Chapter 28 - [Flashback]

341 16 0
                                    

Hindi mapawi ang ngiti sa mga labi ni Ella habang naglalakad paakyat sa grand staircase bitbit ang merienda na ipinadadala ng binatang amo na si Jace sa kwarto nito.

"Bakit nakangiti ka? Nasapian ka ba ng masamang espirito?" Tanong ni Marie ng magkasalubong sila. Galing ito sa silid ng alaga nitong si Vince.

"Nakita ko kasi yung sarili ko sa salamin, na-realize ko lang parang mas gumaganda pa ata ako lalo." Nakangisi niyang biro sa kaibigan.

"Ambisyosa!" Sabay irap. "Ano nga, bakit iba ata ang ngiti mo? Anong meron?"

Sinabi na niya ang totoong dahilan dahil tiyak na kukulitan lang naman din siya nito kapag dinaan ulit niya sa biro, "Nabasa ko kasi na break na daw si Lee Minho at ang girlfriend niyang si Suzy."

"Oh, tapos?"

"Ibig sabihin may chance pa maging kami, bessy! Single na siya ulit!" Kinikilig pa niyang sabi. Hindi niya alam kung bakit pero natutuwa talaga siya sa balita na iyon na nabasa niya sa facebook post ng pina-follow na page.

"Yon lang masaya ka na?"

"Syempre, may iba pa. Hindi naman ako ganoon kababaw." Pag-amin niya nang isa pang pinakadahilan na nagpapangiti sa kaniya. "Nakausap ko kasi sina Nanay at Tatay kanina, naikwento lang nila sa akin na sinisimulan na daw ayusin yung bahay namin."

"Wow naman, beshy! Proud ako sayo." Matamis ang ngiti sa labi na bati ni Marie. Hindi nga lang din siya mayapos nito dahil pareho silang may bitbit na tray.

"Thank you, sister!" Masayang tugon niya.

Isa sa mga pangarap niya bukod sa makapagtapos nang pag-aaral ay ang maipaayos ang kanilang luma at maliit na bahay sa probinsya. At sa loob ng magdadalawang taon niyang pagtatrabaho sa Hacienda ng Pamilya Hendelson ay malaki na rin talaga ang kaniyang naipon. Ang kalahati ng kaniyang sweldo ay ipinadadala niya sa kaniyang mga magulang, at ang natitira ay itinatabi niya talaga para sa kaniyang planong balik pag-aaral.

Matapos ang saglit na usapan nila ni Marie ay dumiretso na siya sa silid ni Jace. At dahil hindi niya mabuksan ang pinto ay kumatok na lang siya sa pamamagitan ng marahang pagsipa sa pinto.

"Sir, ito na po ang pagkain niyo." Wika niya kay Jace. Pero nakakailan katok na siya ay hindi pa rin siya pinagbubuksan ng binata. Tignan mo to, magpapadala ng pagkain tapos ayaw naman buksan ang pinto. "Sir Jace, nandiyan po ba kayo sa loob?" Tawag niya ngunit walang sumasagot.

Hanggang sa bumukas ang pinto ng silid na nasa kanan niya at sumilip mula roon si Trace. "What's that?"

"Merienda po, ibinilin kasi ni Sir Jace na pagdating ng alas-dos ng hapon ay ipagdala ko daw siya dito ng merienda." Imporma niya kay Trace.

"I think he's at the library, baka may kinukuha lang na files doon. Dito mo na lang idaan yan papasok sa room niya." Suhestiyon ng lalaki at saka malawak na binuksan pa ang pinto para makapasok siya.

At dahil may connecting door nga sa silid ng dalawa ay tinanggap na lang niya ang suhestiyon ni Trace kaysa naman maghintay siya sa labas ng silid ni Jace o kaya ay bumaba na naman siya sa hagdan tapos ay utusan lang siya nito na sa kwarto nito iyon ilagay. Doble pagod pa iyon.

Pagpasok sa silid ni Trace ay napansin ni Ella na naka-topless lang ito. Nagtungo ito sa closet para kumuha ng damit, pagkatapos ay dumeretso ito sa banyo. "Iwan mo na lang yan sa kwarto ni Jace."

Hindi na siya umimik. Sa halip ay dumiretso na siya papasok sa connecting door papunta sa silid ni Jace. Pagpasok doon ay agad niyang inilapag sa desk nito ang pagkain. Nag-iwan siya ng maliit na note doon at saka umalis. Doon na siya dumaan sa pinto ng silid ni Jace dahil ayaw niyang bumalik pa sa silid ni Trace.

One That Got Away (Playboy Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon