Chapter 27 - [Flashback]

342 17 0
                                    

"No. No. No. At isang malaking No ulit." Mariing tanggi ni Ella sa hinihinging pabor sa kaniya ni Trace.

Paano ba naman ay hinihingi ni Trace na pabor ay tulungan niya daw ito sa pakikipaghiwalay sa girlfriend nitong si Coreen? At hindi isang normal na break up dahil ang gusto ni Trace na mangyari ay siya ang sumagot ng tawag at magpanggap siya bilang girlfriend para isipin ni Coreen na cheater si Trace. Nahihibang na ata ito talaga.

Sino bang matinong babae ang papayag sa gustong gawin ni Trace? Syempre ayaw niya. Hinding-hindi siya papayag na manghimasok o makisali sa personal na buhay ng binata. At higit sa lahat, hindi siya papayag na masangkot sa pananakit at panlolokong ginagawa nito sa mga kapwa niya babae.

"Please, please, just one favor!" Patuloy na pangungulit ni Trace sa kaniya. "I just need you to answer the phone and pretend that you are my girlfriend. That way, iisipin agad ni Coreen na niloloko ko siya at hihiwalayan niya na ako. Easy as that."

"Easy? Ganoon lang yon sayo?" Taas kilay na pagmamaldita niya kay Trace. Hindi kasi niya nagugustuhan ang naririnig niyang mga sinasabi nito ngayon. "Hoy, lalake! Ang kapal din naman ata ng mukha mo 'no?  Magjojowa ka tapos kapag ayaw mo na, iiwan mo na lang basta? Ano bang akala mo sa aming mga babae, napkin na kapag napuno na ay itatapon mo lang basta?" At saka ito inirapan ng ilang para ipakita ang disgusto sa ideya na hinihingi nito.

"It's not like that, Ella. I have my valid reasons of breaking up with her. Hear me out first, will you?" Pamimilit nito para kumbinsihin siya.

"Ayaw ko." Patuloy niyang pag-ayaw. "Hindi kita tutulungan, Trace. Problema mo yan kaya ikaw ang gumawa ng paraan para lusutan yan."

"Trace? Really?" Kita sa mukha ng binata na mukhang nagulat ito ng tawagin lang niya ito sa pangalan at hindi ang nakagawian na Sir.

Kaya naman agad siyang nag-isip ng paliwanag. Mabuti na lang at nasa mood ang utak niya na gumana ng mabilis kaya agad siyang nakagawa ng dahilan. "Syempre, hindi naman tungkol sa trabaho ko sa Hacienda ang pinag-uusapan natin kaya bakit kita tatawagin na Sir Trace? Kaya hindi mo rin ako pwede takutin na tatanggalin mo ako sa trabaho kasi wala ka naman sapat na rason para gawin iyon. Tama ako, diba?"

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ng lalaki habang mataman na nakatitig sa kaniya, "Fine. You have a point."

"Alam ko." Nakaismid niyang tugon dahil natalo na naman ito sa kanilang argumento. Congrats, self! Iba talaga ka talaga! Ang galing mo! Tahimik na selebrasyon niya sa kaniyang isipan.

Nang muling mag-ring ang cellphone ni Trace ay lumitaw na naman doon ang pangalan ni Coreen. Pang walong beses na tawag na iyon ng dalaga pero hindi pa rin sinasagot ito ng binata.

Pinanlakihan niya ito ng mata para ipakita ang pagkairita niya ngunit hindi pa rin iyon pinansin ng bwisit na lalake. At sa totoo lang, bukod sa naririndi na talaga siya sa paulit-ulit na ring ng cellphone ay nauubos na rin ang oras niya sa walang saysay na diskusyon nila. Imbes na nasa Bayan na sana siya ay nakatengga pa rin sila dito sa gilid ng kalsada.

"Pag hindi mo pa sinagot yang tawag na yan, ibabato ko yang cellphone mo sa labas!" Hamon na pananakot niya rito.

"That's an iphone 11 pro max, worth 95,000 pesos. Halos anim o pitong buwan na sweldo mo ang katumbas niyan." Nakangisi lang si Trace at nanghahamon na tingin sa kaniya. "Go ahead. Do as you please, Ella. Itapon mo kung gusto mo."

Napalunok siyang bigla at nanliit ng marinig ang presyo ng cellphone ng binata. Hindi niya inakala na may cellphone pala na ganoon kamahal na lampas kalahating taon ng buhay niya babayaran. Sa sweldo niyang 12,000 buwan-buwan ay halos daig pa niya ang ibang nag-oopisina. Bukod sa 12,000 pesos ay libre pa ang pagkain nila at parang hotel ang kwarto na tinutulyan nila sa Hacienda. Pero lahat ng iyon ay barya lang kumpara sa klase ng buhay na meron si Trace.

One That Got Away (Playboy Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon