanila at sabay silang niyakap, "Thank you, Mom—Dad. I love you." I keep my tears from falling. No, this is not goodbye. This is just the beginning.

"We love you too." They both said.

Kumalas na ako sa yakap at unti unting naglakad palapit sa portal.

Akala ko ay tulad ng ibang mga nababasa at napapanood ko, malalaglag ako ng mabilis patungo sa pupuntahan ko— pero iba ito sa inaasahan ko... madilim ang dinaraanan ko ngayon, may mangilan ngilang maliliit na liwanag ngunit hindi parin sapat para makita ko ng buo ang paligid, patuloy lamang ako sa paglalakad hanggang sa may matunton ko ang Alfea.

Parang ngayon palang mag uumpisa ang totoong buhay ko, hindi man sa mundong kinalakihan at nakasanayan ko pero nasasabik ako sa mga bagay na ngayon ko lang magagawa. Oo, galit ako pero anong magagawa ng galit ko? Maibabalik ba non ang panahon? Sa ngayon, gusto kong makita kung ano ang naghihintay sakin. I want to live, but I've learned not to trust anyone, so easily.

Ilang saglit pa ay may natanaw akong hindi pangkaraniwang liwanag kaya naman lakad takbo ang ginawa ko kahit di ko makita ang dinaraanan ko—bahala na kung madapa, mapuntahan ko lang yung liwanag na nakikita ko.

Ang daming taong nagkukumpulan... saan ba ako napunta? Ito na ba ang Alfea? Nilibot ko ang paningin ko at wala na ang portal na pinang galingan ko kanina. Wala namang pinagkaiba ang lugar na to sa pinang galingan ko kanina, parang normal na pamumuhay lang din ang meron dito, ang pinag kaiba lang ay hindi ganon ka modernized ng mga infrastructures pero halata mo na hindi basta basta ang mga ginamit na materyales dito, buong buo ang mga detalye at hindi tinipid, bukod pa don ay hindi din ganoon ka modernisado ang mga kasuotan nila, pero okay naman dahil maganda pa rin naman tignan.

Alfea: Academy of MagicWhere stories live. Discover now