Namimiss kona ang mga tropa ko. Sa ikatlong linggo ng buwan ngayon magiging anniversary na ng tropa namin. Ano kaya ang magandang ihanda? Nag isip-isip ako ng pwedeng i-handa. Sosorpresahin ko ang mga ito. Matagal-tagal nadin ng hindi ko sila nabisita. Sigurado ako magagalak ang mga ito. It's been 7 years noong huli ko silang nakita. Kaya ngayon ipaghahanda ko sila ng mga paborito nilang pagkain.
Makalipas ang ilang araw at 2 araw nalang bago ang annibersaryo nang aming pagkakaibigan. Bumiyahe ako papuntang beach resort, ang paboritong lugar naming magkakaibigan at kung saan huli kaming nagkita-kita bago kami pinaglayo ng tadhana.
Sa wakas, maipagmamalaki kona sa kanila ang kursong matagal ko nang minimithi. Ano kaya ang masasabi nila? Sigurado ako, tutuksuhin at pag iinisan nila ako kagaya nalang noong una.
Nakapasok ako sa top 10 na mukhang impossible dahil sa katamaran ko pero loko! Nakapasok parin ako. Nang malaman nila iyon pinilit nila akong magpalibre!
Ang mga loko HAHAHAHAHA!
Wala akong nagawa kinabukasan, nilibre ko ang mga ito. Paano hindi ko makakatakas eh kahit sa chat ginugulo nila ako pati si Mama.
Mga walang hiya! HAHAHAHAHA
Naalala kopa, noong wala kaming assignment sa math. TNG INA pre! Hindi kami pumasok sa isa naming subject ma sagutan lang namin ang assignment o dikaya gagawin namin yun sa ibang subject.
Pag-iniyaya ng isa ang isa sa pagcucutting classes, aba syempre hindi mawawala yung study perst sa tropa pero sumama naman sa pagcucutting dahil walang kasama sa classroom.
HAHAHAHAHAHAA!
Eto pa! Kapag dumaan yung mga crush namin! Syempre hindi talaga mawawala ang parinigan.
Sasabihin ko pre, mga walang hiya ang kaibigan ko.
Pero...kahit ganyan sila?
Kahit hindi man kami matatalino. Alam naman namin ang salitang samahan.
Walang halong plastikan, pamilya ang turingan. Kapag may problema ka andyan silang lahat.
Ganyan ka solid ang tropa namin. At masasabi kolang kamatayan ang maghihiwalay sa amin.
Nagkamali pala ako.
.
.
.
.Habang inihahanda ko sa lamesa ang mga pagkaing niluto at binili ko. Tumutulo ang luha ko.
Nang matapos ko itong inihanda pumunta ako sa dagat. Sa parte kung saan huli kong nahagilap ang mga masasayang nakaukit sa kanilang mga mukha.
Doon ako tumambay sa cottage habang hinihintay ang gabi.
Nang mag-gabi sumindi ako ng apat na kandila sa lamesa at lumitaw sa kawalan ang apat kong mga walang hiyang kaibigan at umupo sa bangko na nasa harap ng mesa.
Ngumiti ako na abot hanggang sa aking mga tenga habang tumutulo ang luha ko.
"Akala namin kinalimutan mo na kami." sabi ni Lea na tinawanan ko lang.
" Happy Anniversary! MGA gAGO! HAHAHAHAHA" ani ko habang hindi ko mapigilang maiiyak. Habang ang lalaki ng mga ngiti nila.
"Bakit ka naiiyak Mia?" tanong sa akin ni Seb.
"Wala, HAHAHAHA, Masaya lang ako." ani ko pero hindi ko talaga matigil-tigil ang sarili ko sa pag-iyak.
"Ano ka banaman Mia, sabihin mona makikinig kami." pagkukumbinsi sa akin ni Dianna.
"OO nga, tayo-tayo nalang dito oh! Nahiya kapa!" pagsang ayun ni William kay Dianna at nagtawanan sila.
Ang sarap pala sa tainga na marinig mo muli ang tawanan ng mga kaibigan mo pero bakit ang sakit-sakit sa puso na parang dinudurog ka?
"Ang dadaya ninyo kase." simula ko.
"Bakit naman?" nagtatakang tanong sa akin ni Seb.
"Bakit niyo ako iniwan?" natahimik silang lahat. Ang kaninang magagandang ngiti sa kanilang mga mata ay naglaho na.
"Mia." sabay nilang sabi.
"Ang dadaya niyo.." paghikbi ko, "sabi niyo sama-sama tayong aakyat ng stage at kukuha ng diploma pero iniwan nyu ako mag isa sa stage. Ansakit nun ha! Hindi man lang kayo nag sabi na may plano kayong magpakalunod sa bangkang sinasakyan natin. Kung nalaman kolang iyon na ang huli natin pagsasama-sama at pagkikita hindi ko nalang sana sinunod ang sinabi niyo na mauna nang tumakas." mas lalong lumakas ang pag-iyak ko na hindi ako makahinga ng maayos.
"Mia, patawarin mo kami." pauna ni William na umiiyak na.
"Same Mia, Sorry talaga." ani ni Dianna na nagsisimula nading umiyak.
"Mia, matagal na panahon na nangyari iyon. Kahit ganun panaman sana mapatawad mo kami." ani ni Lea na umiiyak.
"Alam namin na alam mo Mia na ayaw naming mamatay o malunod, hindi lang kami sinuwerte eh." mangiyak-iyak na sinabi ni Seb, "Its been 7 years ago Mia, sana mapatawad mo kami sa pag-iiwan namin sayo pero sana malaman mo na hindi ka talaga namin iniwan."
"True! Mia," ani ni Dianna,"Alam namin ang pinagdaanan mo sa mga panahong wala na kami at nasasaktan kami na makita kang ganoon Mia."
"Alam namin na nahihirapan ka nang mawala kami, na gusto mong mamatay dahil sinisisi mo ang sarili mo. Gumawa kami ng paraan Mia para hindi matuloy ang plano mong pagpapakamatay." dagdag ni William.
Nawalan ako ng mga salita dahil sa mga nalaman ko that explains ang mga kababalaghang nangyayari sa buhay ko. Akala ko tuloyan na nila akong iniwan, yun pala kasama ko lang pala sila kahit saan at sa oras na kailangan ko sila.
"Pasyensya na kayo..." panimula ko, " Sorry dahil inakala ko iniwan na ninyo ako."
"Mia...Hindi na kami magtatagal pa." ani ni Seb na ikinagulat at ikinataka ko.
"B-bakit?"
"Dahil tapos na ang misyon namin sa mundong ito, Mia." ani ni Lea na may ngiti sa labi tinignan ko si William at si Dianna ng totoo-ba-ang-sinasibi-niya- look. Bilang sagot tumango ang mga ito.
"Mia, ngayon na naging doctor kana. Gusto namin na malaman mo na proud kami sa iyo." masayang sabi sa akin ni William.
"Ang ibig niyong sabihin?" hindi parin ako makapaniwala sa aking naiisip.
"Oo, Mia, ikaw ang misyon namin. Hindi kami tumawid sa kabila dahil hinihintay ka namin bumalik dito at ipagmayabang mo sa amin na isang doctor kana. "
"Sa muli nating pagkikita Mia. Mahal na mahal ka namin, salamat sa mga oras at panahon na ibinahagi mo sa amin. Kahit napaikli ang aming pamumuhay sa mundong ito masaya kami dahil naging parte ka sa aming buhay." pamaalam sa kin ni Seb.
Bigla silang nawala. Pero hindi na iyon nagdulot ng kirot sa aking puso.
Ngayon naliwanagan na ako. Naiintindihan kona sila. At kahit kailan hindi pala nila ako iniwan.
Ngayon na tapos na ang misyon nila at tatawid na sa kapayapaan, kailangan ko nadin silang pakawalan upang maging mapayapa na ang mga ito.
"Lord, If there is what they called next life, please I want them again to be my friends." pagkausap ko sa Kanya sa kawalan.
People come and go, but the choices is in them whether they stay in your life or they leave. You should not hold them back cause true friends even death, they can't be separated.
YOU ARE READING
Compilations of My One-shot.
FanfictionHi! This books is all about my short stories or one shot! This book contains different genres. Please support this book! Happy Reading!