Athena's POV
Ang pag gising sa umaga ay, isang malaking pagsubok sa tulad kong tamad !
Ang pag gising sa umaga ay, isang malaking pagsubok sa tulad kong tamad !
Paulit-ulit kong naririnig habang pikit pa ang aking mga mata. Inis kong kinapa ang cellphone ko at pinatay yun, Tsk ! iritado king singhal. Dahil sa wala akong magawa, nirecord ko yan nung isang araw pa. Kakasawa din mga ringtone ko e. Kaya nag record ako at ginawang alarm clock kagabi yan. Dahil sa antok ko'y, pumikit ulit ako at natulog.
Kalahating oras na siguro Ang lumipas mula ng bumalik ako sa pagkakatulog ng maalala kong may pasok nga pala ako. Bumalikwas ako ng bangon. Tiningnan ko ang cellphone ko upang makita ang oras. At nasapo ko ang noo ng nakitang 6:30am na. Shit ! 7am ang pasok ko. Kahit tinatamad at nanlalatang tumayo dahil sa pagpupuyat ko kagabi ay pinilit kong kumilos. Dire-diretso ako sa banyo at naligo. Pagkatapos ay nagbihis na ako. Nagkamali-mali pa ko sa pagkabit ng butones ng gusot kong uniform dahil sa kamamadali ko. Lalo akong natatagalan. Kamay nalang ang ginamit kong pang suklay sa mahaba at itim na itim kong buhok. Ngunit, napamura ako ng makita ang nagkalat kong mga gamit para sa school. Ngayon ko lang to napansin dahil sa pagmamadali ko. May mga iba pa akong gamit na nahalo dun. Ngunit Wala na kong oras para intindihin pa 'yon. Basta na lang ako nagdadadampot ng kung ano at isinilid sa bag ko. Nang matapos ay bumaba na ako.Ang bahay namin ay gawa lamang sa kahoy. Ngunit sure naman akong matitibay 'to (Sana) May tatlong maliliit na kuwarto na tama lamang para sa isang tao. Ang dalawa ay para sa dalawang pinsan ko. At syempre, ang isa ay para sakin. Maliit, may manipis na kutsong higaan, maliit na lamesa for my study table kuno, tsss di naman ako pala-aral. Depende nalang pag sinipag. Matalino naman ako hehehe. Palaging makalat dahil sa mga nagkalat na tsitsirya, bottled water, papel, maruruming damit at wattpad books. Addict bes !
Pagbaba ko ng hagdan, ay nadatnan ko si Tita Trina, kapatid ng mama ko. Naghahanda sya ng almusal sa lamesa.Isa akong ulila wala na akong mga magulang at nag iisang anak lamang. Saklap !Mabuti na lamang at nandyan sina tita Trina at Tito Mio na kumupkop saakin. Mababait sila saakin pati ang kanilang dalawang anak na sina Eliza at Eleazar. Si Eliza ay tulad kong grade 11 na. Pasaway na babae, madaldal ngunit mabait. Si Eleazar naman ay Grade 12 na. Konting shembot nalang at college na. Pasaway din sa mga magulang. Mabarkada at kung minsan ay umuuwi ng lasing. Kung minsan ay napapalayas na ito ni tita dahil sa mga ginagawang kalokohan. Madalas kasing mapaaway. Pero dun lang naman sa kaibigan nya pupunta na katapat lang ng bahay namin para makituloy. O di kaya naman ay, dalawang bahay lang ang pagitan. Di man lang lumayo amp ! Itinuring nila akong totoong anak at kapatid. Kumbaga, sa kabila ng pagiging isang ulila ko ay mapalad parin ako dahil mabubuting tao ang mga kumupkop saakin.
Oh, hija bakit tinanghali ka ? Diba maaga pasok mo ? Tanong ni tita ng makita akong bumaba ng hagdan.
Eh, tinanghali po ng gising e -'nahihiyang sagot ko. Napakamot sa sentido
Napabuntong hininga si Tita. Sya nga pala, nauna na si Eliza dahil dadaanan nya pa raw ang kaklase nya. -aniya
Ganun po ba ?! Mahinang sabi ko.
O'sya lika na at mag almusal. -'aya ni tita
Hindi na po Tanggi ko. Mala-late na ko kailangan ko na pong pumasok. Dagdag ko. At lumapit na sa pintuan. Sige po tita bu-bye ! Sigaw ko at Nagmamadaling lumabas.
Mag-iingat ka ! Dinig kong sigaw nya pagkalabas ko ng bahay.
Patakbo-takbo ako upang mas mapabilis ako. Pagdating sa Kanto ay nakakita ako ng jeep at agad na pinara iyon. Isang sakay lamang papunta sa school ngunit 20mins bago ka makarating. Partida, Wala pang traffic yan. Buset !
YOU ARE READING
Ang Mayabang Na Si Lalaki At Ang Palaban Na Si Babae
Fiksi RemajaMayabang Walang sinasanto! Papalag kahit sinong makaharap !