Rael Cortes, 19 years old,
isang babaeng walang kabuhay buhay ang mga mata
graduating student na sa isang pampublikong kolehiyo si Rael
kahit papaano ay nakakapag aral sya at magtatapos na sa kursong engineering hindi man ganoon katalinuhan ay naiintindihan nya ang mga itinuturo ng kanilang instraktor..
walang kaibigan si Rael at sanay na din naman ito na walang may gustong kumausap dito..
dahil kung titingnan mo ito ay talagang matatakot kang makipagusap
meeon itong mahaba at straight na buhok na hanggang balakang
itim at walang kabuhay buhay na pares mata
sa umaga ay nagaaral ito at sa gabi naman ay nagtatrabaho ito sa isang convinence store para maipangtustos sa pag aaral nito
tanging ang ama na lamang nito ang kasama nito at hindi din maasahan sahil ang paglalasing lamang ang ginagawa nito
naninirahan sila sa isang maliit na apartment hindi kalayuan sa skwelahan at pinagtatrabahuan neto
.....
naaa tapat ako ngayon ng apartment namin ni papa
at inaasahan ko na na lasing nanaman eto
wala ng bago
"hay nakakasawa na to" sa isip ni Rael
pumasok na ako at nakita ko itong tulog sa aofa habang nagkalat ang bote ng beer sa salas at naka on ang telebisyon
"konti na lang makakatapos na ako, at kapag nangyare yon makaka alis na ako dito" sabi ko sa sarili ko
nakakasawa na din kasi ang cycle ng buhay ko..
nilapag ko ang bag ko sa mesa at sinimulan na linisin ang kalat ng ama ko
matapos kong iligpit at linisin lahat ng basura ay pinuntahan ko ang ama ko para palipatin sa kwarto nito
ngunit bigla na lang ako nitong sinampal
"lumayo ka sakin demonyo ka!!" sigaw nito sakin
sabay tayo at gegewang gewang na tinungo ang daan papuntang kwarro neto
oo demonyo ang tingin nya sakin..
dahil ako ang dahilan ng pagkamatay ng pinakamamahal nitong asawa
kung hindi lang daw sana ako dumating sa buhay nila ay buhay pa ang ina ko
at magmula ng magkamalay ako sa mundo ay puro pangmamaltrato ang naranasan ko sa kamay ng sarili kong ama
ni minsan ay hindi nya ako tinuring na anak nya
tiniis ko lahat ng yon dahil kabit papano ay pinag aral pa rin nya ako ng elementarya at ng pag tungtong ko ng secondarya kahit sa murang edad ay kinailangan ko ng maghanap ng pagkakitaan kahit pangangalakal ay napasok ko para lang maipagpatuloy ko ang pag aaral ko sa socondarya
...
sigh
hinayaan ko na lamang ito at tumayo na...
dumeretso na ako sa kwarto para tapusin ang assignments ko..
matapos ang isat kalahating oras ay natapos ko din ang floorplan na pinagawa samin ng guro namin
inayos ko na lahat at humiga na..
mayat maya pa ay nakatulog na ako
BINABASA MO ANG
The Grimreaper
General FictionAng storyang ito ay tungkol sa isang babae na hindi naniniwala sa kahit ano mang tungkol sa anghel multo o taga sundo sa mga kaluluwa ng mga namayapa aa paglaon ng panahon magbabago kaya ang kanayang paniniwala kung nasa harap na nya mismo ang katot...