"Kinang" (OneShot)

1 0 0
                                    

"Kinang"
(OneShot)

Tahimik kong inuubos ang iniinom ko habang pinapanood silang dalawa na naglalandian sa kabilang mesa ng bar. Mukhang lasing na lasing na yung babae, panay tawa at halik sya sa boyfriend ko. Yung gago ko namang boyfriend mukhang tuwang-tuwa pa.

Ano pa ba ang kulang sa akin, Dylan? Hindi pa rin ba talaga ko sapat?

Lumabas na silang dalawa. Kaya pasimple na rin akong sumunod sa kanila. Eto lang ang gagawin ko. Susundan sila at papanoorin mula sa malayo. Masakit. Yun lang ang natatanging pinaka-nararamdaman ko. At yun ang ginagamit kong pakiramdam para manatiling.. matibay at buhay.

Nang makitang nakalabas na si Dylan sa bahay na pinaglimliman nila ng babae nya makalipas ang ilang oras.. ako naman ang tahimik na pumuslit sa loob ng bahay.

Pagkapasok ko sa kwarto nya. Naabutan ko syang natutulog at alam kong wala pa syang saplot, natatakpan lang ng puting kumot ang nakadapa nyang katawan. Tumayo lang ako dun, pinagmasdan sya at iniisip kung ano ang gagawin sa kanya.

Bigla syang parang naalimpungatan. Bumangon sya paupo at parang may hinahanap sa paligid pero napalingon sya sakin at nanlaki ang kanyang mga mata.

"Sino ka?" Naalarma nyang tanong at tinakpan ang sariling katawan.
"Anong ginagawa mo dito sa pamamahay ko?" Kitang-kita ko ang takot sa mukha nya kahit na nagtatapang-tapangan ang boses nya.

Hindi nya talaga ako makikilala. Natatakpan ng hood ang mukha ko eh.

Maluwag na hoody, nakamask, nakagloves, may nakasukbit na beltbag sa katawan, naka short-shorts at boots. Lahat kulay itim. Tanging mga mata at maputi kong legs lang ang naka exposed. Oh, how I love this outfit dahil feel na feel kong ang sexy at hot ko.

Sya naman si Riza. Isa sya sa mga kasamahan namin sa opisina. Hindi ko akalaing gagawin ko din to sa kanya ngayon dahil baguhan pa lang sya. Pero dahil pinatulan nya agad ang boyfriend ko.. magbabayad sya.

"Sino ka ba? Magnanakaw ka no!?"

What the..? Magnanakaw ba ang may ganitong outfit? Duh? Spell bobita!
Hindi ko pa rin sya sinagot at hinayaan syang makita ang bangungot kahit gising sya. Binuksan ko ang beltbag ko at nilabas ang kumikinang sa talim kong armas na singhaba lang ng palad ko. Singtalim ito ng kutsilyo pero walang hawakan at double edge ang pagkakagawa ko dito kaya kahit saan mo hawakan, pag di ka marunong masusugatan ka lang. Napansin kong nanginig sya lalo kaya napalakas na ang boses nya.

"Wag kang lalapit! Tulooong!"

Walang sali-salita ko na itong binato sa mukha nya. Patayo itong bumaon hanggang bibig nya. Nahati pati ilong nya at parang na stuck na rin ang boses nya.

Oops! My bad.

Gulat na gulat syang napahawak dito at nagbagsakan ang mga luha sa mata kasabay ng mga masaganang dugo kaya ginanahan akong panoorin ito. Naglandas ang preskong dugo pababa sa dibdib nya kaya muli akong naglabas ng mas mahaba pa at unti-unting lumapit. Sinubukan nya na namang umatras habang hinihila pa rin ang kumot na tumatakip sa kanyang katawan. Napataas na lang ang kilay ko sa ginagawa nya. Akmang hihilahin ko ang kumot nang mabilis syang nakakilos pero bumagsak sa sahig.

Nakarinig ako na lang ako ng impit na iyak mula sa kanya. Umikot naman ako sa kabilang side ng kama kung saan sya. Mas lalong nawasak ang kanyang mukha. Tsk, tsk! Hindi na nya inintindi ang pagtakip ng katawan, pinilit na lang nito ngayon na gumapang.

"Ngungong.." humahagulhol pa rin nitong pag-ungol.

Napairap ako. Ayaw pang sumuko? Hirap na nga magsalita eh. Hinayaan ko lang syang igapang ang natitirang buhay nya. Mapapagod din yan. Hahayaan ko muna syang marealize kung ano ang mali nya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 06, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

KinangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon