Toni's POV:
Sakay na kami ng kotse papalabas nang basement. Mula rito sa loob tanaw ko pigura ng ate kong nakatayo sa labas ng bahay.
Sinulyapan ko pa siya nang isa bago ipokus sa unahan ang mga mata. Humahagulgol pa rin si mama habang tahimik lang si papa sa pagmamaneho. Pasulyap - sulyap rin siya sa rear mirror.
"Sigh, ma. Just believe, Ate Brie. I know she can do it. Besides, it should be me you're blaming. Ako ang dahilan kung bakit tayo natrace. Hindi ko na sana pa binalak na buksan ang pc. I'm sorry, ma, pa". Iyak lang ako ng iyak habang sinasabi ko sakanila yun. Hindi ko kakayanin kapag nawala ang ate ko.
"Shh, Baby. Don't. Shh, it's okay. I know she can do it". Pang - aalo ni mama sakin ngunit hindi man lang gumaan ang pakiramdam ko.
"Huwag kayong mag - alala kaya niya ang sarili niya. She'll win it". Sabi pa ni papa kaya nabuhayan akong makakaya niya. My father is always serious in everything so no wonder that he has faith in my sister though of being rudeness of her.
Brie's POV:
Nakaalis ang pamilya ko at siyang pagdating naman nang mga taong inaasahan ko.
Dalawang itim na van ang dumating at isang Audi R8 GT. Lumabas ang mga armadong mga lalaking sakay ng itim na van. Hindi ko man aninag ang tao sakay ng Audi nasisigurado kong nasa loob nito ang kanilang pinuno.
Humakbang ako papalapit sa Audi kaya inaasahan ko nang handa sila. Sabay-sabay nilang itinutok ang baril sakin kaya huminto ako. Nakangisi pa sila ng isa - isa ko silang tingnan.
Hawak ang payong ko. Itinapon ko ito nang mataas dahilan upang tumingala sila. Bumulusok pababa ag payong sakto sa kamay ko kaya walang alinlangan kong hinatak ang hawakan at iwinasiwas sa kanila ang katana ko.
Isa, dalawa, tatlo... hanggang sa magsunod - sunod ang mga palitan namin.
Pinapaputukan nila ako na agad ko rin namang naiiwasan at walang habas kong pinupuntirya ang mga leeg nila.
Ilag doon, ilag rito ang ginagawa ko kaya wala ring lusot sa katawan ko ang mga bala na mula sa kanila.
Nakakaramdam man ng hilo ay pilit ko paring binabalewala yun para mapatay sila. Sa dami ng kalaban ko, hindi ko na lubos matukoy kung sino sa kanila ang iilagan. Basta ko na lamang sila pinupuntirya kahit wala nang kasiguraduhan ang bawat wasiwas ko.
Umaagos na ang dugo ko sa hita ngunit ipinagsawalang bahala ko nalang. Naramdaman kong sinuntok ako sa sikmura kaya napaluhod ako. Sinipa naman ako sa panga kaya tuluyan na akong napahiga.
Puro halakhakan ang mga naririnig ko kaya pinipilit kong makabangon. Tinapakan ang katanang hawak ko kaya napasigaw ako sa sakit.
"Ahhhh!" Sigaw at daing nang katawan ang nararamdaman ko habang sinusuntok at sinisipa nila ako.
Sigurado akong basag ang mukha ko sa mga pinaggagawa nila.
Naramdaman ko nalang na itinayo ako nang kung sino, hawak ang panga kong pilit pinapaharap sa lalaking nasa harapan ko. Dumura muna ako ng dugo bago siya tanungin.
"Psh, sino ka?"
"Hahahhahaa... Ikaw pala ang nakapasok sa site namin. Magaling, magaling, magaling... Hahahahhaha" Halakhak ng isang may edad na baritonong lalaki sakin habang hinahawakan ang pisngi kong iniiwas ko naman sakaniya.
"Sayang. Maganda ka pa naman sana. Kalaban ka nga lang. Hahahahaha...""Anong kailangan mo sakin?" Nanlilisik kong tanong sa kaniya.
"Hahahhaha. Baka ikaw ang may kailangan sakin?". Balik na tanong niya sakin.
"Psh, diretsahin mo na ako. Tutal papatayin mo rin naman ako ba't hindi mo pa ngayon sakin sabihin ang tungkol sa lolo ko. Alam kong ikaw ang nagpapatay sakaniya".
"Ahhahahhaa... So, ikaw pala ang apo ni Zamora. Ahhahahhaa... Kaya pala may pagkakahawig kayo. Parehong matalas ang mga dila. Hahahahhahahah. O sige tutal sa kabaong naman ang tuloy. Sasabihin ko na. Si Zamora ang matalik kong kaibigan, noon. Noon yun".
"Anong nangyari? Di ba kaibigan mo siya--- bogshh, ackk" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang sinuntok ako sikmura nang isa sa may hawak sa balikat ko.
'Tang*na'
"Hahahahaha... Patapusin mo nga muna ako. So ayun nga, kaibigan ko siya noon. Nagkataong may bagong saltang babae na kaklase namin. Maganda siya at mabait, hindi naman kagaanong may kaya sa buhay pero halatang sopistikadang babae at dahil matalik kaming magkaibigan sinabi ko sa kaniya na gusto ko yung babaeng salta at balak ligawan kaya lang hindi ko alam na shinota na pala yun nang bulok mong lolo kaya ang dulo sila ang nagkataluyan gayung ako yung unang nakilala saming dalawa. Mang - aagaw ang Lolo mo. Alam mo ba yun? Kaya nararapat lang sakaniya yun. Kung hindi niya sana naging shota si Esmeralda, magkaibigan pa sana kami". Galit na galit niyang saad sakin dahilan upang tawanan ko lamang siya. Kumikirot man ang mga sugat ko mukha ay ipinagsawalang bahala ko lang dahil masyado akong natatawa sa kuwento niya.
"Bakit ka tumatawa?"
"Hahhahaha... Hindi ko lang mapigilan. Hahahhaha... Okay, okay titigil na. Hahhahaa tang*na. Hindi ko mapigilan. Masyadong nakakatawa... Hahhahaha"
"Tumigil ka!" Kasabay nang sigaw niyang yun ang pagsapak niya sakin upang mapadura ako ng dugo.
"Alam mo bang hindi yan ang sinabi nang Lolo ko sakin? Nakakatawa lang na pinapapatay mo siya dahil sa walang kuwenta mong kuwento". Sinampal na namang muli ako kaya nanlilisik ko siyang tinignan dahilan upang sampalin ako nang paulit - ulit hanggang sa magsawa siya sa pagsampal sakin.
Ramdam ko ang pamamanhid at hapdi nang pisngi ko. Feeling ko maiiyak na ako pero pinipigilan ko para hindi sila magsaya sa nakikita nilang panghihina ko.
"Ano nga ba namang alam mo? Apo ka lang, hindi mo alam ang buong katotohanan". Pagak ko siyang tinawanan
"Pinagsasabi mo. Diba nasabi mo na nga na dahil sa pang - aagaw kuno ni lolo kay lola kaya kayo nag - away. Ano pa nga ba ang kuwento bukod sa dahilan mo?" Nakangisi kong tanong sa kaniya. Sinusubukan kong makipaglaro sa isip niya para makagawa ako nang paraan na makawala sa hawak nila.
"Hahahhahah... Not so fast, my dear. Hahhahahahha... Ipasok yan sa loob at dalhin sa wet market. Ipagbibili natin yan sa mga yakuza". Utos niya sa mga lalaking nakahawak sa kamay ko at naunang umalis sakay nang driver nito sa Audi habang nagpupumiglas naman akong makawala sa kanila. Buhat nang panghihina, balewala nila akong pabalyang pinapasok sa loob nang van.
Dumiretso naman ako sa bintana at pilit na binubuksan ang pinto kaya nakita kong inispray nila ang panyo bago ipalanghap sakin ngunit bago pa ako mawalan nang ulirat nakita ko pa ang isang lalaki na nakatingin sa lugar ko bago ako tuluyang lamunin ng antok.
_____________________________________________
My God!
Sino ang lalaking yun?
LIKE, COMMENT & VOTE© purpleCalib
BINABASA MO ANG
A Moment with You ✔️
RomanceDalawang tao ang pagtatagpuin ng tadhana. Handa ba silang suungin ang mga problemang nakaambang para sa kanila? O ipagsasawalang bahala na lamang ito? Nang dahil sa mga sikreto ng pamilya ni Brie Zamora, makilala niya si Diego Sacramento. Ano kaya a...