Parehas Umaasa One Shot

54 1 0
                                    

Note: Para sa mga umaasa at sa dati ng umasa at pinaasa. Sana wag kayong papayag na umasa lang, bagkus. Make it happen, Do the effort. Mas pagsisihan ang bagay kung hindi ginawa ang lahat.

[+]

Letter #1:

Hi Stacie!

Happy New Year!! Kapitbahay at ka-schoolmate mo ako. Iniwan ko ‘tong letter na ‘to sa mailbox niyo kasi nahihiya akong i-abot sa’yo diretso. Sana maging magkaibigan tayo. J

-J. Porras

Letter #2:

Hi Stacie!

Tinignan ko ang mailbox niyo, wala na yung una kong letter ko sa’yo. Kinuha mo ba? Binasa mo ba? Sana, hindi natapon ng mama mo. Sumulat ka naman pabalik sa akin, pwede ka ding mag-iwan ng letter sa mailbox namin. Aantayin ko yun ah para malaman ko kung kaibigan na kita.

-J. Porras

Letter #3:

Hi Stacie!

Wala padin akong natatanggap na letter mula sa’yo, pero patuloy padin ako sa pagsulat sa’yo kasi laging nawawala yung letter ko sa mailbox niyo. Baka binabasa mo naman talaga, hindi ka lang sumusulat pabalik sa akin. Sana napapangiti kita sa mga sinasabi ko sa aking liham. At sana maging magkaibigan na tayo. J

-J. Porras

Letter #4:

Hi Stacie!

Pagod ako ngayon pero naisipan ko na sulatan kita kasi laging napapawi ang pagod ko kapag alam kong ikaw ang susulatan ko. Nakita kita kahapon, kasama ang mga kaibigan mo. Nag hi ako sa’yo pero hindi mo ko pinansin, hate mo ba ako? Pero siguro kaya di mo ko pinapansin ay dahil ayaw mo sa akin, ayaw mo akong maging kaibigan.

-J.Porras

Letter #5:

Hi Stacie!

Grabe, nakakatuwa naman. Sumulat ka pabalik sa akin. Talaga? Gusto mo na akong maging kaibigan? Tinatago mo pala ang mga sulat ko, itatago ko din yung sulat mo sa akin na unang una dahil importante ka sa akin stacie. Salamat at sumusulat ka na sa akin, hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya.

-J. Porras

Letter #6:

Hi Stacie!

Bakit hindi ka na nagreply sa last kong letter sa’yo? Busy ka ba? Graduation mo na sa katapusan. Congrats sa’yo!! Mag hi-high school ka na sa susunod na pasukan, ako naman ay 2nd year high school na sa pasukan. Galingan mo, napakatalino mo talaga at napakaganda pa. Lagi kitang nasusulyapan kapag lalabas ka ng bahay niyo kapag bibili ka sa tindahan ni Aling Nena, sinusundan kita. Siguro hindi mo ako napapansin kasi hindi naman ako kapansin pansin. Mag-iingat ka palagi, congratulations ulit J

Parehas Umaasa » one shot «Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon