Chapter 29

65 11 0
                                    

R-Dane's POV

Sana pinatay nalang nila ako. Hindi ko alam kung paano ko nagawa na saktan siya. Bawat luha na pumatak sa mata niya kanina....bawat patak nun sumasaksak sa puso ko. Pero kailangan kong gawin na saktan siya para hindi siya mahirapan. Para hindi mahirapan ang pamilya niya...Hindi ako selfish kaya nagawa ko yun, gagawin ko ang lahat ng bagay basta makakabuti para sa kanya. Hindi ko kayang makita na nasasaktan siya dahil sa unti-unti nang nawawala ang negosyo na pinaghirapan ng mga magulang niya dahil lang sa kahudasan ng kapatid ko. Wala talaga siyang kwentang tao. Hindi parin niya ako tinitigilan. Gagawin niya ang lahat para maging miserable ako. Ganun siya kasama.

"Anak. Nagawa ko na"

"PWEDE  BA! WAG MO AKONG TAWAGING ANAK! HINDI KITA MAGULANG!", isa pa to!  Magaling lang sa salita pero walang kwenta. Sorry for the term, alam kong tatay ko siya kaya lang. Nasan na yung pinangako niya na gagawa na siya ng mga bagay na ikakasaya ko. Nasaan na?? Pucha lang kase!!! Alam niyo yun....sinisira nila ang buhay ko. Kinuha nila ang shares ni Tita Yana para mahirapan sila Yesha. Para magipit ako at tukain ang gusto nilang gawin ko. Gusto nila na maghiwalay kami. Kahit ayoko na lumayo kay Yesha alam kong hindi pwede kasi mahihirapan siya. Malulungkot siya sa mangyayari sa negosyo nila at ayokong mangyari yun. Mas gugustuhin ko pa na ako ang magdusa kesa mahirapan si Yesha. Kesa mahirapan ang taong pinakamamahal ko.

"Gusto ko lang na maging masaya ang kapatid mo! Gusto ko lang na---

"OO NA! SANA MAGING MASAYA SIYA. MAGSAMA KAYONG DALAWA SA IMPYERNO!! WALA KAYONG KWENTANG TAO! MGA MAKASARILI. SANA MAKARMA KAYO!",  ayoko umiyak lalo na sa harap niya...kaso hindi ko mapigilan, pwede naman akong umiyak diba? Tao lang din ako na napupuno! Nasasaktan! At this time gusto ko nang sumabog. Gusto kong --- haist -_-  "SIMULA NGAYON WAG NA WAG NA KAYONG LALAPIT SA AKIN! IISIPIN KO NALANG... NA SA NANGYARING AKSIDENTE NI MOMMY KASAMA KAYONG DALAWA NI R-KIN! NA MATAGAL NA AKONG ULILA! NA MATAGAL NGA KAYONG PATAY !!! NA PATAY NA ANG MAGULANG KO AT WALA NA AKONG PAMILYA PAMILYA !!",  hindi ako masama...pero sobrang sakit talaga ang ginawa nila sa akin. Ang sarili kong ama at kapatid pa ang sumisira sa buhay ko. Sila pa!! Ang galing lang diba? Sa dinami-dami ng tao dito sa mundo na pwedeng manakit sa akin ....hindi ko matanggap na sarili ko pang kadugo ang makakagawa nito sa akin. ANG SAKTAN AT PAHIRAPAN AKO!!

"DAAAAAAAAAAAAD!!!", nakita ko na pababa ang hayup kaya tumalikod ako "Oh andito pala ang mahal kong kapatid. Salamat pala sa ginawa mo ah...By the way Dad hihiramin ko yung kotse. Tinawagan kasi ako ni YESHA sabi niya SHE NEEDS ME! Daaaaaaad ang saya-saya ko talaga! So pano alis na ako. Salamat talaga bro!", tinapik pa niya ako sa balikat bago siya umalis!!! Anong sabi niya?? Tinawagan siya ni Yesha? Parang gusto kong tumawa sa joke niya. Imposibleng gawin yon ni Yesha kasi mahal niya ako. Mahal niya ako, sigurado ako dun.... ang kaso sinaktan ko siya. Pero ginawa ko lang naman ang bagay na yun para din sa kanya. Kaso hindi ako makakapagpaliwanag sa kanya. At isa pa ako ang tanga na nagbigay sa kanya ng number ni R-Kin ang kaso lang hindi ako makapaniwala na ganito siya kadali bibigay. HINDI! ALAM KONG HINDI! KILALA KO SI YESHA....ALAM KONG MAHAL NIYA AKO AT YUN ANG PANGHAHAWAKAN KO.

"AALIS NA AKO! NAKUHA KO NA LAHAT NG GAMIT KO!", hindi na ako kelan man babalik sa pesteng bahay na ito. Hindi na kahit kelan. Pagsisikapan kong makatapos sa pag-aaral kahit wala ang suporta nila. I'm already 17 pwede na akong maghanap ng trabaho....kahit part time lang ayos na. Hindi ako aasa sa kanila. Isa pa alam ko naman na kayo kong mabuhay na wala sila. Oo, mahirap pero kailangan kong mahirapan para mas tumatag. HIndi ako basta-basta susuko. Alam kong kaya ko lahat problema. Kaya ko yan!!

"Pwede naman na hindi ka umalis. Hindi naman kita pinapaalis...Alam mo naman na mahal kita R-Dane!", tsk! As if naman maniniwala pa ako sa kanya. A-S-A!

"PWEDE BA!? NASUSUKA AKO SA MGA PINAGSASABI MO. ISA PA KAILANGAN KONG DUMISTANSIYA SA INYO DAHIL BAKA ISANG ARAW MAKALIMUTAN KO NA PAMILYA KO KAYO AT LAGYAN KO NG LASON ANG PAGKAIN NIYO PARA MATULUYAN NA KAYO!!!", hindi ako nagbibiro! Pwede kong gawin yun. At uunahin ko yung hayup na R-Dane na yun.

Two Is Better Than OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon