Chapter 6: Kuya Darren

817 14 4
                                    

Not A Dude

Amber's POV

Nandito kami ngayon ng mga tropa ko sa ice cream shop malapit sa school. Kasama rin namin yung dalawang kumag na 'yan. Hindi ko sila pwedeng isama sa mga tropa ko, hindi ako nagkaka-tropa ng baliw

"So, Liam. Matagal ka na ba sa Winston?" tanong ni Trisha sa kanya

"Oo. Magkasama kami ni Kiefs simula elementary eh." paliwanag niya, so matagal na silang magkasama eh bakit parang ayaw nila sa isa't isa kung matagal na silang magkasama?

"Matagal na pala kayo." sabi ko

"HOY HINDI NAMAN KAMI NI KIEFFER! LALAKI AKO AMBER!" kontra ni Liam "Bobo. Ibig kong sabihin matagal na kayong magkasama, patapusin mo muna kasi ako! Epal nito." pambabara ko

"Hehe. Sorry na, Amber-sshi." sabi nito at aakmang yayakapin ako pero binatukan ko kaagad siya at napatawa naman sila except si Kieffer na nakatingin lang samin. Ano pang ine-expect niyo? KJ yang baklang 'yan

"Yieeee. Bromance sila!"

"Emegesh. Kilig fwet ko sa inyo!"

"Liamber na ituuu!"

Mga pauso. Tsk, oo nga pala alam na nilang nagpapanggap lang ako na lalaki kaya bumo-bromance silang tatlo samin. Parang baliw lang? Tss.

"Amber, marami bang pogi doon sa Winston?" tanong ng malanding si Raven "Malay ko. Di ko naman sila tinitignan eh." sagot ko, totoo naman eh. Mas pogi pa nga ako sa kanila eh. Dejoke XD

"Hindi mo tinitignan? Eh araw araw nga tinitignan mo ko eh!" pagyayabang ni Liam at pinakyu ko lang siya at tumuloy sa pagkain ng ice cream

"Amber! May sasabihin pala ako sayo!" biglang sabi ni Raven at napatingin naman kaming lahat sa kanya "Si Kuya Darren, babalik na daw!" medyo nagaalalang sabi ni Raven

Huta. Ba't ngayon pa?! Jusko naman, kuya! Napaka-gandang timing oh! Naalala niyo pa ba? Nung sa Chapter 1, nasa States kasi si kuya Darren, hindi ko alam kung ano business niya don basta nakakapagpadala siya ng pera. Hehe joke!

"Oh Amber, bakit ganyan itsura mo?" tanong ni Kieffer "W-Wala lang." sa totoo lang, kinakabahan ako. The last time I saw him got mad was in high school. When he caught buying alcoholic drinks

Hehehe hashtag medyo lasingera. XD DATI PA NAMAN YON! MABAIT NA KO NGAYON!

"Paano na 'yan Amber?" tanong sakin ni Francine "Di ko alam. Tsaka kelan daw babalik si kuya?" tanong ko kay Raven "Hindi ko sure. Ang alam ko this week eh." sagot niya

Anak naman ng tokwa oh. Paano kaya kapag nahuli niya ako na estudyante sa Winston? Jusque baka ipa-LBC ako nun agad agad sa States. Ayoko pa naman dun, ang daming nakaka-tempt na gawin na bagay bagay huehue

"Amber, bakit mukang problemado ka?" tanong ni Kiefs pero umiling lang ako "Inaaway ka ba nung kuya mo?" tanong ni Liam at pinitik ko lang siya sa noo, hindi kami nagaaway. Magkasundo nga kami nun eh, ang kinakatakot ko lang baka magalit siya ng sobra T^T

"Hindi. Kasi nga alam mo na." sinabi ko yun habang tinitignan si Liam na may kahulugan "Ahhh! Oo nga pala, pakamatay ka nalang Amber-sshi." sagot niya

"Ulul. Mauna ka." sambit ko "Edi sabay nalang tayo! Magkakaron ng 'forever' sating dalawa, hehe." sabi ni Liam at kumindat pa

YAKK. PUTA EWW.

"Liamber na talaga ituu!"

"Yes naman, binata na si Amber!"

"Kelan ba kasalan?"

Mga pakyu. Eto namang si Liam, tuwang tuwa pa habang ginagago kami ng mga kaibigan namin. Teka? Namin? Okay fine, si Liam ay kasama na sa tropa. Kawawa naman eh XD

Not A Dude [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon