III

34 2 0
                                    

Hindi ko lubos maisip na napaka easy-to-get ko pala. Nakakaasar yung feeling na, oo teacher ka expected na may mataas na antas pag dating sa intelektwal na batayan, pero nadali ako ng hit and run. At ang pinakamasaklap yung na Siopao Zoned ako. Yung asadong asado kahit binobola bola lang.

Yan ang teacher na shunga sa pag ibig, pero at least hindi ko napapabayaan ang obligasyon at trabaho ko.

"Hoy! Ayan ka nanaman! Ang lalim nanaman ng iniisip mo."

Ayan nanaman si Ian, as always. Lagi nya akong sinasagip everytime na nalulunod ako sa pag overthink. Lagi syang sumusulpot at ginigising ako sa tuwing naaalala ko ang bangungot ng nakaraan. Yun bang kahit hindi ko sabihin o di ko ipaalam, e nasesense nya na may nangyayari.

Isa sa hindi ko makakalimutan e nung dinala ko si Joey sa bahay. Disidido ako nun na ipakilala sya sa Mama at Papa ko dahil the night before napag usapan na talaga namin ni Joey yun. And that same night hindi sya nag dalawang isip na ihatid ako sa bahay.

Hindi ko maipaliwanag yung saya ko sa mga panahong yun. Yung tipong hindi pa kayo ganun katagal pero kita mo yung sincerity.

Tinext ko that time si Ian about sa plan namin ni Joey. Simple lang amg sagot nya pero malalim

Wag kang pakasisiguro...

Tatlong salitang nag pakaba sa akin. Pero dineadma ko lang. Nasanay kasi ako sa ganyan na puro lang sya kontra sa mga naging BF ko. Minsan napapaisip ako na baka may gusto sya sa akin, pero hindi pwede kasi masasaktan lang sya.

Dahil nga sa dineadma ko ang sinabi ni Ian itinuloy namin ni Joey ang planong ipakilala ko sya sa parents ko.

Sabi nya sa akin 9am daw sya pupunta. Sobra akong excited. Inayos ko yung bahay namin na kahit medyo may kaliitan e ginawa kong presentable. Nagluto din si Mama ng adobong baboy na lasang barbeque. Ramdam ko na pati sya e excited din.

10am na pero wala pa rin sya. Inisip ko na baka naman inaayos yung motor nya o busy pa sa bahay nila o baka nakatulog ulit kasi puyat pa sya kagabi.

Mangiyak ngiyak na ako nung malapit ng mag 11am at wala pa sya. Pero hindi naman nya ako binigo dahil kahit late na ay dumating pa din sya.

Lalong nasiyahan ang loob ng ipakilala ko siya kina Mama at wala man lang bad comments o sign ng pagtutol. Yung una ko kasing BF e sobrang tutol sila kaya di namin nagawan ng paraan para ipaglaban.

"Ano bang alam mong trabaho?"

Yan ang tanong ni Papa na sobrang ikinagulat namin, pati ni Mama. Magsasaka kasi si Papa kaya siguro nya natanong yun e gusto nyang malaman kung kasing sipag ba nya ang mapapangasawa ko (Asawa agad? Dalawang Linggo pa lang kami. E bakit ba? Haha!)

"Marunong po ako sa bukid, sa niyog at kopra. Nakikita ko po kasi yun dati."

Confident na sumagot si Joey. At di na rin nagsalita si Papa. Is that a sign of approval? Yun na ba ang man to man talk? Ok na ba kay Papa? Feeling ko OO!

Niyaya ni Mama si Joey kumain at dun ko nakita na magaan ang loob ni Mama dahil nag bibiruan pa sila. Yung sasabihan siya ni Mama na maghugas pagkatapos kumain. Yung mga komportableng asaran at biruan.

This is it! Eto na ang pinakahihintay kong sandali, at ngayon harap harapan ko pang nasaksihan. Ang mga mahal ko sa buhay nagsamasama, nagkakasundo. Pero may kulang. Wala si Ian.

Hindi naman nag tagal si Joey sa bahay. May pupuntahan pa daw kasi siya. Hindi na ako nag tanong pa kasi ok na ang mga nangyari sa araw na iyon. Kaya hinatid ko na sya.

Ilang oras na din ang lumipas ng umalis si Joey sa bahay. Sabi niya kasi magtetext sya pag dating nya sakanila. Malapit ng mag dapit hapon pero wala pa din. Ibisip ko na lang na baka napatambay muna bago umuwi. Sanay kasi sya sa tropa e.

Biglang may nagtext, hindi na man pala si Joey kundi si Ian.

"Asan na yang syota mo?"

"Umalis na kanina pa."

"Ahh namamadali ba? Baka may ibang lakad. Haha!"

Yan yung text nyang nakakaasar na parang may nais iparating.

"Ano bang ibig mong sabihin?"

"Bakit ako tinatanong mo? Bakit di mo tanungin yang syota mo?"

"Hindi pa sya nagtetext..."

"Ahhh may ibang lakad nga."

"Ano ba kasi Ian?" Medyo iritable na ako sa mga sinasabi nya.

"Yang magaling mong syota nakita ko may angkas na babae sa motor nya! Ayan sinabi ko na."

"Kalokohan..."

"E di wag ka maniwala. Katunayan nakita nya pa nga ako e. Kaya pinaharurot nya yung motor nya ng mabilis. At alam mo ba kung saan nya sinundo yung babae? Dyan lang sa unahan."

"Sinungaling..." Sa panahong ito wala na akong masabi. Parang gusto ko ng maniwala dahil sa pag kakaalam ko bestfriend ko tong katext ko ngayon at wala akong nakikitang dahilan para saktan ako ng sobra kung magsisinungaling lang sya.

Dinial ko yung number ni Joey. Busy ang phone nya.

Ring... Ring...

Pangalawang dial.

Ring.... Ring...

Panglimang dial.

Nanghihina na ako at ramdam ko na yung namuong luha sa mga mata ko.

1 Message Received
Joey

Oi sorry kakagising ko lang... Haba ng tulog ko... Kumain ka na ba??? Kain muna ko ha

Biglang may pumigil sa luha ko. Yun yung pag asang baka nga natulog sya mag hapon. Pero bakit busy ang phone nya? May tumatawag bang iba?

Pag katapos nyang kumain...

1 Message Received
Joey

Matutulog na po ako ha??? Sobrang pagod nag basketball kasi ako...

At di na sya nag text ulit. Pinipilit kong unawain na baka nga pagod sya. Kaya hinayaan ko na lang.

10pm na pero di pa din ako makatulog kaya naisipan ko mag fb. Nagulat ako nung nakita kong online sya. Pero kadalasan kasi nakaopen lang yung fb nya sa phone nya. Mas nagulat ako nung naglike sya sa post ko at biglang nag unlike. Di na ako nalatiis at chinat ko sya

"Kala ko ba matutulog ka na?"

"Nagising kasi ako at di na ako makatulog... Hehe..."

"Hmm nakakatampo ka na talaga"

Seen 10:24
No longet available

Yun bigla syang nag log out. Pinilit kong syang tawagan pero busy nanaman ang phone nya. Yung luhang kanina e napigilan ng kaunting pag asa, ngayon e pumakawala na. Umagos na ng diretso. Hindi ko alam kung anung nangyayari, kung tama ba si Ian sa mga sinabi nya. Kung anu ba talaga. Pero ako pa rin umintindi.

"Sorry sa istorbo, goodnyt. Luv u."
Message sent

Walang reply. Kaya ipinikit ko na lang mga mata ko.

Binalewala ko yung sinabi ng Bestfriend ko. Masyado akong nabulag sa mga pangyayari.

---------

Nasa tricy na kami ngayon pauwi at kanina pa pala ako nakatingin kay Ian habang inaalala ko yung katangahan ko noon kay Joey.

"Nagagwapuhan ka ba sa akin?"

Nakangiti si Ian sa akin at pinilit papungayin ang mga mata nya na para bang si Xian Lim, at naka pogi pose.

"Grabe Bez!"

"Palusot ka pa!"

"Hindi noh! Mini'measure ko lang yung kapangitan mo! Ahaha!" Sabay batok sakanya. Nag asaran lang kami sa tricy habang pauwi. Infairness gwapo naman talag si Ian. Tall, dark and handsome. Boyfriend material pero bestfriend lang talaga sya sa puso ko.

"One-Sided"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon