Prologue

2 0 0
                                    

"Freya, huwag kang lalayo." Hindi pinansin ni Freya ang babala na iyon ng kanyang daddy at patuloy na naglakad patungo sa kakahuyan. Kung siya ang tatanungin kahit sa edad niyang limang taon gulang ay hindi siya nag-aalalang maligaw sa loob nito. Hindi naman iyon ganoon kalawak at ang mga puno sa paligid ay hindi rin naman ganoon kayabong. Mas natutuwa rin kasi siyang maglaro sa loob ng kakahuyan, tahimik na hindi kasi ang dating sa kanya ng lugar.

Kahit sa murang edad ay appreciated na niya ang ingay na dala ng kalikasan. Ang mga huni ng ibon sa paligid, ang wagay-way ng mga dahon at sanga ng mga puno, maging ang pag-kuliglig ng mga insekto, ang lahat ng mga iyon ay nai-enjoy niya. Ngunit may napansin na kakaiba si Freya sa paligid nang araw na iyon.

Mayroon siyang narinig na kung ano sa kung saan. Inakala niya nung una na ugong lamang iyon na dala ng hangin. Pero nang pumikit siya upang mas lalo niya itong mapakinggan, ay kagyat din niyang na-imulat ang mga mata sa pagkabigla. Tama ba siya nang narinig? Tila boses iyon na nagmumula sa isang tao na humihingi nang tulong. Pero sino? Sa pag-kakaalam niya ay pribado ang kanilang lugar.

"Saan nang-gagaling ang tinig na iyon?" ani Freya sa sarili. Inilibot niya ang paningin sa paligid. Hindi niya matukoy ang pinagmulan ng boses sapagkat malayo na malapit ang dating nito sa kanya. Pumikit siya ulit sa pagbabakasaling muli niya itong maririnig, puno nang konsentrasyon ay pilit hinagilap ni Freya ang tinig sa pagitan ng mga huni ng ibon at ingay sa paligid na dulot ng mga insekto at puno. Hindi siya nabigo.

"Pakiusap... tulungan mo ako..."

Sa pagkakataon na iyon ay mas malakas na ang dating ng boses nito kaysa noong una, tila nasa harapan na niya ang kung sino man ang pinangagalingan nito. Pero nakakapagtakang wala siyang narinig na kaluskos na papalapit sa kanya. Kung ang biglaang pag-lamig sa paligid ay kanyang naramdaman, paano pa kaya ang pag-tapak nito sa lupa na napapaligiran ng mga tuyong dahon at sanga, imposible naman na hindi iyon lilikha nang ingay.

Kunot noo na dahan-dahang iminulat ni Freya ang mga mata. At dahil naka-yuko, ang una niyang nakita ay pares ng mga paang nakayapak. Tumingala siya upang sinuhin ang bagong dating.

Hindi maiwasan ni Freya na tumitig at pagmasdan nang matagal ang babaeng nasa harapan niya kahit na ito ay taliwas sa pangaral ng kanyang daddy. Ngayon lamang kasi siya nakakita ng taong sobrang puti na tila wala na itong kulay. Maging ang suot nitong mahabang bestida ay tila hindi na niya makita.

Walang pag-aalinlangang kinausap ni Freya ang babae. Hindi niya naisip na sinuway na naman niya ang utos ng kanyang daddy na huwag makikipag-usap sa hindi kakilala. Iyon ang pangalawang tagubilin nito sa kanya.

"Ano pong pangalan ninyo, ate? Ano pong ginagawa ninyo sa lugar namin? Kayo po ba yung humihingi nang tulong kanina? Sunod- sunod na tanong ni Freya sa kaharap. Ngunit ni isa man sa mga iyon ay hindi nito sinagot. The woman in front of her just stretched her index finger and pointed it somewhere. Sinundan ng mga mata ni Freya ang itinuro ng babae. Sa madilim na bahagi iyon ng kakahuyan na kahit kailan ay hindi pa niya napupuntahan.

"Ano pong meron doon?" muling ibinaling ni Freya ang paningin sa kausap. Pero katulad ng mga naunang mga katanungan niya ay hindi ito sumagot. Gusto na mainis ni Freya sa inaakto nito. Bakit ba mas madalas sa hindi, ang mga matatanda ay ayaw sagutin ang mga katanungan nilang mga bata? Kung may sagot naman, hindi ito kumpleto. Palagi na lamang ang litanyang "Paglaki mo Freya, malalaman at maiintindihan mo rin lahat." ang sinasabi ng mga ito sa kanya. Kailan pa kaya yun? Tatalikod na sana si Freya nang muling magsalita ang babae.

"Tululungan mo ako..." mahinang anas nito.

"Anong klaseng tulong? Naliligaw po ba kayo?" Hindi na naman sumagot ang maputing babae, bagkus ay tumalikod at lumakad ito patungo sa madilim na bahagi ng kakahuyan na itinuro nito kanina. Sa pakiwari ni Freya ay nais ng babae na sundan niya ito. Ihahakbang na sana ni Freya ang mga paa upang puntahan ang babae nang bigla ay naalala niya ang pangaral ng kanyang daddy. "Princess, tandaan mo ang isang pag-suway ay maaring masundan pa nang isa pang pag-suway kaya sundin mo ang lahat ng mga pangaral ko sayo." Sinuway na niya ito nang dalawang beses nang araw na iyon.

"Freya! Nasaan ka?" narinig niyang tawag ng kanyang daddy mula sa kanyang likod.

"Andito lang po ako." Nilingon ni Freya ang pinanggalingan ng boses. Nakita niya ang kanyang daddy na papalapit na sa kanya. Dagling nawala ang pag-aatubili niya na sundan ang babae kanina. Hindi niya masusuway ang pangatlong tagubilin nito sa kanya na huwag sumama sa isang estranghero sapagkat natatanaw na niya ang kanyang daddy at papunta na sa kanya.

Ilang talampakan pa ang layo ng ama ni Freya sa kanya ay lumakad na siya papalapit sa babae. Naabutan niya itong nakatayo sa isang maliit na punso. Punso ang tawag niya sa mga lupang may umbok na tinitirhan ng mga langgam at hantik. Malungkot nito iyon na pinagmamasdan.

Umupo si Freya sa gilid ng punso at dahan-dahang hinawakan ito. Pinalipat-lipat niya ang tingin sa babae at sa lupang hawak. Ilang segundo rin niya itong ginawa, ngunit wala siyang nakuhang reaksyon mula rito. Hanggang sa naisipan niyang alisin ang mga tuyong dahon na nakapaligid at tumatakip sa punso, gamit ang kanyang mumunting mga kamay. Hindi man lamang niya naisip na maaring maraming langgam ang mga dahon na hinawi niya. Hindi pa siya nakuntento at sinimulang hukayin ang lupa. Mabasabasa pa ito. Mukhang bagong gawa lamang.

Walang kahirap-hirap na nasira niya ito kaagad. Dakot dito, hukay doon ang ginawa ni Freya. Wala na siyang pakialam kahit pa madumihan at maputikan ang baby pink niyang bestida na may disensyong puting kuneho. Regalo iyon ng kanyang daddy noong nakaraang kaarawan niya. Ang mahalaga ay makita at malaman niya ang rason bakit malungkot ang maputing babae, at pakiwari niya malalaman niya iyon kapag nagpatuloy siya sa ginagawang paghuhukay.

Abala man sa ginagawa ay naulinigan ni Freya ang mahihina ngunit pamilyar na yabag ng ama mula sa kanyang likod. "Princess, what's wrong?" umupo ito sa kanyang tabi. Hindi niya nagawang sagutin ang tanong na iyon ng kanyang daddy sapagkat masyado siyang abala sa ginagawa, at natatakot siya na kapag nagsalita siya ay biglang mawala ang momentum niya sa paghuhukay.

Ilang minuto na rin ang lumilipas nang may makapa siyang malabot na bagay sa ilalim ng lupa. Gamit ang maliliit na braso at kamay ay pinilit ni Freya na hilain paitaas ang hawak-hawak, pero hindi niya ito magawa, kaya nag-simula ulit siyang mag-hukay. Dahil sa determinasyon na ipinakita ay mukhang nakuha ni Freya ang atensyon ng kanyang daddy, sapagkat tinulungan na rin siya nito. Sumilay ang mumunting ngiti sa mga labi ni Freya sa pagtulong na iyon ng kanyang daddy. Natutuwang tiningnan niya ito upang sana ay magpasalamat.

Ngunit taliwas sa kanyang inaasahan, takot at pagkagulat ang mababakas sa mukha ng kanyang daddy pagkakita niya rito. Bigla bigla hinila na lamang siya nito palayo sa lupa na kanyang kinasasalampakan. Pero huli na upang mailayo at maitago kay Freya nang tuluyan ang kung ano man ang nakita ng kanyang daddy upang matakot ito nang ganoon. Ang babaing puti na nakita niya kanina ay naroon at nakahiga habang nababalutan ng lupa ang ibang bahagi nang katawan nito.

The FREAK The JERK and The GhostWhere stories live. Discover now