Unang araw ng Disyembre, humigit tatlong linggo at kalahati na lang bago sumapit ang pasko, ay nagsimula na ang pagdedesenyo sa loob at labas ng Mansyon pati na sa buong Hacienda. Isang selebrasyon kung saan lahat ay excited na excited dahil bukod sa mga naggagandahang mga dekorasyon at nagniningning na mga christmas lights, higit na inaantabayanan ng lahat ang enggrandeng Christmas Party kung saan ay namimigay ng napakaraming raffle at christmas gifts at christmas bonus para sa lahat. Syempre kasama na ang masasarap na pagkain at inumin.
"Ang bilis ng araw 'no?" Sabi ni Marie habang naglilinis sila ng mga kinainan. "Dati nagsisimula pa lang tayong dalawa dito. Ngayon, tignan mo, magtatatlong taon na pala tayo."
"Oo nga eh. Dati panget ka pa at hanggang ngayon panget ka pa din." Pang-aasar niya sa kaibigan.
"Magtigil ka teh! Magka-level lang tayo ng ganda, lumamang ka lang sa dibdib." Ganti ni Marie ng kurutin pa siya sa tagiliran.
"Syempre number one asset ko yan. Pagpunta ko sa Korea, tignan mo, pati si Lee Minho at Lee Dong-wook maglalaway sa akin." Pagmamalaki niya sa malusog niyang dibdib.
"Ella, anong plano mo pagkatapos natin dito?" Sumeryoso na ang mukha ni Marie ng buksan ang topic tungkol sa kanilang napag-usapan noon. "Magtatatlong taon na tayo. Kulang-kulang anim na buwan na lang ay matatapos na ang kontrata natin. Magrerenew ka pa ba?"
Hindi agad nakaimik si Ella. Ang totoo ay hindi niya alam ang isasagot doon. Sa isang bahagi ng kaniyang isipan ay gusto pa niya magpatuloy dahil sa napakaraming dahilan pero sa isang bahagi niyon ay gusto niyang tumigil at simulan na ang kaniyang bagong buhay dahil malaki na ang naipon niya at gusto na niya makapagtapos ng pag-aaral at magkaroon ng trabaho sa mga malalaking kompanya sa Maynila.
"Hindi ko alam, sis. Ang totoo ilang beses ko na din iniisip yan pero wala talaga akong makuhang siguradong sagot." Pag-amin niya ng totoong saloobin. "Gusto ko, oo. Kasi nakakaipon ako dito. Kaya lang kasi syempre ayaw ko naman na habang buhay na ako ganito. May pangarap din naman ako."
Kung tutuusin ay marami na siyang naipundar. Nakakuha na ng hulugan na tricycle ang kaniyang Tatay para sa pamamasada at tapos na nila iyon bayaran. Naipagawa na niya ang dating luma nilang bahay na ngayon ay sementado na. Nakapagtapos na din ang isa niyang kapatid sa kolehiyo dahil sa tulong niya at nagtatrabaho na ito. May ipon na rin siya sa bangko. Nakakuha na din nga ng pwesto ang Nanay niya sa palengke para doon magtinda. Kaya kung tutuusin ay maayos na ang estado ng buhay nila.
Pero sa isang bahagi ay ayaw naman niyang iwan ang trabaho niya dahil napamahal na ang lahat ng tao doon sa kaniya. At mamimiss niya ang tila prinsesang buhay doon kahit pa nga ba kasambahay lang siya. Syempre pa ay si Trace, aaminin niyang mamimiss niya ang topak nito. Pati na rin si Jace.
"Ella, Marie, pagkatapos niyo diyan ay tulungan niyo kami dito sa sala ha." Sabi ng kanilang Ninang Elsa.
"Opo, Nang." Sabay nilang tugon.
"Sige na, i-check ko muna ang alaga ko kung may iuutos para kung wala ay tutulong na ako kila Ninang." Paalam ni Marie at umalis na ito para puntahan si Vince sa silid nito.
"Sige, mamaya na lang ulit tayo mag-usap." Sagot niya at saka mabilis na tinapos ang paglilinis ng mga plato at baso.
Nang magtanong si Ella kay Manang Elsa kung ano ang pwede niyang maitulong ay sinabi nito na linisin niya ang bintana at tulungan sina Mang Pedro at ang anak nitong si Tato sa pagpapalit ng mga kurtina.
At dahil umiral na naman nga ang pagka-bored niya ay nagprisinta siya kay Mang Pedro na sila na lang ni Tato ang bahala sa pagpapalit ng kurtina. Idinahilan pa niya na mas bata siya at mas kaya gawin iyon.
BINABASA MO ANG
One That Got Away (Playboy Series #4)
Romans(Tragic Romance) Trace is a rich young businessman and a well-known playboy. At hindi niya iyon itatanggi, in fact, nagagawa pa nga niya pagsabayin ang mga babaeng nilalandi niya. And Ella is just another innocent victim of Trace's game. Dahil ang...