𝙏𝙬𝙞𝙨𝙩 𝙞𝙣 𝙢𝙮 𝙎𝙩𝙤𝙧𝙮

5 0 0
                                    


[𝘗𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘵𝘢𝘰𝘯𝘨 𝘵𝘪𝘯𝘢𝘥𝘩𝘢𝘯𝘢 𝘱𝘦𝘳𝘰 𝘥𝘪 𝘱𝘪𝘯𝘢𝘨𝘵𝘢𝘨𝘱𝘰] 𝚍𝚒 𝚝𝚞𝚕𝚊𝚍 𝚗𝚒𝚢𝚘 𝚙𝚒𝚗𝚊𝚐𝚝𝚊𝚙𝚘 𝚕𝚊𝚗𝚐 𝚙𝚎𝚛𝚘 𝚍𝚒 𝚝𝚒𝚗𝚊𝚍𝚑𝚊𝚗𝚊

-𝓜𝓷𝓮𝓶𝓸𝓼𝔂𝓷𝓮♡

Napakapayapa dito, ngayon lang ulit ako nakaranas ng ganito yung malayo sa lahat ng gulo at problema. Tanging paghampas lang ng alon sa dagat ang naririnig ko at preskong hanging nadapo sa mukha ko. Pumikit ako upang mas masinghap ang sariwang hangin na malamang pagkatapos ng araw na ito hindi ko na ulit malalanghap.

"Arya, nasaan ka na?" sambit ko sa sarili. Muli kong pinagmasdan ang dagat, hanggang sa hindi ko na matanaw ang araw at ang liwanag na dulot nito ay tuluyan ng nabalot ng dilim. Gabi na pala, mas naging payapa ang paligid ng dumilim ito. Niyakap ko ang mga tuhod, sapagkat naging malamig din ang paligid at ayoko muna bumalik sa kwarto.

"Ang tahimik noh?" biglang may nagsalita sa tabi ko. Hindi gaanong malayo ang distansya ng pagkakaupo namin sa buhangin ngunit sapat na para magkunwaring hindi ko siya narinig. Ayoko ng kausap gusto ko lang mapagisa. Hindi naman sumagot ang huli sa akin at mukhang naintindihan niya.

Sobrang miss ko na siya, ganun din kaya siya?. Nasaan kaya siya ngayon? Sana naiisip niya din ako. Si arya, hindi ko maiwasang mapangiti sa sarili pagsumasagi sa isip ko ang pangalan niya. Siya lang naman ang babaeng minahal ko ng sobra, simula pagkabata siya na ang kasama ko.

●♡🌺♡●

10 years old ako nun, nang napagpasyahan ng mga magulang ko na lumipat nanaman sa ibang lugar. Paulit ulit nalang na ganun, di ko sila masisi dahil yun ang bumubuhay samin at kakaumpisa pa lamang ng negosyo noon nila dad. Nangako naman siya na pag naging stable na lahat di na namin kailangan lumipat lipat pa ng tirahan at mamumuhay na din ako ng normal.

Paakyat palang ako sa kwarto ko upang magpahinga, dahil katatapos ko lang iimpake lahat ng gamit ko at tumulong nadin ako kila mom at dad. Nang may kumatok sa front door. Tinawag ako ni dad para buksan yung pinto, kaya napakamot batok nalang akong bumaba at binuksan ang pinto.

"Magandang umaga, gusto lang sana namin kayo dalhan ng pagkain. Bilang pagwelcome namin sa inyo dito. " sabi ng isang lalaki na mukhang kasing edad lang nila mom at dad. Naramdaman ko sa likod ko sila mom at dad, at sila ang sumagot sa matandang lalaki.

"Maraming salamat sa inyo." sagot ni dad sa kanila. May kasama din ang matandang lalaki na matandang babae at batang babae.

"Ito nga pala ang asawa ko si Evie at ako naman si dylan. Ito ang anak namin si arya. "Pagpapakilala niya sa asawa't anak niya. Tiningnan ko yung batang babae, at tumingin din naman siya sakin sabay binelatan ako. Problema niya? Tiningnan ko siya ng masama.

"Ako naman si Jacob at ito ang asawa ko si Jade at anak naming si James." pagpapakilala samin ni dad.

"Kung pwede kayo mamaya, pwede ba namin kayong anyayahang magdinner dito sa bahay namin, pagnatapos kami dito sa pagaayos, bilang pasasalamat namin sa inyo" nakangiting paganyaya sa kanila ni mom. Nainis naman ako, kase ayoko kasama yung batang babae dito sa bahay lalo na hapag kainan. Mukhang mawawalan ako ng gana mamaya ah.

"Aba syempre naman, asahan niyo ang pagpunta namin" nakangiting sagot naman ng matandang babae at nagpaalam na sila samin.

Natapos ang dinner na yun na hindi kami nagpapansinan nung batang babae. Pake ko naman sa kanya diba? Syempre wala, pero yun ang akala ko. Nakita ko siya nun, umiiyak sa bakuran nila. Alam ko kagagaling niya lang sa school nun kase suot pa niya yung uniform niya at uwian din nun. Pareho kami ng pinapasukang school pero di kami magkaklase, at pag nagkikita kami di kami nagpapansinan.

One ShotWhere stories live. Discover now