JAKE

9 3 0
                                    

Hi mga Sis. Sana na enjoy niyo ung first UD ko. Hindi ko 'to shinare para gayahin niyo instead para matuto at maging lesson narin sa inyo. Kaya every end ng bawat UD ko ay may

*realization/lesson learned.

Keep on reading guys! Bukod sa nailalabas ko ung nga gusto kong sabihin, nakakagaan sa pakiramdam :)))))

Keep on reading

Please vote, comment lang kayo kung may gusto kayong sabihin at share niyo narin :)))


///

He is Jake. Pinaka simple sa lahat. I swearrr. If ever na mabasa mo 'to or may makabasa na kakilala mo (Pakisabi I'm so blessed at naging parte siya ng past ko)

After kong mag transfer sa Kalinga nagbakasyon ako sa Apayao. Naalala ko un ung mga time na wala kaming magawa ng pinsan kong babae. Nagkataon na may motor ung asawa niya kaya nag motor motor lang ako, tinuruan ko na din ung Pinsan ko para alam niya :)))))

Actually, walang nagturo sakin mag motor. Self support lang mga teh! Hahahaha. Unang drive ko de kambyo agad (parang mga wave) okay naman kaya ayun pinagpatuloy ko nalang.

Apayao Memories is not that good to me.


Pain

Sudden changes

Basta, masakit ang Apayao para sakin.



One night, inutusan ako ng pinsan ko na magpaload sa tindahan. Mejo malayo ang store kaya pinagmotor nalang ako. Sumama naman ung anak niya na mga nasa 9-11 years old noon.

Ang bilis ng pangyayare kasi pagka start ko tapos larga ko sumalpok ung motor sa puno ng Acasia. Come to think of it, mga 10meters away lang sa bahay ung puno kung saan kami nabangga. May tama ung sa Shoulder blades ko (Kantahin mo ung PAA, TUHOD, BALIKAT, ULO) Ung mismong balikat un ung napuruhan sakin, half of my face ay puno ng galos at gasgas. Pango na nga ilong ko nagalusan pa :((( Tapos may sugat din ako sa paa kaya ika-ika ako. Pagkatumba namin nakatayo agad ung pamangkin ko, may tama siya sa bandang baba pero kinailangan tahiin kasi malalim at mejo paluwang kaya kailangan ng stitch para maayos.

Nung time na natumba kami, may lalaking tumulong sakin. Tinayo niya ako, kaso nakalimutan ko na pangalan nun. Alam ko taga dun lang siya kasi nakikita ko na siya dati. But still, Bro Thank youuuuuuu!

Sinugod kami sa hospital. Dumating yung pinsan ko na nag aalala. Okay pa naman nagpa x-ray ako tapos ginamot sugat ko. Ganun din sa pamangkin ko tapos tinahi ung sugat niya.

Pagkauwi namin sa bahay na inuupahan nila, natulog na kami kasi gabi nangyare ung aksidente. Kinaumagahan, nagising ako sa sigaw ng pinsan ko. And from that day my living hell, begins. Galit na galit siya, kesyo kasalanan ko daw lahat. Tanga ko daw. Bobo ko daw. At kung ano ano pang salita. Yes, kasalanan ko na nadisgrasya kami pero di ko naman sinasadya. Who the hell would want na madisgrasya diba? Duh!!!!

Naalala ko meron pa ung time na binato niya ako ng baso tapos dumugo ung bandang noo ko. I wonder, wala ba siyang puso? Doesnt she believe in karma? Pero wala akong magawa that time kasi dun ako nakatira. Kaya nagtiis nalang ako :(((

Few weeks magpapasukan na para sa fourth year pero may arm sling parin ako. Sabi ng Doctor kailangan ng therapy para maibalik ung nabaling buto kasi as in nagkahiwalay sila. Pero sa pagkakatanda ko, never akong binalik ng pinsan ko sa hospital para ma treat ung kamay ko.

In short, hinayaan nalang na gumaling. Walang kahit anong treatment or kahit manlang hilot. Kabait niya diba? Hshshshshs. So ayun na nga, pasukan na. Okay naman lahat. Transferee ako ulet kaya sikattttt. Kilala kasi bagong mukhaaaa.

LOST HEART Where stories live. Discover now